Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 871 - Kahit Si Xinghe ay Hindi Siya Maintindihan

Chapter 871 - Kahit Si Xinghe ay Hindi Siya Maintindihan

Sa kanyang alaala, ang kanyang ina ay isang mapayapa at kalmadong tao. Kailanman ay hindi niya nakitang nawala ang pagiging kalmado ng kanyang ina; tila ba wala itong pakialam sa lahat ng nangyayari sa mundo. Kahit na pabagsak na ang kalangitan, hindi man lamang ito kukurap.

Mas humahanga si Xinghe sa katalinuhan nio; ito na ang pinakamatalinong babae na nakilala ni Xinghe sa buong mundo. Ang lahat ng natutunan ni Xinghe ay mula dito, kahit ang kanyang kalmadong pag-uugali na halos wala nang pakialam, ay namana niya mula sa kanyang ina.

Gayunpaman, ang kanyang kakayahan ay mas mababa pa din kumpara sa kanyang ina. Ipinapakita nito kung gaano talaga kahusay ang ina ni Xinghe.

Kaya naman, hindi maintindihan ni Xinghe kung ano ang itinatakbo ng isip nito. Kung ibang tao ito, magagawang mabasa ni Xinghe ang utak nito, pero ito ang kanyang ina, ang isang tao na hindi niya maintindihan.

Nakatayo sa tabi ng bintana si Xinghe, iniisip ang mga binitawang salita ni He Lan Yuan. Lumapit si Mubai at inabutan siya ng isang bote ng tubig. "Ano ang nasa isip mo?"

Nawala sa pagninilay si Xinghe habang tinatanggap niya ang bote at sumimsim mula dito. Gayunpaman, hindi siya sumagot.

Tumingin din ang lalaki sa madilim na kalawakan, ang nangingislap na mga bituin ay mababanaag sa mga maiitim nitong mata. Sa isang mahinang tining, nagtanong siya, "Mula nang lumabas ka ng silid na iyon, nakatingin ka na sa bintana. Ano ba ang sinabi ni He Lan Yuan sa iyo?"

Lumingon si Xinghe para tingnan siya, at para makita ang perpektong hitsura nito.

"May sinabi siyang bagay na hindi ko inaasahan."

"Ano iyon?" Humarap si Mubai sa kanya, ang mga mata nito ay magiliw tulad ng kalmadong dagat. Silang dalawa ay walang sikreto; hindi na gusto ni Xinghe na magtago ng kahit ano mula dito.

Tiningnan niya ang kapaligiran para makasiguro na walang malapit na makakarinig at mahinang sinabi, "Sinabi niya na ang Project Galaxy ay dinisenyo ng aking ina."

Tulad ng inaasahan niya, kumislap ang pagkagulat sa mga mata ni Mubai. Ganito din ang reaksiyon ni Xinghe nang malaman nito ang balita. Nagpatuloy ng buong kumpiyansa si Xinghe, "At naniniwala ako sa kanya."

"Ano pa ang sinabi niya?" Pabulong na tanong ni Mubai, ang ekspresyon nito ay bumalik na sa normal.

Sinabi sa kanya ni Xinghe ang lahat. Matapos na marinig ni Mubai ang lahat, ang pagtataka niya tungkol sa ina ni Xinghe ay napukaw. "Mukhang isa talaga siyang nakakahangang babae. Alas, wala akong pagkakataon na makaharap siya."

"Ako din, hindi ko pa siya nakikita ng maraming taon na, pero ang sinasabi ng pakiramdam ko ay buhay pa siya, pero saan kaya niya itinatago ang kanyang sarili?" Bahagyang napasimangot si Xinghe. "Bakit niya ito ginawa? Ano ang balak niyang gawin?"

Hindi rin maintindihan ni Mubai kung ano ang iniisip ng ina ni Xinghe. Inalo niya ito, "Huwag kang masyadong mag-alala, pinapatunayan nito na wala siyang galit sa mundong ito kung hindi ay hindi ka niya iiwanan ng mga clue para mapatumba ang sistema. Isa pa, sa katalinuhan niya, sigurado akong maayos siyang namumuhay. Siguro ay may kailangan lamang siyang harapin, kaya kung nais na niyang magpakita, sigurado akong magpapakita na siya."

Tumango si Xinghe. "Isang paraan nga ng pagtingin ito doon. Pero nais ko pa ding makita siya at tanungin siya ng harapan kung bakit niya ito ginagawa."

"Okay, hahanapin natin siya ng magkasama matapos nating makabalik," pangako ni Mubai. Susuportahan niya ang bawat isa sa mga gagawin ni Xinghe. Mula ng maging sila, kailanman ay hindi pa siya humindi dito.

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Xinghe ay napapalayaw siya ng husto ni Mubai. Tumawa siya sa sarili, dahil kapag nangyari nga iyon, nakagawa na ng himala si Mubai.

Matapos ang ilan pang konsolasyon mula kay Mubai, nagdesisyon si Xinghe na iwaksi muna ito pansamantala sa kanyang isipan.

Related Books

Popular novel hashtag