Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 801 - Ang Pangalan Ko Ay He Lan Yuan

Chapter 801 - Ang Pangalan Ko Ay He Lan Yuan

May mga sampung satellite ay mabagal na kumikilos para magkalapit sa isa't isa, kumilos ang mga ito para makagawa ng isang diretsong linya. Ang pagbabagong ito ay nakakapagtaka kaya ang iba pang tao ay napansin din ito!

Ang lahat ay nakatitig sa kakaibang mga satellite na ito at napuno din sila ng pagkagulat at pagdududa.

"Ano ang nangyayari?" Tanong ni Ee Chen. Ang iba pa sa kanila ay umiling, para ipakita ang kanilang kalituhan.

Ang manager ng obserbatoryo ay naguguluhan din. "Ano ang ginagawa ng mga satellite ng ito?"

Ang paggalaw ng mga satellite ay karaniwang pangyayari, pero hindi ganitong malawakan at may kaayusan. May sampung satellite ang isinasaayos sa isang diretsong linya; siguradong may nangyayari na.

Naningkit ang mga mata ni Mubai at sinabi, "Mayroong tao na nagpapagalaw ng mga satellite na ito."

"Ang taong iyon kaya ay si…" sinabi ni Ee Chen ng may parehong pagdududa at sorpresa. Hindi niya pinangalanan ang katauhan, pero alam ng lahat kung sino ang tinutukoy nito. Napakunot-noo si Sam at sinabi, "Siya na nga marahil iyon!"

Kumikilos na ba siyia?" Nag-aalalang tanong ni Ali. Ang kanyang tanong ay nagdulot ng pag-aalala sa puso ng lahat. Mula nang sinabi ni He Lna Long na ang katapusan ng mundo ay parating na, nag-aalala na sila. Ilang araw ng kapayapaan ang nagpakalma sa kanila ng kaunti pero ngayon itong kakaibang pagbabago na ito ay naghuhudyat sa kanila na ang katapusan ng mundo ay posible ngang dumating.

Gayunpaman, ano naman ang kinalaman nito sa pagkilos ng mga satellite?

Ang grupo ni Xinghe ay hindi maintindihan kung bakit ginagawa ito ng kalaban. Ang tangi nilang magagawa ay titigan ng maigi ang mga satellite sa screen, naghihintay na makita kung ano ang susunod na mangyayari.

Habang nag-uusap sila kung ano ang susunod na gagawin, ang lahat ng istasyon ng TV sa buong mundo ay sinakop ng iisang signal. Ang lahat ng screen ng telebisyon ay nagbago sa isang magkakaparehong video. Maski ang mga naghihiganteng advertisement na billboard, malilit na mobile phone, at mga laptop. Ipinapakita nila ang iisang magkakapareho na video…

Ang lahat ng nasa mundo na gumagamit ng internet o isang kagamitang nakakunekta sa internet ay napanood ang biglaang pagbabago na ito. Walang nakareak agad sa biglaang pagbabago na ito.

Ang totoo, ang unang reaksiyon ng ilan ay maakit sa napakakisig na lalaki na nakasuot ng suit na lumitaw sa screen. Ang hitsura niya ay napakakisig na literal ay kaya nitong kuhanin ang hininga ng isang tao.

Pagkatapos, ang lalaki ay magiliw na ngumiti at binuksan ang kanyang labi para magsabi ng ilang salitang may kabaliwan. Ang kanyang pahayag ay tila isang bomba ng hydrogen na nagpayanig ng mapayapang mundo ng mga tao!

"Ladies and gentlement, ikinagagalak ko na makita kayo."

Ang kanyang nakakaakit at magnetikong tinig ay nagsimula na. May auto translation sa video na ipinapalabas sa iba't ibang rehiyon ng mundo. Nang magsimula siyang magsaliat, ang mga tao sa harap ng telebisyon ay tumigil sa pagtatrabaho at tumitig dito ng nakanganga. Kahit ang mga naglalakad sa kalsada ay tumigil at itinaas ang kanilang mga ulo para manood sa billboard.

Tila ba hinihintay ang reaksiyon ng lahat, ang lalaki sa video ay nagbigay ng bahagyang ngiti at nagpatuloy, "Maaaring nagulat kayo na makita ako bigla, pero huwag kayong matakot dahil hindi magtatagal ay pamumunuan ko din kayong lahat. Tama iyon, hindi kayo nagkamali ng dinig, ang sinabi ko ay pamumunuan. Ngayon, hayaan ninyo akong magbigay ng simpleng pakilala ng aking sarili, ang pangalan ko ay He Lan Yuan at isa akong siyentipiko. Ako ang nag-iisang responsable sa pagdidisenyo ng unang satellite ng Country R, at marami akong nilikhang bagay pagkatapos nito, pero naniniwala ako na wala pa inyo ang nakakarinig ng mga ito. Pero ngayon, nagdesisyon ako na itigil na ang pagiging mapagkumbaba at ianunsiyo na sa buong mundo ang resulta ng mga pananaliksik ko mula sa mga nakaraang dekada."