"Humarap ka na sa maraming panganib sa pagpunta mo dito ng mag-isa. Sapat na ito para makuha mo ang aming respeto at pagpapasalamat. Siyempre, nagpapasalamat din kami kay Mr. Xi at Mr. Sam para sa kanilang sakripisyo at kontribusyon."
Diretsong sinabi ni Mubai, "Ang dahilan kung bakit ako nandito ay dahil kay Xinghe. Siya ang fianceé ko, kaya naman susuportahan ko siya sa lahat ng kanyang mga ginagawa."
"Ako din. Ako ang bodyguard ni Xinghe; narito ako para protektahan siya," dagdag ni Sam.
Gayunpaman, si Shi Jian at ang kanyang mga tauhan ay lubos pa ding nagpapasalamat sa kanila. Halatang-halata naman na gusto talaga nilang lisanin ang lugar na iyon. Pero muli, sino ba naman ang hindi gugustuhing makaalis matapos na mapiit sa lugar na iyon ng ilang dekada?
Itinuloy ni Shi Jian ang pagpasyal sa kanila. Ang base ay napakaraming gusali na mukhang pabrika. Dinala sila ni Shi Jian sa mga pabrika; ang lugar ay halos pinatatakbong lahat ng makinarya. Ang lahat ng makinarya ay ang pinakamataas na uri at ang mga hilaw na materyales na ginagamit ng mga ito ay lahat halos ng itim ng enerhiyang kristal.
Sinabi ni Shi Jian na ang mga kristal ay isang klase ng malahimalang mineral na makikita sa ilalim ng buwan. Ang kanilang gamit ay marami at halos magagamit ito sa kahit na anong layunin.
"Si He Lan Yuan ang nakakita sa mga mineral na ito noong una siyang dumating sa buwan. Nalaman niya ang malaking halaga nito at ginamit ang mga ito para itayo ang base na ito sa buwan, at mula noon, ang kaniyang plano na sakupin ang Earth ay nagsimula. Sa mga nakalipas na ilang dekada, ginagamit namin ang materyal na ito para palakihin ang base sa kung ano ang nakikita ninyo ngayon." Ibinunyag ni Shi Jian ang lahat sa kanila, kahit ang impormasyong hindi nila hinihingi.
"Ang bagay na ito ay talagang nakakahanga," puri ni Xinghe. "Kung wala ito, wala sa mga bagay na ito ang maaaring maging posible."
"Tama ka. Kaya naman tinatawag namin silang creation ore, sila ang aming pinakamahalagang bagay."
"Ito na marahil ang pinakamalaking kontribusyon ni He Lan Yuan sa mundo," sabi ni Sam.
Sumang-ayon si Shi Jian. "Mula sa ibang pananaw, talaga namang may kahanga-hangang ugali si He Lan Yuan. Ang totoo, kung hindi sa pangit na lagay ng pamumuhay dito, ang lahat sa amin ay hahangaan siya. Ang kanyang kaalaman at hilig sa pananaliksik ay walang kapantay."
Sina Xinghe, Mubai at Sam ay sumang-ayon dito. Talaga namang maabilidad na tao si He Lan Yuan. Alas, sinayang niya ang kanyang talento para sa kasamaan. Kung sa kanyang talino, agad siyang makakabuo ng pangalan para sa kanyang sarili sa mundo ng tao. Gayunpaman, nasira siya ng sarili niyang ambisyon. Pero muli, marahil ito ay dahil sa ipinanganak siya ng mas mataas sa iba kaya ang normal na katanyagan at kadakilaan ay hindi sapat sa kanya. Masisiyahan lamang ito sa paggawa ng isang malaking bagay tulad ng pagsakop sa mundo.
Seryosong nagtanong si Mubai, "Nasaan si He Lan Yuan? Gusto namin siyang makita."
Tumango si Shi Jian matapos ang ilang pag-aatubili. "Oo, hindi na maiiwasan ang pagkikita ninyo. Pero binabalaan ko kayo na ihanda ninyo ang inyong mga sarili dahil nakakatakot siyang tingnan sa sandaling ito."
Hindi maiwasan ng tatlo na magkatinginan. Ano ang ibig niyang sabihin dito?
Dinala sila ni Shi Jian sa pinakamataas na gusali na siyang nakatayo sa pinakagitna ng base.
Ang gusali ay kakaiba ang disenyo ay nagbibigay ng madilim na kinang. Ipinaliwanag ni Shi Jian na ang mga iyon ay mga electric lights. Ang gusali mismo ay kasing itim ng gabi. Para masiguro na may kaibahan sa pagitan ng mga gusali, ang bawat ibabaw ng gusali ay napupuno ng mga electric lights para makagawa ng kulay at hugis na maaaring baguhin ayon sa pangangailangan.