Hindi inaasahan ni Xinghe ang napakaraming suporta; natimo siya… pero hindi pa din ito sapat para mapalambot ang kanyang loob.
Umiling siya at sinabi, "Wala sa inyo ang makakapasok sa sistemang ito, tanging ako lang. Hindi ko pinipiling maiwan dahil gusto ko, pero kailangan. Kahit na sabihin kong maiiwan ako o aalis, hindi ko iniisip na may pagkakataon ako na makaalis dito ng buhay, kaya naman sa kasong iyon, mas nanaisin ko pang bigyan kayong lahat ng pagkakataon na mabuhay. Kung gusto talaga ninyong ipakita ang pasasalamat ninyo, umalis na kayo ngayon at huwag nang mag-aksaya pa ng oras. Makinig kayo sa utos ko, ang lahat ay umalis at gawin ang nararapat na paghahanda dahil maaaring may solusyon pa para isalba ang sitwasyong ito, pero hindi ito mangyayari kung ang lahat sa atin ay nakatayo pa din dito. Kapag nakaalis na kayong lahat ay maaari kayong pumunta para iligtas ako, kaya kumilos na kayo ngayon! Ang sinumang mananatili pa dito para makipagtalo ay aktibong binabawasan ang pagkakataon ng lahat na makaligtas!"
Natahimik ang lahat sa sinabi ni Xinghe dahil wala silang maisip na pangontra dito. Tama siya, kaya naman wala silang magawa kundi ang sumunod sa mga utos nito.
Tumalikod agad si Shi Jian at makapangyarihang iniutos, "Atensiyon, pumunta na patungo sa mga spaceship ngayon. Siguraduhing ang lahat ng preparasyon ay nagawa na!"
"Yes, sir!" Ang lahat ay sabay-sabay na sumagot. Walang nangahas na manatili, at nagsimula nang kumilos ang mga ito. Gayunpaman, sina Sam at Mubai ay nanatiling nakatayo.
Tumingin si Xinghe kay Sam at sinabi, "Kailangan mo na ding umalis."
Umismid si Sam, "Imposible! Ako ay…"
"Umalis ka na, ngayon!" Sigaw ni Xinghe sa kanya. "Hindi ko kailangan ang sakripisyo mo. Kailangan mong bumalik sa Earth ng ligtas para makumpleto ang misyong ito."
"Sino pa ang may pakialam sa misyon kung hindi ka sasama pabalik sa amin?!" Galit na ganting-sigaw ni Sam.
Biglang hinablot ni Mubai ang mga manggas nito at mariing umangil, "Kung gayon ay umisip ka ng paraan para makaalis kami dito ng walang namamatay sa atin. Sa ngayon, kailangan mong siguraduhin ang kaligtassan mo para mailigtas mo kami. Kumuha ka ng dalawang spacesuit sa ngayon!"
Nagulat si Sam habang unti-unti na niya itong naiintindihan.
"Pupunta na ako ngayon!" Iwinaksi niya si Mubai at nagmamadaling lumabas ng silid. Tumingin si Xinghe kay Mubai, ang mga mata ng huli ay masungit kung kaya ang anumang buhay na tao ay umiiwas na makipagtitigan dito.
"Ano pa ba ang itinatayo mo diyan, dapat ay magsimula ka nang magtrabahong lutasin ang defense system," paalala sa kanya nito sa isang kakaibang kalmado at magiliw na boses.
Binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para may sabihin pero nagdesisyon siya laban dito at nagsimula nang magpokus sa computer. Wala na siyang maraming oras para gawin ito dito. Alam niyang hindi ito aalis kahit na ano pa ang sabihin niya, kaya naman ang tanging bagay na magagawa niya ay ang i-crack ang defense system sa pinakamabilis na magagawa niya para bigyan ng pagkakataong mabuhay ang lahat.
Mabilis na hinarap ni Xinghe ang keyboard.
Hindi nagtagal ay bumalik si Sam na may hawak na dalawang set ng spacesuit. Matapos kunin ito mula dito, inutusan ito ni Mubai, "Pumunta ka na sa mga spaceship, tingnan mo kung may paraan na maililigtas kami."
"Okay!" Mariing tumango si Sam. Tumingin siya kay Mubai at sinabi dito ng buong kaseryosohan, "Kailangang mabuhay kayong dalawa; gagamitin ko ang bawat hibla ng aking lakas para iligtas kayo."
"Salamat."
Ito ang tanging sagot na maibibigay sa kanya ni Mubai, pero sapat na ito para maiparating ang pasasalamat na mayroon siya sa lalaki. Nakakaunawang tumango si Sam. Hindi na ito nagsayang pa ng oras na magsalita at pumunta na para gawin ang kanyang responsibilidad. Ang bawat segundo ay mahalaga, at wala na silang panahon para mag-aksaya ng kahit isa.
Nagsimula na ding kumilos si Mubai. Personal niyang tinulungan si Xinghe na maisuot ang spacesuit na hindi madali kung ikokonsidera ang katotohanan na ang mga kamay niya ay hindi umaalis sa laptop habang isinusuot niya ang spacesuit.
Sa tulong ni Mubai, matagumpay na naisuot ni Xinghe ang kanyang spacesuit maliban sa kanyang helmet at guwantes.
Pagkatapos ay isinuot na din niya ang sarili niyang spacesuit. Hindi din niya isinuot ang kanyang helmet at guwantes, para mas madali sa kanyang tulungan na maisuot ni Xinghe ang mga ito.