Hindi na maiwasan nina Xinghe at Mubai na mag-isip na, Mabuti na lamang at ang mga taong ito ay hindi na-corrupt ni He Lan Yuan, kung hindi ay magagawa nilang sakupin ang mundo kahit na wala si He Lan Yuan.
Kaya naman, kahit na tulungan sila ni Xinghe na malutas ang defense system ng kanilang base, kakailanganin pa niyang hintayin na dumating ang militar, o kaya ay hanggang makatanggap siya ng isang daang porsiyentong kumpirmasyon na payag silang bumalik sa Earth. Pero kahit na ano pa man, ang lahat ng naririto ay kailangang madala palayo, ang iwanan sila dito ay magbibigay lamang ng pagkakataon na makagawa ng natatagong banta sa Earth.
Walang makakasigurado na ang mga taong ito ay hindi basta-basta mawawala sa kanilang katinuan at susunod sa mga yapak ni He Lan Yuan.
Siyempre, hindi na alam ni Shi Jian ang iniisip nila. Dinala sila nito sa nag-iisang dining area sa base. Ang lugar ay nagbibigay ng pang-araw-araw na pagkain at ang mga tao sa loob ng base ay pinapayagan na kumain dito ng libre. Para i-welcome sila, ang base ay sinadyang magluto ng maraming pagkain. Gayunpaman, habang ang pagkain ay inihahain sa kanila, hindi makapagsalita ang grupo ni Xinghe.
Ginamit ni Sam ang kutsara para tusukin ang mala-lugaw na laman ng kanyang mangkok at nagtanong ng nakasimangot, "Ano ba ito?"
Ipinakilala ito ni Shi Jian, "Ito ang pinakamasarap na masustansiyang lugaw na mayroon kami sa base, naglalaman ito ng higit pa sa sampung importanteng sustansiya. Pinapayagan lamang kami na makain ito ng isang beses kada buwan. Para ipagdiwang ang pagdating ninyong lahat, sinadya naming ihanda ito. Napakasustansiya nito at mabuti para sa inyo, kaya pakiusap ay i-enjoy ninyo ito."
"Pero… talaga bang nakakain ang bagay na ito?" Nakakunot pa din ang mga kilay ni Sam. Ang bagay ay maitim na tila tar at mas malagkit pa kaysa sa pandikit. Hindi na nagpaliwanag pa si Shi Jian at kumutsara na ng malaki bago isinubo sa kanyang bibig. Sarap na sarap itong kumain at si Sam ay naengganyong sumubok ng isang kutsara nito.
Pagkatapos, gumawa ito ng… isang kakaibang mukha. Tinitigan siya nina Xinghe at Mubai, naghihintay na marinig ang hatol nito.
Nagtanong ng may pag-aalala ang mukha ni Shi Jian, "Bakit, hindi ba ito masarap?"
Nilunok muna ni Sam ang lugaw at nagtatakang nagtanong kay Shi Jian, "Talaga bang ito na ang pinakamasarap na pagkain na mayroon kayo sa base?"
Tumango si Shi Jian. "Oo, nakalimutan ko na nga kung ano ang lasa ng pagkain sa Earth, hindi ba ito sapat sa iyong panlasa?"
"Oo, kailangan mo ngang masanay dito, pero hindi naman ganoon kalala," may ingat na sabi ni Sam. "Pero ang bagay na ito ay walang ibang lasa maliban sa kaunting tamis."
Isang malaking ngiti ang lumitaw sa mukha ni Shi Jian at ito ang unang beses na nakita nila ang taos sa pusong ngiti nito.
"Tama ka, napakatamis nito, kaya lahat kami ay gusto ito."
Sumagot si Sam, "Napakatamis?"
"Oo, ito na ang pinakamatamis na pagkaing mayroon kami."
Agad na nakaramdam ng awa si Sam sa mga ito!
Tumingin siya kay Shi Jian ng may luha sa kanyang mga mata at napabuntung-hininga. "Mr. Shi Jian, kailangan kong sabihin na, ang desisyon ninyong umalis ay tama! Kahit na sa pagkain pa lamang, kailangan ninyong bumalik sa Earth. Alam ba ninyo na ang pinakamasarap na pagkaing mayroon kayo dito ay isang bagay na hindi ikukunsiderang pagkain ng mga tao sa Earth? Mayroon kaming sampung libong klase ng pagkain at ang bawat isa sa mga ito ay may kakaibang lasa. Kakailanganin mo ng buong buhay mo para tapusing tikman ang mga matatamis na pagkain lamang. Sumusumpa ako na kapag natikman ninyo ang pagkain sa Earth, hindi na ninyo nanaisin pang bumalik sa lugar na ito!"
Ang boses ni Sam ay malakas at umalingawngaw. Halos lahat ng nasa dining area ay narinig siya. Ang lahat ay lumingon para tingnan siya at tumigil ang mga ito sa pagkain. Makikita ang kagustuhan sa mga mata ng lahat.
Hindi makapaniwalang nasambit ni Shi Jian na, "Talaga bang napakaraming klase ng pagkain at lahat sila ay masasarap?"
Hindi talaga nila maisip ang anumang pagkain na mas masarap pa kaysa sa kanilang masustansiyang lugaw.
"Hindi ba ninyo nalasahan ang pagkain dati noong nasa ampunan pa kayo?" Nagtatakang tanong ni Sam.