Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 86 - KAILANGAN KO ANG TULONG MO PARA PATAYIN ANG ISANG TAO

Chapter 86 - KAILANGAN KO ANG TULONG MO PARA PATAYIN ANG ISANG TAO

Naupo si Xinghe sa isang mabuway na upuang kahoy, ang kanyang mga mata ay banayad at ang ekspresyon ay natural.

Tila ba na wala siya sa paguhong bahay na ito, ngunit sa isang bahay na tulad ng iba.

Nakita ni Xiao Mo ang kahinahunan sa kanyang mga mata at napanatag din ang kanyang loob.

Itinanong niya ang bagay na gumugulo sa kanya, "Sino ka at bakit mo ako tinulungan?"

Hindi siya walang muwang na dumating ang tulong ng walang kapalit na kondisyon.

Isa pa, ang 20000 RMB ay hindi maliit na halaga, ito ay halagang hindi maisasawalang-bahala maliban na lamang kung ang taong ito ay sobra ang kayamanan.

Pero kahit na, hindi libre ang ginagawang kawanggawa ng mga mayayaman.

Hindi sila magkamag-anak kaya may maliit na tsansa na nandoon ito para tulungan siya ng walang rason.

Hindi na nag-abala pa si Xinghe na itago ang kanyang intensiyon, at sinabi, "Ang pangalan ko ay Xia Xinghe. Narito ako dahil kailangan ko ang iyong kooperasyon."

"Kooperasyon ko?" Nagulat si Xiao Mo, "Sa kung ano?"

Hinahamak na tinawanan niya ang sarili, "Sigurado ka bang nahanap mo ang tamang tao? Tingin ko ay hindi ako karapat-dapat sa lahat ng ito."

Hindi siya nagsisinungaling. Kung susumahin ang lahat ng asset niya, si Xiao Mo ay nagkakahalagang zero pennies.

Matiim siyang tinitigan ni Xinghe, at nagsalita, "Magtiwala ka sa iyong sarili. Ikaw ang taong hinahanap ko. Iniaalok ko sa iyo ang kooperasyon na ito dahil ikaw lamang ang tao na may kakayahang hinahanap ko.."

Naguluhan si Xiao Mo. "Hindi ko lubos na maintindihan ang ibig mong sabihin. Bakit hindi mo pa sabihin ang lahat? Makakaasa kang tutulungan kita hanggang kaya ko," komento niya.

"Gusto ko ang lalaki na hindi na nagpapaliguy-ligoy pa," puri ni Xinghe ng may ngiti.

Sumagot din si Xiao Mo ng nakangiti, "Malapit ng magtapos ang buhay ko. Wala na akong enerhiya makipaglaro kaya mas gugustuhin ko na deretsahin mo na ang punto mo. Huwag kang mag-alala, desperado na ako para sundin ang mga resonableng alok mo."

"Pero uunahan na kita, hindi ako gagawa ng mga bagay na lalabag sa basic human moral code," paglilinaw ni Xiao Mo, ito ang linya na ayaw niyang tawirin.

Tumaas ang kilay ni Xinghe, at sinabi, "Ano pa ang saysay ng pagpapanatili mo ng moralidad mo, halos nakabitin na ang buhay mo?"

Napasimangot si Xiao Mo, ang kooperasyong iniaalok kaya niya ay gagawa ng isang imoral na bagay?

Pero baka ang desperasyon lamang niya ang inaasahan nito.

Dahil mapanganib ang isang lalaking desperado.

Pero may nagsasabi kay Xiao Mo na ang kakaibang babae na nasa kanyang harapan ay hindi sangkot sa mga gawaing walang prinsipyo.

Pero wala naman siyang aktwal na ebidensiya maliban na lamang sa kanyang kutob…

"Kung iyon ang kaso, maaari ka nang makaalis. Tama ka, nakakapit na lamang ako sa buhay gamit ang sinulid pero mas nanaisin ko pang bigtihin ang sarili ko gamit ito kung lalabagin ko naman ang prinsipyo ko," determinadong sabi ni Xiao Mo. Hindi na magbabago ang isip nito sa pagkakasabi nito niyon.

Hindi siya pinansin ni Xinghe at patuloy na tiningnan ang kanyang kapaligiran.

Napako ang tingin niya sa isang kama na yari sa kahoy na nakaurong sa maitim na pader.

Ang kama ay halos masira na mula sa halatang pagkakasunog nito pero pinatibay ito ng mga haliging kahoy na idinagdag dito. Ang atensiyon ni Xinghe ay napako sa isang babae na nagsusumiksik sa sulok na iyon.

Isang babae na may magulong buhok ang niyayakap ang kanyang mga tuhod ng tahimik, nakatitig sa mundo gamit ang mga matang walang buhay.

May katagalan na si Xinghe sa silid na iyon pero walang ipinakikitang responde ang babae sa kanyang presensiya. Kahit ano pa ang kanilang pag-usapan, tila ba ito ay isang puppet na nawalan ng puppeteer.

Ang mga mata niya ay nakatutok sa babae, nagtanong si Xinghe, "Paano kung ang ialok ko sa iyo ay buhay ng karangyaan para sa iyong kapatid sa kondisyon na tulungan mo akong patayin ang isang tao. Ano sa tingin mo?"

Nagulat at nanlalaki ang mga matang napatitig si Xiao Mo sa kanya…

Related Books

Popular novel hashtag