Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 882 - Walang Masabi at Hindi Mapigilang Kalungkutan

Chapter 882 - Walang Masabi at Hindi Mapigilang Kalungkutan

"Mr. Sam, pakiusap ay ingatan mo ang pananalita mo, inuuna lamang namin ang kaligtasan ng sangkatauhan."

"So, para doon, kailangang sila ang isakripisyo?"

"Hindi ito sakripisyo."

"Tama iyon. Alam namin ang buhay nila sa buwan; sa islang iyon, ibibigay namin sa kanila ang isang buhay na mas higit ng ilang daan kaysa doon. Sa tingin ko ay sapat na iyon para gugulin ng mapayapa ang natitira pa nilang panahon ng pagkabuhay."

Tumiim ang tingin ni Sam. "Ang gusto nila ay hindi isang buhay na nakakulong sa isang maliit na isla."

"Ang nais namin ay kapayapaan ng mundo."

"Napakaraming lugar sa mundo na hindi mapayapa, kaya bakit hindi muna kayo gumawa ng hakbang tungo doon?"

"Ginagawa na namin, pero nagsisimula kami dito."

"Pero hindi nila sasaktan ang mundo. Kung may ganoon silang intensiyon, hindi na dapat nila pinigilan si He Lan Yuan at sumuko."

Ang grupo ng mga embahador ay patuloy siyang sinasalungat kahit pa gaano maging emosyonal si Sam. Sinubukan nila itong aluin at magdahilan dito. "Inaamin namin na hindi ka mali, pero paano ka nakakasiguro na hindi ito parte ng kanilang plano? Paano ka nakakasiguro na inosente nga sila? Hindi na maitutuloy ni He Lan Yuan ang kanyang plano, pero paano ka nakakasiguro na ang mga taong ito ay hindi itutuloy ang kanyang masterplan? Kung hindi mo kami makukumbinsi ng isang daang porsiyento na ligtas talaga sila, ay wala din itong saysay. Kahit na magawa mo pa, walang halaga ang mga salita mo. Sa bandang huli, ito ang desisyon na ipinataw ng United Nations. Walang makakapagbago nito, kahit na lahat kayo."

Umalis na ang mga embahador matapos nito.

Napasalampak sa sahig si Sam, nakaramdam ng pagkabigo. Tahimik pa din sina Xinghe at Mubai. Ang silid ng pinagpulungan ay napuno ng kalungkutan. Si Ali at ang iba pa ng SamWolf ay pumasok at napansin agad ang kakaibang ere.

"Ano'ng nangyari?" Maingat na tanong ni Ali.

Tila naramdaman na ni Ee Chen ang isyu, at nagtanong din ito, "Ano ang napag-usapan kanina? Ang mga umalis na embahador kanina ay tila hindi masaya."

"Ako ang hindi masaya dito!" Ibinagsak ni Sam ang kanyang kamao sa mesa.

"Ano ang eksaktong nangyari?" Napakunut-noo si Cairn.

Sinabi sa kanila ni Sam ang lahat-lahat. Kahapon, matapos na makaayos ni Sam, ginugol niya ang buong gabi ng pagkukwento sa SamWolf ang kanyang naging pakikipagsapalaran sa buwan. Sinabi niya sa mga ito ang maraming bagay, kasama na ang naranasan niya kasama sina Shi Jian at ang iba pa. Ipinakita niya sa mga ito ang kainosentehan ng mga iyon. Maaaring may mataas na IQ nga ang mga ito, pero may mababa silang EQ. Kahit na gaano pa pinalala ni Sam ang kanyang kwento, walang tanong na maniniwala ang mga ito sa kanya. Nasabi din niya ang napakaraming interesanteng bagay na nangyari habang daan.

Kaya naman, ang SamWolf at si Ee Chen ay may magandang impresyon sa grupo ng mga taong ito, lalo na alam nila ang buhay na nangyari sa mga ito. Gayunpaman, ang United Nations ay pananatilihin silang nakakulong sa isang maliit na isla; ang desisyong ito ang ikinagalit nila ng husto.

"Pero bakit?" Galit na tanong ni Ali. "Wala naman silang sinaktan, kung anuman, mga biktima din sila, kaya bakit kailangang tratuhin sila ng ganito? Kasalanan itong lahat ni He Lan Yuan at ng He Lan family, kaya bakit kailangang sila ang magdusa para sa mga ito?"

Walang tuwang tumawa si Sam. "Magandang tanong din iyan. Hinuli sila labag sa kanilang kalooban para magsagawa ng mga pananaliksik para kay He Lan Yuan at wala silang sinaktan, kaya bakit kailangan silang tratuhin ng ganito?"

"Sobra na ito." Napakunut-noo si Cairn at nagtanong, "Ano ang ipinagkaiba ng parusang ito at ng buhay nila sa base sa buwan?"

"Tama ka. Hindi madali sa kanila na makauwi, at ngayon ay ikukulong sila bago pa sila magkaroon ng pagkakataon na maranasan ang kalakihan ng mundo. Napakalungkot nito, Xinghe, makakaisip ka ba ng paraan para tulungan sila?" Tumingin si Ali kay Xinghe ng may mga matang nagmamakaawa.