Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 779 - Patayin Sila

Chapter 779 - Patayin Sila

Nagalit na naman si Deqing habang iniisip ang pagtatago ng bata ng katotohanan na naging sanhi na mabawasan siya ng isang mabuting binhi.

"Young Master, hindi natin maaaring pabayaan pa ang batang ito ng matagal! Maaaring bumalik ang kanyang sakit kapag siya ay napagaling, dapat ay…" pagkatapos ay nagmuwestra si Deqing na ginigilit ang leeg nito.

"Si Uncle Huang ang palaging umaayos sa mga nasirang binhi na ito ng may kahusayan?" Ibinaba ni He Bin ang kanyang tingin para iwasang makita ni Deqing ang kalamigan sa mga iyon.

Mayabang na tumango si Deqing. "Natural, wala kaming panahon para alagaan ang lahat ng mga batang ito. Kung wala na silang silbi sa atin, bakit pa tayo mag-aaksaya ng oras at pera sa kanila?"

"Pero hindi ba't isa itong malaking kasayangan, baka naman…"

"Young Master, ang awa mo ay lumilitaw!" Sabi ni Deqing ng may malamig na ngisi, "Sa bandang huli, ang mga batang ito ay mga kagamitan lamang para gamitin natin. Isa pa, ang abandonahin sila ay hindi naman ang pinakamalalang bagay na maaaring mangyari sa kanila."

Agad na pinadilim ni He BIn ang kanyang mukha. Malamig niyang sinabi ng patapos, "Tama ka, pero ang batang ito ay nagpakita ng malaking potensiyal at palagi naman nating magagamit ang mga binhing tulad niya, kaya naman dapat ay gawin natin ang ating makakaya para pagalingin siya sa ngayon, pag-usapan na lamang natin ito sa susunod kapag pumalya ito. Uncle Huang, tulungan mo akong ayusin ang pagpunta natin doon sa ngayon, gusto kong resolbahan ang lahat ng problema ng pamumuno hanggang sa lalong madaling panahon."

Ang kapangyarihan sa tinig ni He Bin ay mabigat at hindi maaaring ipagsawalang-baala. Napatahimik nito si Deqing na ang tanging nagawa ay tumango ng may pagsunod.

Pagkatapos noon, umalis si He Bin kasama si Xinghe. Hindi na niya gusto pang magtagal sa lugar na iyon ng higit pa sa isang minuto.

Nang ang ampunan ay naging isa na lamang tuldok sa kanilang paningin, ang tunay nilang emosyon ay sumabog na sa wakas. Si Ali at ang iba pa na inutusang umalis noong una ay dumating para sunduin sila sa kotse.

Pagkatapos nila pumasok, nagmamadaling nagtanong si Ali kay Xinghe, "Xinghe, totoo ba iyon?! Ang ampunan ay ganoon kabaliw?"

Kahit na hindi sila pinayagan na sumunod ng mas malalim sa ampunan, narinig nila ang lahat sa kanilang mga ear-mic. Nanginig sila dahil sa hindi pagkapaniwala at galit nang marinig nilang iniyayabang ni Deqing ang kanyang mga ipinagmamalaking ginawa. Hindi nila maisip kung paanong sina Xinghe at He Bin, na personal na nakita ang lahat, ay nakapagpigil dito.

Tipid na tumango si Xinghe. "Oo, lahat ng iyon ay totoo."

Galit na nagmura si am, "P*ta, tao pa ba ang mga naroroon?! Salamat na lamang at hindi ako sumunod kundi ay baka nasira ko ang cover natin dahil sinakal ko na sila sa pagkakataong iyon!"

"Dati sa Country Y, inisip ko na ang mga bata doon ay nakakaawa na, pero mas nakakaawa pa pala ang mga bata sa ampunang ito! Tinatrato nila ang mga batang ito na tila mga hayop at aso dahil musmos pa ang mga ito, mayroong bahid pa ba ng pagiging tao ang mga taong ito?!" Nanlilibak na sabi ni Wolf.

"Papatayin ba natin sila?" Dumertso na sa punto si Cairn.

Niluwagan ni He Bin ang kanyang kurbata at sumagot, "Kapag ginawa natin iyan, magkakaroon ng pagdududa sa atin."

"Xinghe, ano sa tingin mo?" Tumingin si Ali kay Xinghe na may antisipasyon sa kanyang mga mata. Hindi na sila makahintay na sakalin ang leeg ni Huang Deqing. Ang ganitong klase ng halimaw, kapag hinayaang mabuhay, ay makakasama lamang sa mas marami pang inosenteng bata, kaya dapat na mawala ito.

Hindi agad sumagot si Xinghe. Sumagot siya matapos ang maikling pananahimik, "Bigyan ninyo ako ng ilang panahon para makaisip ng plano."

"Okay!" Si Ali at ang iba pa ay nasiyahan. Hanggang payag na si Xinghe na pakitunguhan si Deqing, ay masisiyahan na sila. Ito ay dahil sa siguradong gagana ang kanyang plano.

Nagpatuloy ang kotse sa paglalakbay ng ilan pang sandali bago nila kinatagpo si Mubai. May mga pinagtagong tauhan si Mubai sa banda doon, para lamang makasiguradong ligtas ang partido ni Xinghe. Gusto niyang maging malapit para makapunta at mailigtas sila.

Umalis si Xinghe sa kotse ni He Bin at sumakay sa kotse ni Mubai. Habang isinasara niya ang pinto, binigyan siya ng isang kopita ng red wine ni Mubai.

"Heto, mapapaigi nito ang pakiramdam mo," pabulong nitong sinabi sa kanya. Ang tinig nito ay puno ng pag-aalala.