Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 860 - Activated ang Defense System

Chapter 860 - Activated ang Defense System

Sinabi ni Xinghe, "Pupunta na kami ngayon."

Tumayo na sina Mubai at Xinghe para umalis. Pababa na sila mula sa hagdanan mula sa ikalimang palapag patungo sa ikaapat na palapag ng biglang tumigil si Mubai. Lumingon si Xinghe para magtanong, "Ano'ng problema?"

Malalim ang pagkakakunot ng noo ni Mubai. "Mayroong mali."

Agad na naalala ni Xinghe kung ano ang sinasabi niya, ang taong nagsabi sa kanila ay hindi sumunod sa kanila.

"Mayroong mali sa lalaking iyon!" Bulalas ni Xinghe.

"Dumito ka lang, pupunta ako para tingnan," paalala sa kanya ni Mubai habang nagmamadali itong pumanhik sa hagdanan. Si Xinghe, siyempre, ay hindi hahayaang pumunta ito ng nag-iisa, kaya mabilis siyang sumunod. Mabilis si Mubai; narating nito agad ang control room. Binuksan niya ang pinto para makitang sinisira ng lalaki ang mga computer na nandoon.

"Itigil mo ang ginagawa mo!" Agad na nandilim ang mga mata ni Mubai. Hindi sumunod ang lalaki sa kanya pero itinaas pa nito ang upuan sa tabi nito at inihampas ito sa computer. Agad na lumukso si Mubai at pinatumba ang lalaki sa pinakahuling segundo.

"Pakawalan mo ako!" Ang lalaki na nadadaganan nito ay nagpupumiglas ng husto. Hinablot ni Mubai ang damit ng lalaki, ngumisi dito, at sinuntok ito sa ilong. Halos umubo ng dugo ang lalaki sa lakas ng pagkakasuntok at agad na nawalan ng lakas na lumaban.

Gayunpaman, hindi tumigil doon si Mubai. Patuloy niyang pinaulanan ng suntok ito hanggang sa mawalan ito ng malay. Habang nangyayari ito, abala naman si Xinghe na sinusuri ang mga computer.

Lumapit si Mubai at nagtanong sa seryosong tono, "Kumusta naman ang lahat?"

Sumagot si Xinghe ng may seryosong mukha habang mabilis na tumitipa ang mga daliri niya sa keyboard, "Tila inactivate niya ang defense system…"

"Ano?" Nagulat si Mubai bago tumiim din ang kanyang mukha.

Pagkatapos ay kinumpirma nga ni Xinghe ito sa mariing tono, "Oo, ginawa nga niya! Ang defense system ng base ay pinagana na niya!"

Habang sinasabi niya ito, nagsimula nang umugong ang mga sirena sa base. Ang mukha ng mga tao sa base ay nagbago nang marinig nila ang mga ugong.

Pagkatapos, narinig nila ang hibang na tawa ni He Lan Yuan. Mula sa gusaling kinaroroonan nito, ang kanyang tinig ay umalingawngaw sa base, halos lahat ay naririnig siya. Ang pinaghalong sirena ng base at ang tawa ni He Lan Yuan ay tila isang bagay na umiipit sa puso ng lahat.

Matapos ang ilang sandali, ang lahat ng nasa base ay nagmamadaling tumungo sa central building. Ang lahat ay gustong malaman kung ano ang nangyayari. Na-activate na bang talaga ang defense system?

Sina Shi Jian at Sam ang nasa unahan. Nagmamadali silang pumunta sa control room, sumulyap sa lugar, at tila alam na kung ano ang nangyari.

"Ano ang nangyari?" Tanong pa din ni Shi Jian habang hinahabol ang kanyang hininga. Mabilis na isinalaysay ni Mubai ang pangyayari.

Galit na napaangil si Shi Jian, "Siguro ay naimpluwensiyahan siya ni He Lan Yuan! Tangisng si He Lan Yuan lamang ang nakakaalam kung paano ia-activate ang defense system, pero hindi ba't nabaliw na siya… o baka naman pinepeke niya ito noon pa?!"

"Ang baliw na matandang iyon, pupunta na ako para tapusin siya ngayon!" Nagmamadaling lumabas si Sam sa galit.

"Sandali," biglang sabi ni Xinghe. Tumigil si Sam at lumingon para tumingin sa kanya ng may nalilitong hitsura.

Tumayo si Xinghe para kausapin ang lahat ng nagtipon doon. "Mula sa segundong ito, wala nang sinuman ang pinapayagang mag-aksaya pa ng oras. Gawin na ninyo ang kinakailangang paghahanda at magtipon sa mga spaeship. Gagamitin ko ang pinakamabilis ko para mawala ang defense system at buksan ang barrier. Kapag maswerte tayo, maaari pa tayong makaligtas mula dito."

Related Books

Popular novel hashtag