Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 883 - Dahil sa Kanilang Kakayahan

Chapter 883 - Dahil sa Kanilang Kakayahan

Sanay na silang tumuon sa kanya para sa mga solusyon. Sa kanilang puso, walang bagay na hindi malulutas ni Xinghe. Naniniwala sila na may solusyon din ito para sa problemang ito. Dahil nga naman, siya ang nakalutas ng krisis na nagbanta sa buong mundo.

"Wala akong magagawa," mahinang sambit ni Xinghe, sa kanilang pagkadismaya. Naguluhan si Ali at ang iba pa.

"Xinghe, ano ang sinabi mo?" Nahihintakutang singhap ni Ali. "Kahit ikaw ay walang solusyon?"

"Ikinalulungkot ko, pero tama iyon." Walang ekspresyon si Xinghe. Kung may solusyon siya, hindi siya mananatiling tahimik buong oras.

Bumaliktad ang mga labi ni Ali. "Kahit ikaw ay walang magagamit na ideya? Kung pati ikaw ay walang maisip na solusyon dito, ay talagang hindi na ito masosolusyunan."

"Pero bakit walang solusyon dito?" Tanong ni Sam.

Sumagot si Mubai, "Dahil ito ang desisyon ng United Nations. Nasa kanila na ang lahat ng tamang dahilan, at hindi tayo makakagarantiya ng kahit na ano."

Kaya naman, nakatali ang kanilang mga kamay. Tila nawalan ng hangin si Sam. :Kung gayon, ang tangi nating magagawa ay maupo ng tahimik habang sila ay…"

Wala nang sinabi si Xinghe, pero ang katahimikan niya ang nagsabi ng lahat.

"Pero kung talagang inosente sila, malulungkot sila kapag nalaman na nila ang balita," malungkot na sabi ni Ali.

Mahinang sinabi ni Sam, "Nangako pa naman ako kay Kai Li at sa grupo na isasama ko silang akyatin ang pinakamataas na bundok, para bisitahin ang pinakamalaking lambak, at lakbayin ang mga karagatan."

Alas, ang lahat ng mga ito ay hindi na magkakatotoo. Si Shi Jian at ang iba pa ay sabik na tuklasin ang Earth; nagplano silang lakbayin ang mundo at subukan ang bawat karanasan na maaari nilang danasin, ang maging normal na tao, pero tila hindi ito nakadestinong matupad.

Wala nang makakapagbago pa ng desisyon ng United Nations, ang tangi nilang kapupuntahan ay ang kwarantina. Nag-aalala si Sam na ang bagay na ito ay makakapagpalungkot kay Shi Jian at sa iba pa, at maaaring paigtingin ang desisyon ng mga ito na mag-aklas. Dahil nga naman, lumaki silang lahat sa mga turo ni He Lan Yuan, kaya walang makakasiguro na ang mga turo ni He Lan Yuan ay hindi natatak sa kanila dahil sa kanilang patuloy na pagkakalantad nila dito. Ang paggawa ng bagay na ito ay maaaring maging dahilan ng sakuna na iniiwasang mangyari ng United Nations. Ang kilos ng United Nations na ito ay hindi nila maintindihan.

"Xinghe, wala na ba talagang solusyon dito? Kahit na paghiwa-hiwalayin sila, mas maigi na iyon kaysa sa wala," suhestiyon ni Ali at sumigla si Cairn.

"Oo, maaaring gumana iyon, dahil kung magkakahiwalay sila, ang posibleng panganib ay hindi na ganoon kalaki. Isa pa, lahat sila ay mga talentadong henyo, ang pagkakwarantina sa kanila ay isang malaking kasayangan."

Tumango bilang pagsang-ayon si Ali. "Tama iyon, ang pag-aalala ng United Nations ay mababawasan kung magkakahiwalay sila. Lahat sila ay kahanga-hangang mga talento, kaya kapag nagamit ito ng maayos, ang buhay ng mga tao ay mapapabuti ng husto."

Inisip ng SamWolf na ang talento ng mga taong ito ay makakatulong sa kanilang makaligtas mula sa hindi magandang pagtrato ng United Nations, kung kaya naman sila ay nagulat sa sinabi ni Xinghe.

"Ito ay dahil sa kanilang kahanga-hangang talento kung kaya sila na-kwarantina."

"Bakit?" Sa oras na ito ay si Ee Chen ang nagtanong, nagulat dito.

May buntung-hininga na nagpaliwanag si Xinghe, "Dahil hindi sila kasapi ng kahit na anong bansa, sila ay mga malalayang mamamayan ng mundo."

"So, dapat ay ito ang magbigay ng kalayaang nararapat sa kanila. Ito ba ay dahil sa walang bansa na nais na kupkupin sila?" Nagtataka si Ali.

Umiling si Xinghe habang tumatayo ito. "Ang kabaligtaran, ang lahat ay gusto silang kupkupin at iyon ang dahilan kung bakit walang makakakuha sa kanila."

Pagkatapos nito, lumabas siya ng silid, iniwanan ang iba pa na lubusang nagulat.