Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 823 - Makasaysayang Sandali

Chapter 823 - Makasaysayang Sandali

"Ano ang sinabi mo?!" Nagalit si George sa pagkapahiya.

"Ano, may sinabi ba akong masama?" Tanong ni Sam bilang ganti ng nakataas ang kilay.

"Huwag na kayong magtalo," sabi ni Xinghe. Tumingin siya kay George at sinabi, "Major George, mula ngayon, ako na ang pinuno ng operasyong ito. Ngayon ay kailangan kong utusan mo ang mga tauhan mo na pumasok na at kopyahin ang lahat ng impormasyon sa mga computer na ito. Maaaring mabura sila kapag nahuli tayo."

Hindi na nasisiyahan si George sa ganitong ayos, pero isa siyang responsableng sundalo. Ang paalala ni Xinghe ay hindi naman walang basehan. Kung si He Lan Yuan ay napagtanto na nahack nila ang sistema, baka makaisip ito ng paraan para wasakin ang lahat.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at inutusan ang mga tauhan niya na gawin ang sinabi ni Xinghe. Nasisiyahang tumango si Xinghe, mabuti at hindi niya sinayang ang lahat ng oras niya sa walang katuturang pakikipag-away.

Gusto din nina Mubai at Ee Chen na tumulong. Ang bawat isa sa kanila ay nagpapagana ng isang computer, kumokopya at pinag-aaralan ang mga impormasyong nakatago sa mga computer. Ang mga impormasyong nabunyag ay nagpanganga sa lahat!

Naglalaman ito ng mga maseselang disenyo ng mga satellite at spaceship. Nakalista din dito ang mga oras at petsa ng bawat matagumpay na satellite at paglunsad ng mga spaceship. Ang pinaka nakakagulat ay kung ilang tao na ang kanilang naipadala sa kalawakan.

Ang listahan ng miyembro ay nasa ilang daang tao na. Sa madaling salita, may ilang daang tao na nakatira sa kalawakan, o nasa buwan. Talagang lumipat na sila sa buwan at gumawa ng base doon!

Ang bawat piraso ng impormasyon ay nakakagitla. Punung-puno ang mga kamay ni George, patuloy ang pagtawag niya sa kanyang mga pinuno para ibalita ang pinakabago nilang nalalaman na nangyayari sa bawat segundo. Nang nalaman din ito ng mga pinuno ng mga bansa, nagulat din silang lahat.

Isa talaga itong makasaysayang sandali nang ang mga computer ay nahack. Dinala ni Chui Qian ang kanyang mga tauhan para personal na tingnan ang lugar. Ang buong launch base ay napapalibutan ng husto; walang sinuman ang pinapayagan na makalapit sa loob ng sampung kilometro sa lugar ng walang permiso.

Ang control room ay nagkakagulo. Ang mga telepono ay patuloy na tumutunog, ang mga kinatawan at mga embahador mula sa iba't ibang bansa ay nangongolekta at nagbabalita ng impormasyon. Ang sitwasyon ay magulo/

Sa sandaling iyon, ang lahat ay iisa ang iniisip. Nangolekta sila, nag-ayos, pinag-aralan, at tinipon ang mga impormasyon ng magkakasama.

Habang nagpapatuloy ang proseso, biglang nagbago ang lahat ng nasa computer screen!

Ang perpektong mukha ni He Lan Yuan ay biglang lumitaw sa screen. Nang makita siya ng lahat, natakot sila. May iba pa nang napasigaw ng malakas habang ang iba ay nalaglag mula sa kanilang kinauupuan. Kahit ang mga sundalo ay wala sa loob na naitutok ang kanilang mga sandata sa mukha nito na nasa screen!

Ang lahat ay napahakbang ng kaunti at may takot sa kanilang mga mukha. Kahit na minsan lamang nila nakita ang taong ito, nagawa nitong magbigay ng takot sa puso ng lahat.

Kaya naman, ang bilang ng mga tao na napanatili ang kanilang pagiging kalmado ay kakaunti lamang. Ang grupo ni Xinghe ay nananatili ding nakatayo. Kahit na nagulat sila sa biglaang paglitaw nito, agad silang kumalma at tinitigan ito ng malamig.

Nakita ni He Lan Yuan ang kanilang mga reaksyon at nang-aakit na ngumiti. "Mukhang hindi kayo masaya na makita ako."

Hindi pa ba halata? Sino ba ang matutuwa na makita ka?!

Ang mga tao doon ay hindi tanga, nagsimula silang hanapin ang mga camera. Ang control room na ito ay maaaring kontrolado nito.

May pakahulugang ngumiti si He Lan Yuan at sinabi, "Nasorpresa ako na nagawa ninyong mabuksan ang defense system dito. Talagang nakakagulat iyon."