Ang pagsabog ng ilan pang satellite ay may magkakaibang lakas, pero ang bawat isa sa mga ito ang nagpapakita ng kaseryosohan ni He Lan Yuan at kung gaano ito nakakatakot!
Sa bawat sandali na sumasabog ang isang satellite, ang puso ng lahat ay napapabilis ang tibok. Gayunpama, mayroong umaalo sa isip ng lahat. Maraming tao ang inaakala na hindi makakapasok sa Earth ang mga satellite ng hindi napipinsala. Ito ay dahil ang Earth ay napoprotektahan ng isang layer ng ozone. Makakagawa ng friction ang satellite sa kalawakan, at kapag pumasok na ito sa atmospera, ang mataas na init ay magdudulot sa satellite na sumabog. Kapag nakapasok na ito sa kalangitan ng Earth, ang apoy ay maaapula na. Kaya naman, imposible para sa mga satellite na sumabog pagkatapos nitong pumasok sa atmospera ng Earth!
Gayunpman, nang ang huling satellite ay dumeretso patungo sa Earth at hindi ito sumabog habang bumabagsak ito sa ozone layer katulad ng inaasahan ng lahat, natahimik ang buong mundo!
Walang nangangahas na maisip na nagbibiro si He Lan Yuan. Magagawa talaga niyang pasabugin ang mga satellite pagkatapos nitong pumasok sa atmospera ng Earth. Ang materyales na ginamit niya para buuin ang satellite ay nagagawang matagalan ang init mula sa pagpasok ng satellite sa ozone layer!
Habang papatapos na ang space fireworks, ang buong mundo ay nagtatalo, hindi, nagkakagulo!
Ang mga tao ay hayagang umiiyak, natatakot na sa katapusan ng mundo. Ang iba ay nagdiriwang dahil nagbibigay ito ng pagkakataon para ilabas ang kanilang mga natatagong kademonyohan. Wala nang makakapigil pa sa kanila.
Marami ang kumuha ng kanilang mga armas para labanan si He Lan Yuan hanggang sa huli para sa kapakanan ng kanilang bansa at tahanan!
Ang ilan ay nagpakamatay pa imbes na maghintay sa pagdating ng katapusan ng mundo…
Gayunpaman, ang karamihan ay nagpakasasa sa kanilang mga pagnanasa, pagnanasa na nauudlot dahil sa kadahilanang tinatawag ng pamumuhay. Ang ilan na napanatili ang kanilang pagiging kalmado ay iilan lamang. Ang grupo ni Xinghe ay ilan sa mga ito.
Nang makita nila ang space fireworks na inihanda ni He Lan Yuan, nagulat sila. Hindi nila inasahan na ang banta na ito ay napakalaki. Ang paggalaw at banta ni He Lan Yuan ay mas malaki kaysa sa inaasahan nila. Paanong ang isang nababaliw na taong ito ay nabubuhay sa mundo?
"Xinghe, ano ang gagawin natin sa ngayon?" Ang normal na walang takot na SamWolf ay nagsimula na ding magkaroon ng bahid ng takot sa kanilang mga tinig. Siyempre, wala sa loob na tumingin sila kay Xinghe para humingi ng tulong. Si Xinghe ay wala ding naisip at lumingon siya kay Mubai para humingi ng gabay. Ang huli ay nagsalita ng dahan-dahan, "Pumunta na muna tayo sa bahay ng presidente sa ngayon at alamin pa ang iba tungkol kay He Lan Yuan."
"Tama ka, tara na ngayon!" Sa wakas ay nakabawi na sa pagkabigla niya si Xinghe. Sa oras na iyon, kailangang malaman pa nila ang lahat ng malalaman nila tungkol kay He Lan Yuan; siguro ay maiintindihan nila ang dahilan ng kanyang