Chapter 864 - Tumatawa

Habang daan patungo doon, nakita nila ang ilan sa mga itong nagmamadaling bumaba patungo sa kanila. Sa kanyang pagkagulat, may kargang dalawang tao sina Mubai at Sam na kasama nila. Sila sina He Lan Yuan at ang lalaki na nagtangkang wasakin ang defense system! Plano ba nilang iligtas ang mga ito?

Ang barrier ng base ay nabuksan na at ang hangin mula sa base ay lumabas. Sina Xinghe, Mubai, at Sam ay nakasuot ng kanilang mga spacesuit habang sina Mubai at Sam ay ibinabahagi ang kanilang mga oxygen sa dalawang lalaking karga nila sa kanilang mga balikat.

Malapit ng matumba sina Mubai at Sam dahil nahihirapan silang huminga at kinakailangan pa nilang magbitbit ng isang tao kasama nila. Nakita ito nina Shi Jian at agad na inutusan ang mga tauhan niya na tumulong sa mga ito.

Ngayong wala ng mabigat na dala, maririnig na nakahinga ng maluwag sina Mubai at Sam at binilisan ang kanilang mga hakbang. Mula sa tulong ng lahat, hindi nagtagal ay nakapasok na sila sa spaceship.

Ang spaceship ay may auto oxygen circulatory system, kaya naman inalis na ni Sam ang kanyang helmet pagkasara ng pinto. Napasalampak ito sa sahig at nagsimulang suminghap ng hangin. Ganoon din ang ginawa ni Mubai. Tumatagaktak ang pawis sa kanyang mukha, pero ang kanyang mga mata ay kumikislap. Mayroon pang malaking ngiti sa kanyang mukha.

Tumatawa si Sam, pagkatapos ang lahat ay nagsimula ding tumawa. Tila isang sakit, ang kanilang tawa ay lumakas ng lumakas hanggang sa ang buong spaceship ay napupuno ng tunog ng kanilang tawanan. Ang kakaiba lang, walang nagsalita, at ang lahat ay nawala na sa sobrang saya ng kanilang tawanan.

Isa itong tawa ng magandang pagtatapos, ang tawanan ng pagsasaya, para ipagdiwang ang panibagong pagsisimula. Ang tawa na perpektong inilalarawan ang kanilang mga damdamin na mahirap ipahayag sa mga salita. Ang ilang lalaki ay nagsimula pa ngang sumayaw, sa kung saan ay inisip nilang pagsasayaw sa buwan. Ang kakaibang pasikut-sikot na galaw ay lalong nagpatawa ng husto kay Sam.

"Sandali, tumigil na kayo, sumasakit na ang tiyan ko!" Biglang sabi ni Sam habang ang kanyang kamay ay napunta sa kanyang tiyan. Sina Shi Jian at ang iba pa ay agad na tumigil at tumingin sa kanya ng may pagkagulat.

"Masakit ang tiyan? Ano na ang nararamdaman mo?!" Nag-aalalang tanong ni Shi Jian.

"Nasaktan ka ba?" May nag-aalala ding nagtanong.

"Hayaan mong tingnan ko!" Isang lalaking nag-aral ng medisina ang nag-alok na suriin siya.

Gusto na namang tumawa ni Sam, pero sinabi niya, "Hindi, ayos lang ako, sumasakit lang ang tiyan ko dahil sa kakatawa, iyon lang."

Natigilan si Shi Jian at ang iba pa, ang tiyan ay maaaring sumakit sa sobrang kakatawa?

Hindi nagtagal, doon nila napagtanto ang isang hindi magandang pakiramdam sa ibaba ng kanilang mga tiyan. Tahimik na napabuntung-hininga si Shi Jian at ang iba pa. Sinabi ni Shi Jian ng may luha sa kanyang mga mata, "Matapos ang tatlumpung taon, ito ang unang beses na nalaman ko na maaari kang saktan ng tiyan sa kakatawa ng husto. Ang totoo, ito lamang ang unang beses na tumawa ako ng walang pakialam."

"Ako din."

"Ako din…" Ang iba pa ay tumango bilang pagsang-ayon. Ipinagluksa nila ang nauna nilang buhay, na walang kaibahan sa buhay ng isang patay. Ang bawat minuto ng kanilang paggising ay nauubos sa pananaliksik. Ang mga nakaraang dekada ng kanilang buhay ay mas kaunti kaysa sa nakaraang ilang minuto ng kanilang kasiyahan.

Sumumpa silang lahat na hindi na babalik sa ganoong pamumuhay. Nakatikim na sila ng kasiyahan at hindi na nila nanaisin pang ipagpatuloy ang mamuhay ng walang kasigla-sigla pa.

Agad na humarap si Shi Jian kay Xinghe at malalim na yumuko sa kanya. "Miss Xia, salamat sa pagligtas mo ng buhay naming lahat! Hindi namin makakalimutan ang kabutihang ipinakita mo sa amin ngayon at sa bagong buhay na ibinigay mo sa amin. Miss Xia, maraming-maraming salamat sa iyo!"

"Miss Xia, maraming salamat!" Ang iba pa ay yumuko din sa kanya.

Hindi kumportableng sinabi ni Xinghe na, "Walang dapat ipagpasalamat sa akin, ang dapat ninyong pasalamatan ay ang inyong mga sarili."