Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 852 - Pangit na Matandang Lalaki

Chapter 852 - Pangit na Matandang Lalaki

Dahil ang gusaling ito ay ang tinitirahan ni He Lan Yuan, palagi itong nagbibigay ng mala-banal na kinang. Ginawa nila itong kulungan ni He Lan Yuan at tanging ito lamang ang nananatili doon. Nakakulong si He Lan Yuan sa pinakataas na palapag ng gusali.

Ang gusali ay may pitong palapag, at ang bawat palapag ay may kanya-kanyang layunin.

Ang ground floor ay ang lobby, ang ikalawa ay ang meeting room ni He Lan Yuan, ang ikatlo ay ang taguan ng mga impormasyon, ang ikaapat ay ang research lab ni He Lan Yuan, ang ikalima ay ang information control room, ang ikaanim ay ang lugar ng recreation ni He Lan Yuan, at ang ikapito ay ang kanyang living area.

Iginiya si Xinghe patungo sa gusali, at nang narating nila ang ikaanim na palapag, nagtanong si Sam, "Ang sabi mo ang palapag na ito ay para sa recreation? Pero ang nakikita ko lamang ay ang mga kakaibang makina at ang malaking screen na iyon, para saan ito? Para sa paglalaro?"

Ang malawak na silid ay may pader na may malaking electronic screen at sa harap nito ay isang malaking upuan na tila isang bahay. Kahit si Xinghe ay hindi maintindihan kung para saan ang bagay na iyon.

Nagpaliwanag si Shi Jian, "Isa itong full-sense na virtual reality device. Kapag naupo ka doon, mararanasan mo ang simulated na mundo na lumilitaw sa screen. Ang mga bagay na nangyayari sa virtual na mundo, ay mararamdaman mo ng personal. Ang pagbabago ng mundo ay magbibigay sa iyo ng iba't ibang karanasan."

Nanlaki sa pagkagulat si Sam. "Talaga bang nakakahanga ito?"

"Oo, ito na ang pinakamagandang palipasan ng oras namin dito. Mayroong mga virtual world testing cabin sa labas, maaari mo itong subukan kahit na anong oras kapag interesado ka dito."

Tinandaan agad ni Sam ang alok na ito. Gayunpaman, sina Xinghe at Mubai ay hindi ganoon kainteresado. Ang ganitong klase ng teknolohiya ay mayroon din sa Earth, pero tanging sa teorya pa lamang, pero ang mga tao sa buwan ay nagawa na ito. Halos ginawang katotohanan lahat ni He Lan Yuan ang mga teorya dito.

Ang base sa buwan ay isang mundo ng sci-fi. Ang mga may gusto sa genre na ito ay magugustuhan ng husto ang lugar na ito.

Matapos ang maikling pamamasyal, handa na silang umakyat sa ikapitong palapag para makita si He Lan Yuan. Tumindig ng tuwid ang grupo ni Xinghe. Kinakabahan pa din sila na makaharap ito dahil hindi ordinaryong tao si He Lan Yuan.

"Nasa loob lamang siya, pero nawala na siya sa katinuan at umatras na sa sarili niyang mundo. Kaya naman, naniniwala ako na hindi siya sasagot sa inyo sa kahit na anong paraan," paalala ni Shi Jian habang itinutulak nito ang mabigat na pinto.

Mayroong bakal na pintuang rehas sa loob; nakikita nila si He Lan Yuan sa pagitan ng mga rehas.

Sa kanilang pagkabigla, ang He Lan Yuan na nakakulong ay malaki ang kaibahan sa perpektong lalaki na nakita nila.

Ang tao sa loob ay isang mukhang mahina, at pangit na matandang lalaki na hindi hihigit sa 130 sentimetro ang taas!

Nakaupo ito sa kanyang rocking chair at nakatitig sa labas ng isang maliit na bintana sa silid. Walang tunog na bumubulong ito sa kanyang sarili.

"Iyan si He Lan Yuan?" Napasinghap si Sam.

Tumango si Shi Jian. "Oo, iyan talaga ang hitsura niya. Ang taong nakita ninyo sa Earth ay hindi ang tunay na siya. Isa lamang itong simulated persona dahil kinamumuhian niya ang sarili niyang hitsura."

"Hindi na nakakapagtaka kung bakit kinamumuhian niya ng husto si Mubai!" Sabi ni Sam habang naiintindihan na niya. Marahil ay nakita ni He Lan Yuan ang kabataan at kakisigan na nawala niya sa katauhan ni Mubai.