Dapat ay nagpakamatay na lamang ang dalawang bwisit na ito at hindi na idinawit pa ang buong mundo sa pagpapakamatay nila!
"Oo, pinili nilang protektahan kami, alam mo ba kung bakit?" Direkta sa puntong tanong ni Xinghe.
Nagtanong ng natatawa si He Lan Yuan, "Bakit nga ba? Sabihin mo nga."
"Dahil kaya kitang talunin."
Nagulatang si He Lan Yuan na tila hindi nito maintindihan ang sinabi nito. "Ano ang sinabi mo?"
"Kaya kitang talunin," ulit ni Xinghe, pinagdidiinan ang bawat salita. Sa pagkakataong ito, kahit ang buong mundo ay maliwanag na naririnig siya.
Nagsimulang tumawa si He Lan Yuan habang ang nakakakilabot na tingin nito ay natuon sa kanya. "Miss Xia, ang kayabangan mo ay kasing taas pa din tulad ng dati. At heto inakala ko na ang laro natin ay makapagtuturo sa iyo ng pagpapakumbaba."
Gayunpaman, ang anyang mga leksiyon ay tila hindi naririnig; wala pa din itong takot tulad ng dati!
"Hindi na kailangan pang magpakumbaba sa isang masamang loob," walang takot na sagot ni Xinghe. Inaamin ni He Lan Yuan sa sarili na hindi pa siya nakakatagpo ng isang babaeng napakatapang sa tanang buhay niya.
"Hindi na masama, talagang malakas ang loob mo. Nanghihinayang ako dahil isa kang mahusay na talento, pero hindi kita maaaring hayaang mabuhay. Xia Xinghe, dahil hindi ka napatay, bakit hindi ka na lamang magpatiwakal? Gawin mo ito ng live, at pasayahin mo ang mga manonood," nakangiting mungkahi ni He Lan Yuan. Ang malupit na kahilingang ito ay tila wala lamang na lumabas mula sa bibig nito. Ipinakikita lamang nito kung gaano kabaluktot na ang lalaking ito. Ang pagpatay ay tila kasing-antas na lamang ng pagkain para dito.
Marami ang natahimik sa takot pagkarinig ng kahilingan nito. Kung ang lalaking ito ay pinayagang mamuno sa mundo, hindi magiging maganda ang kanilang kahihinatnan.
Gayunpaman, may humahanga pa sa kanyang kalupitan at walang tigil na nagbubunyi. Nagsisigawan sila na patayin ni Xinghe ang kanyang sarili. Sa sandaling iyon, ang mundo ay tila nabaliw. Gayunpaman, para sa grupo ni Xinghe, wala na silang oras para mag-alala pa tungkol sa mundo, isa itong paghaharap sa pagitan nina Xinghe at He Lan Yuan.
"Mahal ko ang buhay ko. Hindi sapat ang kwalipikasyon mo para hingin ang buhay ko," mabilis na sagot ni Xinghe.
Ngumisi si He Lan Yuan. "So, handa kang ipalit ang maraming inosenteng buhay na mamatay sa lugar mo, tama?"
"Ano ang pinaplano mong gawin?" Tanong ni Xinghe.
Sumagot si He Lan Yuan ng may awtoridad na tila isang hari, "Alam mo ba kung gaano na kalawak ang sakop ng mga satellite ko? Nasasakop na nila ang bawat pulgada ng pitong kontinente. Kaya kong mapili na sirain ko ang kahit na anong sulok ng mundo kung kailan ko gusto. Pupwede itong Country A, Country R, o kahit Hwa Xia! Paano kaya kung ganito gawin natin? Kung hindi mo papatayin ang sarili mo, maaari kang pumili ng bansa na mamatay bilang kapalit mo."
Sa sandaling sinabi ito ni He Lan Yuan, ang mga tao mula sa ilang bansang pinangalanan niya ay halos napigil ang kanilang hininga!
Natatakot sila na kung hindi isusuko ni Xinghe ang kanyang sarili at magpapatiwakal, sila naman ang mamamatay.
Kung ang sikretong lokasyon ni Xinghe ay nabunyag, sigurado na ang lugar na iyon ay dudumugin at mawawasak si Xinghe at Mubai ng mga ito.
Kahit ang inosenteng publiko ay halos nabaliw na din. Dinumog nila ang kalye ng kanilang mga siyudad at isinisigaw nila patayin ni Xinghe ang kanyang sarili. Ang kanilang mga sabay-sabay na tinig ay napakalakas na kahit si He Lan Yuan na nasa kalawakan ay naririnig sila.
Kinuhanan ni He Lan Yuan ito ng video at ipinakita ito kay Xinghe. Mayabang nitong sinabi, "Tingnan mo ito, napakaraming tao ang gustong mamatay ka. Kung hindi ka magpapatiwakal, ikaw ay magiging kalaban ng buong mundo."
Habang tinitingnan ang mga taong sumisigaw sa magpakamatay siya, walang ipinakikitang emosyon sa kanyang mga mata si Xinghe.
Gayunpaman, ang mga taong nag-aalala para sa kanya ay pinanonood ito ng may galit na nag-aalab sa mga mata ng mga ito.
Ang mga tao na nasa signal tower ay sobra na ang galit!