Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 846 - Malabong Mangyari

Chapter 846 - Malabong Mangyari

Lahat sila ay nagagalak na maging parte ng sandaling iyon dahil sila ay parte ng malakihang pagbabago sa mundo.

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ni Xinghe na isang araw ay lilipad siya patungo sa kalawakan. Ganoon din ito para kay Mubai at Sam. Ang kanilang misyon ay talagang walang katulad. Hindi nila inaasahan na ang isang napakaimportanteng misyon na ito ay mapapataw sa kanilang mga balikat. Kung hindi dahil kay Xinghe, ang ganitong klase ng pangyayari ay napakalabong mangyari.

Naaalala pa ni Sam na hindi pa nagtatagal ay kumakayod pa lamang siya sa mga kalye ng Country Y. Sino ang makakaisip na ang kapalaran niya ay magkakaroon ng napakalaking pagbabago?

Isinaayos ng Diyos na ang SamWolf at si Xinghe ay magkatagpo at ang mga buhay nila ay lubusang nagbago dahil sa pagkakataon na magkita sila. Malaki ang naging parte nila sa eleksyon ng pagkapangulo sa Country Y at tumulong na mawala ang IV Syndicate. Ngayon, inililigtas pa nila ang mundo…

Ngayon, sumusunod siya kay Xinghe patungo sa kalawakan. Pakiramdam ni Sam ay nananaginip siya; paano ba siya naging napakaswerte sa buhay niya?

Ganito din ang iniisip ni Mubai. Hindi niya inaasahan na napakaraming bagay ang mangyayari sa napakakling dalawang taon, at ang lahat ng ito ay mga pagbabago ng dahil sa babaeng ito, si Xia Xinghe. Wala talaga siyang katulad; siya ang ilan sa mga taong nabubuhay na maaaring magbago ng mundo.

Ang isipin na gugulin ang natitirang bahagi ng kanyang buhay kasama ang babaeng ito ay naglubog kay Mubai sa lawa ng kaligayahan. Wala na siyang pakialam sa kayamanan at katanyagan; ang tanging bagay na gusto niya ay mapunta sa tabi nito, kahit na saan pa man ito mapunta.

Kaya naman, ang dalawang lalaki ay masaya habang patungo sila sa walang katiyakan na kalawakan; hindi sila nakakaramdam ng pangamba o takot.

Ganoon din ang nararamdaman ni Xinghe. Kahit na hindi tiyak ang hinaharap, hindi siya nangangamba tungkol dito. Kung anupaman, mayroon siyang malaking kasabikan para sa kakaibang paglalakbay na ito.

Ang mga tao sa Earth ay nanood habang nawawala na sa himpapawid ang spaceship. Nakahinga sila ng maluwag. Kung walang aksidente, matagumpay na makakalapag ang mga ito sa buwan.

Matapos ang sunud-sunod na pagbabago sa mga coordinate, gumugol ng tatlong araw si Xinghe para marating ang buwan. Sa sandaling lumapag sa matigas na lupa ang spaceship, mas gumaan na ang kanilang mga puso.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito ay naka-relax na sila, dahil alam nilang hindi magtatagal ay haharap na naman sila sa napakaraming hirap at pagsubok.

"Marahil ay ito ang kanilang base." Sa loob ng spaceship, inobserbahan ni Mubai ang isang gusaling malaki at may madilim na kulay sa pamamamagitan ng kanyang teleskopyo. Ang gusali ay nagbibigay ng madilim na kinang sa ilalim ng mahinang ilaw. Agad nilang nakikita na ang gusali ay binubuo ng mga itim na enerhiyang kristal.

Tumango si Xinghe. "Siguro nga, hayaan ninyong kontakin ko si Shi Jian."

Binuksan ni Xinghe ang komunikasyon at hindi nagtagal ay nakontak niya si Shi Jian. Ang huli ay masaya na malaman na dumating na sila. "Miss Xia, nakita na namin ang iyong spaceship. Pumasok na kayo; ikinalulungkot ko dahil hindi ka namin maaaring salubungin."

"Paano kami makakapasok sa base?" Direktang tanong ni Xinghe.

Sumagot si Shi Jian, "Huwag kang mag-alala. Mayroon lamang isang pinto sa loob ng base na nakasara, maaari ka namang pumasok na lamang."

"Okay."

Matapos na pinutol ni Xinghe ang usapan, sinabihan niya si Mubai at Sam, "Tara na."

"Walang problema!" Sabik na sagot ni Sam. Pagkatapos, silang tatlo ay isinuot na ang kanilang mga spacesuit at oxygen tank habang naghahanda na silang bumaba ng spaceship.

Ito ang unang beses na maglalakad sila sa buwan. Habang sinusuri ang mabatong lugar na makikita hanggang sa hangganan, ang kanilang mga emosyon ay naging kumplikado.