Chapter 85 - ISANG ANGHEL

Ibang klase talaga kapag may pera.

Lalo na sa lipunan nating puno ng kapitalista, ang pera ang nagpapaikot ng mundo.

Isa ring katotohanan na sadyang iba ang trato sa iyo ng kapwa mo lalo na kung magkano ang presyo mo.

Kahit si Xinghe, na dati ay abot-kamay ang karangyaan, ay nakaranas ng matinding kahirapan dahil sa nag-iisang rason na wala siyang pera.

Katulad din ito ng kay Xiao Mo ngayon.

Ang buhay ay puno ng kahirapan dahil sa salat siya sa salapi. At ang alagaan pa ang kapatid niyang may sakit sa utak ay dumagdag pa dito.

Ang kapatid niya, si Xiao Lin, ay aksidenteng nasunog ang nirerentahan nilang bahay noong nagwala ito. Ang may-ari ng bahay ay humihingi ng 20,000 RMB na danyos. Sa dalawang linggong nakalipas, napudpod na ang utak niya kakaisip kung paano makakalikom ng pera.

Inisip na din niyang magnakaw pero paano naman ang kapatid niya kapag nahuli siya.

Sa sobrang kawalan ng pag-asa, inisip na din niyang magpatiwakal.

Isang hinaharap na walang pag-asa ang sumikil ng pagnanais niyang mabuhay. Wala ng natira kung hindi sakit at kapaitan. Kahit ang kapatid niyang pinahihirapan ng mga alaala sa kanyang isip ay hindi na rin nabubuhay ng maayos.

Kaya ang plano ni Xiao Mo na magpatiwakal kasama ang kapatid kapag nasukol na silang dalawa.

Ngunit sa kanyang kabiglaanan, isang anghel ang lumitaw para sagipin siya sa huling sandali.

Ito ang senaryo na hiniling niya ng maraming beses mula noong siya ay bata pa.

Maagang namayapa ang mga magulang ni Xiao Mo, ang kanyang ate ang nagpalaki sa kanya. Lahat ng mayroon siya ay salamat sa kanyang kapatid.

Kinailangan nilang kumita sa lansangan at kapag nahihilo na siya sa sobrang gutom o desperasyon, humihiling siya na sana ay may isang anghel na dumating para pawiin ang lahat ng kanilang paghihirap.

Pero ang katotohanan ay isang malupit na guro. Natutunan niya na wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili niya para mabago ang buhay niya.

Lahat ng naghihirap na Tom, Dick at Harry ay nagdarasal para sa mapaghimalang tulong mula sa itaas, statistically speaking, kaya paano maaasikaso ng Diyos ang lahat ng mga kahilingang iyon?

Kaya tumigil na si Xiao mo na maghintay pa sa mga himala. Mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa maniwala sa isang huwad na pag-asa.

Pero, nang gabing iyon, isang himala ang nangyari!

Isang mensahero ng Diyos ang dumating para sagipin siya…

Isang natigagal na Xiao Mo ang nakatitig sa magandang babae na nakasuot ng nag-aalab na damit.

Alam niyang ang Diyos at Demonyo ay mula sa relihiyon at alamat pero sa mga sandaling iyon, naniniwala siya na ang tinititigan niya ay isang anghel…

Inasikaso na ni Xia Zhi ang middle-aged na mag-asawa na kuhanin ang kanilang pera.

Mabagal na pumasok sa tarangkahan si Xinghe at pinasadahan ng tingin ang loob ng bahay. "Sana ay hindi mo masamain ang pagpasok ko ng walang pahintulot," mahina niyang sambit.

Ang natitigilang si Xiao Mo ay agad na sumagot, "Hindi naman…"

Tumango si Xinghe bilang pasasalamat at pumasok na ng tuluyan sa lumang bahay.

Natauhan na si Xiao Mo at mabilis na sumunod sa kanya.

Ano ba ang nangyayari sa kanya at wala man lang siyang depensa sa isang babae na hindi nila kakilala?

Hindi niya dapat na tinanggap agad ang tulong niya, malay ba niya kung anong klaseng pabor ang hingin nito. Ang kabutihan na walang kapalit ay bibihira na sa panahon ngayon. Dapat ay mas naging listo siya.

Hindi gusto ni Xiao Mo na may utang na loob siya sa kahit na sino.

Pero, sa hindi maipaliwanag na dahilan, wala man lamang siyang pag-iingat laban sa kakaibang babae na ito.

Na tila ba siya ay nahipnotismo, tinanggap niyang agad ang tulong na inalok nito at inimbitahan papasok sa bahay niya ng wala man lang pagtutol…

Habang sumusunod siya dito, tila ba ay nakikita niya ang lugar sa mata ng mga babaeng ito. Habang nakikita niya ang mga pader na nangingitim sa sunog at silid na walang laman, nakaramdam siya ng kahihiyan.

Ang lugar na ito ay hindi nararapat para sa isang babaeng tulad niya… kaya ano ang ginagawa niya dito?