Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 894 - Kunin Mo ng Sarili Mo

Chapter 894 - Kunin Mo ng Sarili Mo

Magagawa nang ayusin ito ni Chui Qian ng siya lang. ang misyon nila ay tapos na, at wala na silang kinalaman pa sa iba.

Inalis na ni Lu Qi ang memorya ni He Bin na nasa katawan ni He Lan Qi. Ang pisikal na katawan ni He Bin ay nakabawi na halos lahat, at nakakulong na si He Lan Qi. Wala na silang gagawin pa doon. Gayunpaman, ang pag-alis nila ay masyadong biglaan, at wala nang pagkakataon pa si Chui Qian na bigyan sila ng maayos na paghatid.

"Mr. Presidente, marami pa kaming bagay na mamadaliin sa aming pag-uwi. Magkita na lamang tayo sa susunod," magalang na sabi sa kanya ni Mubai.

Tumango si Chui Qian at sinabi, "Siyempre, hindi ko na kayo pipilitin pang manatili kung iyan ang kaso. Tara na, ipapahatid ko na kayo sa mga tauhan ko sa airport. Ikunsidera na ninyo itong personal na pasasalamat sa mga bagay na nagawa ninyo para sa akin at sa bansang ito."

"Masyadong mabait si Mr. Presidente," sagot ni Mubai ng may ngiti. Isa din siyang taong marunong makisalamuha; ang interaksiyon niya kay Chui Qian ay tama lamang sa punto. Ito ang kahinaan ni Xinghe; magdadagdag lamang siya ng isa o dalawang salita panaka-naka.

Nagtalaga si Chui Qian ang isang limo at tsuper para sa kanila. Gayunpaman, habang ang grupo ni Xinghe ay palulan na sa kotse, biglang dumating si Tong Liang ng may grupo ng tao sa kanyang likuran.

"Ang ilan sa inyo ay aalis?"

Mabagal itong lumakad ng may bahagyang ngiti sa kanyang mukha. Ang kanyang tanong ay nakadirekta kay Xinghe. Sa ibang kadahilanan, palagi niyang tinatarget si Xinghe, pero ang aktwal na iniisip nito tungkol kay Xinghe ay hindi pa tiyak.

Tumango si Xinghe. "Oo."

Mabining nagtanong si Tong Liang, "Bakit agad-agad? Kakarating mo pa lamang sa buwan kahapon at aalis ka na ngayong gabi, hindi ba't masyado naman yatang nagmamadali?"

"Wala nang dahilan pa para magtagal pa kami," mahinang sambit ni Xinghe. Si Sam at ang iba pa sa likuran ni Xinghe ay nabablangkong nakatingin kay Tong Liang. Ang impresyon nila sa babaeng ito ay hindi maganda.

Hindi sila pinansin ni Tong Liang at sinabi nito ng may ngiti, "Maraming dahilan para manatili kayong lahat. Marami pa din kaming katanungan para sa iyo at kailangan namin ang kooperasyon ninyo sa maraming bagay."

"Nasabi na namin ang lahat ng kailangan naming sabihin at nagawa na namin ang lahat ng kinakailangan sa amin. Wala na kaming dapat pang sabihin kaya wala nang dahilan para manatili pa kami," direktang sagot ni Xinghe, ni hindi man lamang ito binigyan ng respeto.

Ngumiti si Tong Liang. "Ito ang iniisip ni Miss Xia, pero mula sa nakikita namin, may mga katanungan pa na hindi kayo nasasagot."

"Paumanhin, pero wala na akong maisip na hindi namin naipaliwanag sa iyo."

"Kung gayon, hayaan mong ipaalala sa iyo. Huwag mong sabihin sa akin, Miss Xia na. Nagpunta ka sa moon base at bumalik ka ng walang dalang mga impormasyon?"

Dumilim ang mga mata ni Xinghe. "Ano'ng klase ng impormasyon ang tinutukoy mo?"

"Natural lamang, ang kanilang teknolohiya." Ngumiti si Tong Liang. "Wala sa inyo ang nagbanggit ng anumang teknolohiya, pero sigurado ako na ito ay dahil sa nalimutan ni Miss Xia ang tungkol dito."

Agad na sumiklab ang galit ni Sam dahil dito. "Ano, sa tingin mo ay itinatago namin ang kanilang teknolohiya? Hindi kailangan ni Xinghe ang kanilang teknolohiya; mas mahusay pa siya kaysa doon."

Lubos na hindi pinansin ni Tong Liang si Sam na tila isa itong hangin. Tumitig ito kay Xinghe at sinabi, "Mahusay lamang si Miss Xia sa computer science, pero ang teknolohiya ni He Lan Yuan ay sumasakop sa maraming iba't ibang larangan. Miss Xia, ang teknolohiya nila ay pagmamay-ari ng mundo, at kapag inangkin mo ito, krimen ito laban sa mundo."

"Ano'ng krimen ba iyon?" Tanong ni Xinghe ng nakataas ang kilay. "Kung gusto ninyo talaga ang teknolohiya nila, bakit hindi kayo mismo ang kumuha?"

Nagbago ang mukha ni Tong Liang sa pabalang na sagot. Nagkibit-balikat si Ali at paismid na sinabi, "Tama iyon, kung gusto talaga ninyo ang teknnolohiya nila, bakit hindi kayo ang magpunta sa buwan para kunin iyon? Kung kaya ninyo, i-crack na din ninyo ang satellite system at ang defense system para makuha ninyo."

"Wala kaming kinuha na kahit na ano mula sa base, ang lahat ay iniwanan sa buwan, kaya kung ayaw ninyong maniwala, maaari kayong pumunta para tingnan ninyo mismo," dagdag ni Sam ng may pilyong ngisi.