Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 795 - Self-Destruct System

Chapter 795 - Self-Destruct System

Walang nagawa kundi mapanguso na lamang si Sam. "Sinasabi ko lang naman…"

Lumingon si Xinghe para makuha ang opinyon ni Mubai. "Ano ang tingin mo tungkol sa bagay na ito?"

Direktang sinabi ni Mubai, "Ano ang naiisip ko tungkol dito? Hahayaan na lamang natin ito sa mga makapangyarihan ng nangungunang mga bansa. Siyempre, kung may makukuha pa tayong mga impormasyon mula kay He Lan Long, mas maigi. Ang mga kamay natin ay nakatali sa sandaling ito, sasali na lamang tayo kapag hiningi nila ang tulong natin."

Tumango bilang pagsang-ayon si Xinghe. "Tama ka, hindi na ito isang bagay na tayo lamang ang makakaresolba. Gayunpaman, sumusumpa ako na tutuklasin ko ang mga sikreto ng base na ito!"

"Siyempre, ang base na ito ay may natatago pa din na maraming natatagong sikreto, kailangan na nating madiskubre sila sa lalong madaling panahon para magkaroon pa tayo ng mas maraming oras para makaisip ng plano para harapin kung ano ang susunod na darating. Halika na, kumilos na tayo," diretsong sinabi ni Mubai. Plano na din niyang sumali. May libreng access pa sila kay Chui Qian sa ngayon, kaya naman kailangan nilang gamitin ang oportunidad na ito. Kapag nadamay na ang iba pang mga bansa, sigurado ay hindi na sila makakakilos ng malaya sa base…

Nang nasa lugar na ang plano, kumilos na ang grupo ni Xinghe. Hindi nila inisip na nanlalansi lamang si He Lan Long, kaya wala sa kanila ang nangahas na balewalain ito. Trinato nila ito ng buong kaseryosohang nararapat dito.

Ang unang bagay na tiningnan nila ay natural ang puso ng base, ang information center. Sa madaling salita, ang control room ang naglalaman ng lahat ng kinakailangang impormasyon.

Gayunpaman, sa malaking control room, ang bawat computer ay nakalock na nasa likod ng password. Mayroong higit pa sa sampung supercomputer, at ang bawat isa ay may iba't ibang lock. Ang pag-unlock sa mga ito ay mangangailangan ng maraming oras. Ang partido ni Xinghe ay hindi natatakot sa lock na maging masyadong mahirap, pero natatakot sila na kakain ng maraming oras ang pag-unlock nito.

"Napakaraming eksperto dito, kung bawat isa sa atin ay magtatrabaho sa isa, siguradong mas mabilis ang paggawa natin," mungkahi ni Ee Chen.

Para sa layunin ng misyong ito, inutusan ni Chui Qian ang sampung computer expert para pumunta at tumulong. Lahat sila ay naghihintay sa utos ni Xinghe.

Tumango si Xinghe. "Ayos lang iyon, ang lahat ay magiging responsable sa isa. Gayunpaman, hayaan ninyo munang subukan ko, marahil ay mayroon silang isang klase ng information wipe system."

Natatakot siya na ang kanilang kawalan ng ingat ang magti-trigger ng ganitong system at ang pagkakataon ay masayang nila. Walang iba ang may isyu na siya ang unang sumubok dito.

Habang napaupo sa harap ng isang supercomputer si Xinghe, biglang umilaw ang screen. Isang frame na nag-scan ng mukha ng tao ang lumitaw sa screen at sinabi ng computer sa isang mekanikal na boses, "Pakiusap ay ipasok ninyo ang password sa loob lamang ng tatlong segundo kung hindi ay sisimulan ng system ang self-destruct system matapos ang isang minuto. Simulan ang countdown, three…"

Nang sinimulan ng mekanikal na tinig ang countdown, agad na lumundag patayo si Xinghe mula sa upuan at palayo sa computer. Ang lahat napatingin sa gulat sa mga computer. Tama si Xinghe, ang mga computer na ito ay may information wipe na program, at isa itong nakakabaliw na may self-destruct sequence!

Kung hindi naibigay ang password sa loob ng tatlong segundo, ang system ay magseself-destruct. Masasabi na lamang nila na napakaingat talaga ng He Lan family.

"Xinghe, ano ang dapat nating gawin?! Malapit na ito na magself-destruct!" Natatarantang bulalas ni Ali. Ang lahat ay nag-aalala na din.ang tatlong segunong countdown ay matatapos na, at ang computer ay magseself-destruct sa susunod na minuto.