Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 786 - Ipasara ang Ampunan

Chapter 786 - Ipasara ang Ampunan

Hindi nagtagal at narating na ng grupo ni Xinghe ang pinakataas na palapag ng gusali. Ang dalawang doktor na nagbabantay kay Deqing ay ibinalita ang kondisyon nito kay Xinghe. "Ang mga sintomas ni Manager Huang ay mas lumilinaw ng lumilinaw. Matapos ang aming pagsusuri, nakumpirma namin na nahawa nga si Manager Huang."

Tumango si Xinghe at mahinang sinabi, "Ang pinakabagong balita mula kay Young Master ay namatay na ang batang nagkasakit at hindi na din maganda ang lagay ni Young Master."

Bahagyang nagbago ang mukha ng mga doktor. "Kung gayon, hindi ba't nangangahulugan nito na sina Young Master at Manager Huang ay…"

"Oo, hindi kami umaasa ng maigi."

"Kung gayon, ano ang dapat nating gawin?" Nagsimula nang mag-alala ang dalawang doktor. Kapag kumalat ang sakit na ito, sino ang makakapagsabi kung gaano karaming kamatayan ang maaaring mapunta sa kanilang mga kamay.

"Miss Xia, kailangan nating lakihan ang bilang ng medical team. Hindi natin maaaring hayaan na ang nakakahawang flu na ito ay patuloy na kumalat, masyadong malala ang magiging kahihinatnan!" Isa sa kanila ang seryosong nagmungkahi. Ang isa pang doktor ay sumang-ayon din ng may suhestiyon. Ang maliit nilang medical unit ay hindi magagawang mapigil ang isang virus outbreak. Natatakot din sila na sila ay mahawa. Gayunpaman, ang bagay na mas kinakatakutan nila ay ang magdesisyon ang He Lan family na patayin silang lahat at wasakin ang ampunan para mapanatili mula sa pagkakabunyag ang kanilang sikreto.

"May sariling pagsasaayos si Young Master, pero pansamantala, walang sinuman ang maaaring umalis sa ampunan. Ang ampunan ay nasa lockdown; walang sinuman ang maaaring magpakalat ng balita sa publiko kung hindi ay…" Pinutol ni Xinghe ang banta at nagulat ang dalawang doktor. Hindi pa nila naranasan na matitigan ng ganoon katalim dati. Tila ba sinilip nito ang pinakailalim ng kanilang mga kaluluwa.

Gayunpaman, sa sumunod na segundo, bumalik sa normal si Xinghe. "Maaaring pagod na kayo sa napakahabang oras ng pagtatrabaho, maaari na kayong umalis at magpahinga muna. Kami na ang bahalang mag-alaga kay Manager Huang mula sa ngayon at kayong dalawa ay maaari nang sumama sa iba na magpahinga at mag-alaga sa iba pa."

"Yes, madam!" Ang dalawang doktor ay mga normal na doktor, kaya naman pakiramdam nila ay maayos naman ang sinabi ni Xinghe. Dahil nga naman kung may mangyari sa isang importanteng tao tulad ni Manager Huang, ang responsibilidad ay masyadong malaki para akuin nila.

Matapos na umalis ang dalawang doktor, inutusan ni Xinghe sina Wolf at Cairn na magbantay sa labas ng pinto habang siya at ang iba pa ay itinulak ang pintuan patungo sa sickbay ni Deqing at naglakad papasok.

Tuluy-tuloy ang pag-ubo ni Deqing, nakahiga ito sa kama. Mataas ang kanyang lagnat at halatang hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Nang makita niyang pumasok si Xinghe, agad nitong iniutos, "Dali ibigay mo sa akin ang gamot, kapag pumalya kang pagalingin ako… ubo… sasabihan ko si Young Master na parusahan kayong lahat… ubo …"

Hindi mapigilan ni Ali na hindi tumawa. "Kahit na sa oras na ito, may enerhiya ka pa ding pagbantaan ang mga tao."

"Dahil layunin niyang pagbantaan tayo, bakit hindi na lamang natin siya patayin para maiwasan na isumbong niya tayo?!" Malamig na ngisi ni Sam.

Tila napansin ni Deqing na nagbago ang atmospera sa silid at nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Ang pares ng mga matang nakatingin sa kanya bilang ganti ay kakaiba at hindi naman magiliw…

Isang awrang puno ng kagustuhang pumatay ang nanatili sa silid at kinakabahang nagtanong si Deqing, "Ano ang pinaplano ninyo? Ako ang nakakataas sa inyo!"

"Ikaw ang unang nagbanta sa amin, ililigtas lamang namin ang aming mga sarili," mahinang sambit ni Xinghe.

Agad na ngumiti si Deqing. "Nagbibiro lamang ako, bakit naman kita pagbabantaan? Ubo… ang taas ng lagnat ko siguro ay nakaapekto sa utak ko… nagkamali lang ako ng sinabi kanina, at humihingi ako ng paumanhin doon, kaya maaari bang makaisip na kayo ng paraan na iligtas ako ngayon…"