Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 910 - Isang Trahedya

Chapter 910 - Isang Trahedya

Mabait ang Presidente; plano pa nitong siya mismo ang magpresenta ang premyo sa nanalo. Maswerteng panimula ito para sa Academic Olympics. Ang ilang nanalo ay sabik na sabik. Hindi lamang nila makukuha ang isang daang milyon, personal pa silang mapaparangalan ng presidente ng Hwa Xia; ang karangalan na ito ay sapat na para nalalabi pa nilang buhay.

Gayunpaman, sa kabiglaanan ng lahat, ang Presidente ay biglang hinimatay sa kalagitnaan ng seremonya. Kung hindi dahil sa mabilis na pagkilos ni Ee Chen, nahulog na ito sa sahig. Biglang nagkagulo ang nasa bulwagan!

Nagmamadaling lumapit si Mubai at Lu Qi para tingnan ang Presidente at dalhin ito sa ospital. Ang pokus ng media ay agad na nagbago; nagsimula na silang magbalita tungkol sa pagkahimatay ng Presidente. Hindi inaasahan ng lahat na ang katapusan ng seremonya ng Academic Olympics ay mauuwi sa krisis ng kalusugan na ito.

Gayunpaman, hindi pa ito ang pinakamalala. Ang pinakamalala ay, marami sa mga lumahok at miyembro ng mga manonood ay biglang nagpakita ng mga nakakakabang sintomas. Kasama dito ang lagnat, panghihina, at pag-ubo. Halatang senyales ito ng nakakahawang sakit.

Kasunod ng pagkakatuklas sa mga pasyenteng ito, ang buong City A ay nagkakagulo, lalo na ang mga personal na pumunta doon para manood ng palabas, natatakot sila na sila ay mahawa.

Maraming grupong medikal ang nagpunta doon, na tumitingin sa iba pa, at ang lahat ng naroroon ay kailangang sumailalim doon. Ang lahat ng nagkaroon ng kontak sa pasyente ay kinakailangang ihiwalay para maobserbahan pa.

Lalo itong nakadagdag sa panic ng lahat, na hindi natutulungan ng mga konspirasiyang ipinapalaganap ng iba't ibang kumpanya ng medya. Ang ilan ay nagdududa na isa itong planadong pag-atake; ang iba ay nagdududa na isa itong karaniwang lagnat na napalala dahil sa malaking bilang ng mga tao.

Gayunpaman, mas marami ang nag-aalala tungkol sa pisikal na kondisyon ng presidente. Ayon sa opisyal na balita, ang kondisyon nito ay hindi maganda. Dahil sa katandaan nito at mahinang pangangatawan, marami ang humuhula na mamamatay ito dahil sa sakit o hindi na nito kakayanin pang pamunan ang buong Hwa Xia.

Sa anumang kaso, ang tanyag na Academic Olympic ay naging isang trahedya. Ito ay siguradong hindi magandang balita, pero si Xinghe at ang mga kaibigan niya ay wala nang oras pa para alalahanin ang mga balita sa labas; mas nag-aalala sila sa sitwasyon ng presidente. Wala itong malay simula pa ng magkaroon ito ng mataas na lagnat.

Gumugol ng madaing oras si Lu Qi para iligtas ito, pero sa kondisyon nito, sa kasamaang-palad, ay hindi umaayos. Ginugol ni Madam Presidente ang buong magdamag na nagdarasal sa labas ng surgery room nito.

Si Xinghe at ang iba pa ay naging abala sa maraming bagay, at naging abala din sila ng buong gabi. Sa tulong ni Mubai, pansamantalang napapatigil ni Xinghe ang ilang problema, at sa wakas ay nagkaroon sila ng panahon na mabisita ang Presidente.

Nang dumating sila, nagkataong kalalabas lamang ni Lu Qi sa surgery room.

"Kumusta na? Maayos na ba ang lagay ng Presidente?" Tanong ni Xinghe. Si Madam Presidente ay tumingin dito na umaasa ang mga mata.

Umiling si Lu Qi. "Ikinalulungkot kong sabihin ito sa inyo, pero hindi umiigi ang Presidente. Ang virus na naka-infect sa kanya ay masyadong malakas; isa itong strain na hindi ko pa nakikita dati. Kaya naman, wala pang paraan para mapagaling siya sa ngayon; kailangan pa namin ng panahon para masuri ito."

"Saan nagmula ang virus? Paano ito kumalat?" Tanong din ni Mubai.

"Ang paraan ng pagkalat ng impeksyon ay hindi pa alam. Ang lahat ng nagkaroon ng kontak sa Presidente ay kinakailangang sumailalim sa pisikal na pagsusuri at ang ilan sa kanila ay naimpeksyon din. Ang iba ay nasa kwarantina pa. Ang ilan sa inyo ay kinakailangang manatili din para maobserbahan, at naniniwala ako na ang virus na ito ay nakakahawa," seryosong komento ni Lu Qi.

Napatunayang tama si Lu Qi, dahil isang gabi lamang ang lumipas at daang tao na ang naimpeksiyon.