Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 83 - ANG TUNAY NA MAYLIKHA

Chapter 83 - ANG TUNAY NA MAYLIKHA

Hindi makaisip ng paraan si Xia Zhi kung paano nila mapapabagsak si Chui Ming kahit na gaano pa niya pukpukin ang utak niya.

Alam naman niyang salat siya sa kapasidad sa parteng iyon.

"Kung hindi pa sana naikakasal si Xia Wushuang," napabuntung-hininga si Xia Zhi.

Sa pagtatapos ng araw, ang kanilang target ay sina Wu Rong at Wushuang lamang.

Dagdag na pasanin lamang si Chui Ming, isang mabigat na pasanin.

Mas naging mahirap nga lamang na harapin si Wushuang at ang kanyang ina.

Sa madaling salita, mas magiging simple ang lahat kung hindi pa naikakasal si Wushuang kay Chui Ming.

Ngunit hindi naman alintana ni Xinghe ang dagdag na si Chui Ming, may maganda na siyang plano para pabagsakin silang lahat. Sa pag-alis kay Chui Ming, kinonsidera na niya na isa itong serbisyo sam undo, tulong para maalis ang isang magaspang na tao.

"Zhi, huwag ka mag-alala diyan, hindi ako magsisimula sa isang bagay na hindi ako kumpiyansa. Maniwala ka sa akin, babawiin ko ang lahat ng para sa atin ng hindi lalagpas sa isang buwan."

Sa ilang kadahilanan, palaging nagkakatotoo ang mga sinasabi ni Xinghe.

Marami nang pinagdaanan si Xia Zhi kasama ang kanyang ate mula ng mabawi nito ang memorya. Alam niya ang lahat ng kakaibang galaw nito na naiisipan nitong bigla.

Naniniwala siya ng buo sa lahat ng sinasabi niya.

"Ate, naniniwala ako sa iyo! Pero huwag mong kalimutan na nandito ako para tulungan ka, gamitin mo ako sa paraang alam mo!" Sabi ni Xia Zhi ng may pa-machong hampas sa kanyang dibdib, at hindi napigilan ni Xinghe na mapahagikgik sa kanyang inasal.

Ang City T ay isang internasyonal na syudad na buhay na buhay.

Ang Northern Pier ay ang pinakamatandang marina ng siyudad. Matatagpuan ito sa isang fishing village.

Ang mga villagers ay mga lalaki at babaeng sanay sa hirap. Ang pinagkukuhanan nila ng pagkakakitaan ay ang pangingisda at isa itong klase ng trabaho na mababa ang bayad na nangangailangan ng ibayong lakas ng katawan kaysa sa utak.

Kaya nahihiwagaan si Xia Zhi sa kanyang ate na pumunta sa lugar na ito para hanapin ang isang tao na makakatulong sa laban nilang pabagsakin si Chui Ming.

Nagpaliwanag si Xinghe, "Narinig mo ba ang kuwento kung paano napunta sa internet business si Chui Ming?"

Kayang hawakan ni Chui Ming ang mga hindi teknikal na parte ng negosyo pero wala siyang alam sa tunay na kalagayan kung paano tumatakbo ang kanyang kumpanya.

Isa pa, ang Chui Corps ay walang kinalaman sa internet business bago maging kumpanya ito ni Chui Ming. Kaya kakaiba talaga na papasukin niya ang isang larangan na wala siyang kaalaman bago pinasok ito.

At sa isyung ito, nagsaliksik si Xia Zhi.

Agad siyang sumagot, "May naulingan nga akong tsismis tungkol diyan. Ang sabi sa digital grapevine ay hindi naman siya ang lumikha ng King Kong Internet Security kung hindi ang kanyang kaibigan. Alam naman natin kung anong klaseng tao si Chui Ming, kaya sinabi nila na binack-stab niya ang kaibigan niya at inangkin ang software bilang kanya. Siyempre, lahat ng ito ay sabi-sabi."

Tumango si Xinghe, "Tumama ka ng 100 porsyento. Pinasadahan ko ng tingin ang history ng software noong hinack ko ang database ng kumpanya niya. Ninakaw nga ito ni Chui Ming sa isang kaibigan."

Nainis si Xia Zhi.

"Isa siyang masamang tao!"

"Sa tingin mo, perpekto para kay Xia Wushuang, hindi ba?" Nakangiting sambit ni Xinghe.

Napabunghalit ng tawa si Xia Zhi.

"Ate, nandito ba tayo para hanapin ang minalas na kaibigan ni Chui Ming?" Tanong ni Xia Zhi.

Tumangong muli si Xinghe.

Ang taong hinahanap nila Xinghe ay nakatira sa Northern Pier fishing village. Matagal ng nakuha ni Xinghe ang mahalagang balita na ito pero hinintay pa niya na makumpleto ang unang hakbang ng kanyang plano bago kumilos. Hindi niya gustong alertuhin ang kanyang mga kaaway.

Pero ngayon ay wala na siyang dapat na sayanging oras dahil si Wushuang at ang mga alipores nito ay siguradong may ginagawa na ding mga masasamang plano.

At ang susi sa plano niya ay ang taong hinahanap nila ngayon.

Matapos ang dalawang oras ng paglalakbay sa kotse, narating nila ang Northern Pier.

Ang Ferrari na minamaneho nila ay nakakuha ng maraming pansin habang hinahanap ni Xia Zhi ang tamang address na ibinigay ng kanyang ate.