Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 87 - ISANG MALAKING DESISYON

Chapter 87 - ISANG MALAKING DESISYON

Gusto talaga niya na pumatay siya ng isang tao?!

Hindi makapaniwala si Xiao Mo dahil sa hitsura ni Xinghe na hindi siya ang tipo ng klase ng tao na mag-uutos na pumatay siya ng tao.

Lumingon sa kanya si Xinghe, sinalubong ang kanyang titig at nagtanong, "Isang buhay ng tao kapalit ng kapanatagan at karangyaan ng iyong kapatid hanggang sa siya ay nabubuhay. Tutulungan pa kitang hanapin ang pinakamagagaling na mga doktor para gamutin siya, kaya… payag ka ba dito o hindi?"

Tahimik na nag-iisip si Xiao Mo.

Aminin man niya, maganda at nakakaengganyo ang alok sa kanya ni Xinghe.

Utang ni Xiao Mo sa kanyang kapatid ang buhay niya kaya ang tanging kahilingan lamang niya ay gumaling ito sa sakit nito at mabigyan niya ito ng magandang buhay.

Ngunit…

"Aaminin ko maganda ang iniaalok mo at naeengganyo ako pero tingin ko ay hindi ko ito dapat tanggapin. Hindi lamang ito ang makakatulong sa akin."

Alam naman ng lahat na labag hindi lamang sa batas at moralidad ang pagpatay. Habambuhay na bilangguan ang maghihintay sa kanya. Sino ang mag-aalaga sa kapatid niya kung sakali matapos niyang mamatay?

At hindi rin kakayanin ng puso niya na kumitil ng inosenteng buhay para lamang mabigyan ng magandang bukas ang kanyang kapatid. Alam niyang hindi rin ito kagustuhan ng ate niya.

Hindi nito magugustuhan na mabahiran ng dugo ang kanyang mga kamay para lamang sa kapakanan nito.

Tumangu-tango si Xinghe na parang inaasahan na niya ang sagot niya. Idinagdag nito, "Pero paano kung sabihin ko sa iyo na ang gusto kong patayin mo ay si Chui Ming?"

"Ano'ng sinabi mo?!" Agad na tumingin si Xiao Mo kay Xinghe.

Ang pagkagulat na rumehistro sa kanyang mga mata ay agad na napalitan ng ibayong pagkamuhi. Oo, pagkamuhi na hindi naman kay Xinghe nakatuon pero sa pangalang sinambit niya – kay Chui Ming!

"Sino ka bang talaga?" Nag-iingat na tanong ni Xiao Mo kay Xinghe, at nagpatuloy sa kanyang tanong, "Ano ang relasyon mo kay Chui Ming?"

Mabagal na tumugon si Xinghe, "Sinabi ko na sa iyo, ang pangalan ko ay Xia Xinghe. Tulad mo, kaaway ko si Chui Ming."

"Paano mo nalaman ang mga namagitan sa aming dalawa?"

"Bakit sa tingin mo ako pumarito para hanapin ka?"

Kaya pala gusto nitong tulungan siya.

Naliwanagan na siya.

"Hinanap mo ako dahil kailangan mo ako para patayin siya?" Tanong ni Xiao Mo. Naningkit ang mga mata niya kay Xinghe, binabasa ang bawat ekspresyon nito.

Tumango si Xinghe at sumagot, "Oo, tama ka, makatutulog lamang ako ng mahimbing sa gabi pag patay na siya. Maliban doon, isa akong babae na marunong pahalagahan ang mga salita ko, tutuparin ko ang bawat pangakong ibinigay ko sa iyo."

Walang galak na tumawa si Xiao Mo. Sumagot siya, "Sa tingin mo ba dapat lamang akong maniwala sa mga sinabi mo? Gaano kautu-uto ang tingin mo sa akin?"

"Fine, kung gawan kaya kita ng cheke ngayon? Isang daang milyon, sapat na ba iyon?"

Ang pisikal na cheke ay nakatulong kay Xinghe na mapaigi ang kanyang katwiran. Sa wakas, pinaniwalaan na siya ni Xiao Mo. Hindi sa parte na kailangan siya nito na patayin si Chui Ming pero sa paraang aalagaan din niya ang kapatid niya.

Mayroon siyang malaking pagpipilian na hinaharap.

Ang patayin o huwag patayin si Chui Ming.

Oo, gusto niyang patayin si Chui Ming! Ginawa na niya ito ng maraming beses sa kanyang mga panaginip!

Pero ano ang mangyayari sa kapatid niya kapag tinotoo niya ito?

Ang tanging dahilan kaya siya nabubuhay ngayon ay para gamutin ang sakit ng kapatid niya, para alagaan siya.

Ito ang pumipigil para kontrolin niya ang sobrang pagkamuhi kay Chui Ming. Napakahirap nito para sa kanya.

Masyadong maraming kinuha at winasak sa kanya si Chui Ming, hindi kalabisan para sa kanya na gantihan ito.

At ang pagganti na ito ang nakapagpasya kay Xiao Mo na maging buhay niya.

Kaya ang alok ni Xinghe sa kanya ay talagang kaakit-akit…

Habang pinagmamasdan niya ang babaeng walang kabuhay-buhay na nakaupo sa kama, nagdesisyon si Xiao Mo.

Kung ang pagsasakripisyo sa sarili niyang buhay ay magdadala ng kaligayahan sa nalalabing buhay ng kanyang kapatid, gagawin niya ito. At naroon pa ang karagdagang bonus na makita ang mukha ni Chui Ming habang pinapatay niya ito, isa talaga itong mabuting kapalit.

Desidido siyang tumango at sinabi, "I'll do it!"