Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 840 - Susunod sa Iyo Kahit Saan

Chapter 840 - Susunod sa Iyo Kahit Saan

"Sa madaling salita, gusto mo lamang ako na makihati sa magagandang panahon pero hindi sa oras ng kagipitan?"

"Mayroon kang mga responsibilidad at mayroon din ako. Ayokong madamay ka sa mga ginagawa ko."

Naningkit ang mga mata ni Mubai at bumaba ang tinig nito sa malalim na angil. "Ibig sabihin ba nito ay hindi mo talaga ako mahal?'

Napakunut-noo si Xinghe. "Bakit mo naman iisipin iyan?"

"Dahil kung talagang mahal mo ako, hindi ka maglalagay ng harang sa pagitan natin. Kung ito ang responsibilidad ko, susunod ka ba para tulungan ako?"

Hindi alam ni Xinghe kung paano sasagot. Kung ang sapatos ay nasa kabilang paa, susunod din siya dito.

Hinila siya ni Mubai para yakapin at sinabi ng mahina, "Kaya naman, huwag mo akong pigilan na sumasa sa iyo. Wala kang ideya kung gaano ko kinamumuhian ang sarili ko noong kailangan ko lamang tumayo doon at walang magawa kundi suportahan ka sa likuran. Kapag inalis mo ang huling kasiyahan ko na manatili sa iyong tabi, hindi ba't napakalupit naman nito sa akin?"

"Pero pupunta lang naman ako sa kalangitan, hindi sa isang lugar sa Earth."

Tumawa si Mubai. "Perpekto lamang ito, hindi ba? Susundan kita sa kalangitan at impiyerno."

Hindi na mapigilan ni Xinghe ang ngiti sa kanyang mukha. Ginantihan niya ito ng yakap at tumango. "Sige na nga, pupunta tayo ng magkasama. Ilalagay ko ang buhay ko sa iyong mga kamay."

Natigilan si Mubai at pagkatapos ay mas mahigpit niya itong niyakap!

Ito ang unang beses na isinatinig ni Xinghe ang pagdepende sa kanya, nagbigay ito sa kanya ng pagkagulat at kasabikan. Hindi na mapigilan ni Mubai ang sarili sa paghalik sa ulo nito. Nangako siya, "Huwag kang mag-alala, sumusumpa ako na poprotektahan ka ng gamit ang buhay ko. Ang nag-iisang layunin ko sa buhay ang ang maging guwardiya mo."

Lubusang natimo si Xinghe. Sa loob-loob niya, sumumpa siyang ganoon din ang gagawin dito. Hanggang nabubuhay siya, hindi siya aalis sa tabi nito. Noong nakaraan, marami silang bagay na nalampasan, pero lalo lamang ito nagpasabik sa kanilang hinaharap na magkasama.

Kahit na ano pa ang mangyari sa hinaharap, magsasama silang dalawa at hindi na maghihiwalay pa.

Matapos na magpasiya sina Xinghe at Mubai na sumama sa militar na pumunta sa buwan, sumali sila sa training camp ng mga ito. Kinailangan nilang sumailalim sa mga nakakapagod na pagsasanay bago sila mapayagang pumunta sa kalawakan. Ang pagsasanay ay mahirap, pero hindi ito naging isyu para kina Xinghe at Mubai.

Sumama din sa pagsasanay ang SamWolf at si Ee Chen. Gusto din nilang magpunta sa kalawakan. Hindi nila maaaring palampasin ang napakagandang pakikipagsapalaran na ito.

Kahit si Munan ay gustong sumunod, pero direkta siyang tinanggihan ni Mubai. Walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa buwan, hindi nila maaaring ilagay sa alanganin ang buong hinaharap ng Xi family sa pakikipagsapalarang ito. Para sa kapakanan ng kanyang pamilya, kailangang sumunod ni Munan. Naiinis siya ng husto dahil siya ang dapat na responsable sa klase ng misyong ito at hindi si Mubai.

Gayunpaman, ang taong may pinakamalaking pagpapasya ay si Xinghe. Kung pupunta si Xinghe sa buwan, walang paraan na hindi susunod si Mubai. Kaya naman, wala nang magawa si Munan kundi ang sumuko sa kanyang kapalaran.

Hindi lamang siya, maraming tao ang nagboluntaryo na sumunod sa kanila sa pakikipagsapalarang ito sa buwan. Hindi nila maisip na nagtayo ng base si He Lan Yuan doon. Kaya naman, nais nilang makita ng sarili nila ang lugar na iyon. Ang ganitong klase ng pagkakataon ay minsan lamang makikita sa buhay nila, at ang lahat ay sulit kahit na mamatay pa sila doon.

Gayunpaman, wala sa mga nagboluntaryo na ito ay nabigyan ng pagkakataon. Ang mga pupunta ay mga sundalo, doktor at mga siyentipiko na sumailalim sa mahigpit na pagsasala. Ito ay dahil kay Xinghe kung kaya ang SamWolf at si Ee Chen ay pinayagang sumama.

Habang si Xinghe at ang iba pa ay sumasailalim sa pagsasanay, ang pagsasaayos sa mundo ay unti-unting bumabalik. Gayunpaman, ang world order ay isang bagay na hindi madaling masasaayos sa maikling panahon at oras.

Related Books

Popular novel hashtag