Matapos na makita ang halos lahat ng cultivation process, sa wakas ay dinala sila ni Deqing para makaharap ang isang grupo ng mga bata. Ang grupong ito ay mga bagong napili, ang mga maiinam na binhi. Gayunpaman, lima lamang ang mga ito at pawang mga lalaki lahat.
"Walang babae?" Nag-uusisang tanong ni He Bin.
Umiling si Deqing. "Wala, ang mga babae na nakakasali sa pagpili ay kakaunti at bibihira lamang. Ang karamihan sa kanila ay mga lalaki. Young Master, huwag mo silang mamaliitin dahil sa kanilang edad, sila ay mga batang henyo."
"Ganoon ba? Ano kaya kung magpakitang gilas sila?" Ginaya ni He Bin si He Lan Qi at nagmungkahi ng may magalang na ngiti. Agad na inutusan ni Deqing na ipakita ng mga bata ang kanilang mga talento. Sa kabiglaanan nina Xinghe at He in, ang lahat sa kanila ay mga computer expert!
Hindi lamang iyon, pamilyar din sila sa napakarami at iba't-ibang larangan. Ang ilan sa kanila ay mahusay sa engineering, ang ilan ay sa chemistry, mathematics, at physics…
Gayunpaman, wala silang mga ekspresyon habang ipinapakita nila ang kanilang mga kaalaman. Ang mga batang lalaking ito ay tila mga matatandang marurunong o mga walang emosyong computer kahit na ang kanilang kaalamang ipinapakita ay hindi naman masyadong malalim, ipinapakita nito ang hindi natural na kakayahan nilang matuto at potensiyal.
Habang tinitingnan ang mga maliliit at cute na mga mukha na nawalan ng kainosentehan at napilit na maging mga makina para matuto ay hindi nagpabilib kay He Bin at Xinghe sa maraming paraan. Tanging bigat sa kanilang puso ang kanilang naramdaman.
Lalo na noong makita nila ang huling bata na humihilig pakaliwa at kanan habang ipinapakita nito ang kaalaman nito sa chemistry. Hindi nagtagal, nagtangis ito ng mga ngipin at sinubukan ang lahat ng magagawa niya para itago ang hindi magandang pakiramdam. Gayunpaman, ang kanyang sakit ay masyadong seryoso na na halos sinusubukan na lamang nitong tumayo hanggang sa huli.
Halos mawalan ito ng malay at nabuwal noong lumapit si Deqing dito para hablutin ang bata at galit na nagtanong, "May sakit ka ba?!"
"Hindi, hindi po, wala akong sakit!" Ito ang unang beses na nagpakita ng anumang emosyon ang bata at ito ay dahil sa takot. Tila ba natatakot ito ng husto sa kung anong bagay.
Hindi pinansin ni Deqing ang bata at malamig na inutusan ang iba pang batang lalaki, "Tawagin ninyo ang mga manggagawa dito ngayon at dalhin siya sa mga doktor!"
"Yes!" Tila natatakot ang iba pang bata na mahawa at nagmamadaling umalis na tila mga nagliliparang grupo ng kalapati. Ang batang maysakit ay namutla ng husto, at ang payat nitong katawan ay hindi mapigilang manginig.
Ang pares ng kanyang mga mata ay punung-puno ng takot habang nagmamakaawa ito, "Manager, wala po talaga akong sakit. Trangkaso lamang po ito, gagaling din ako agad, pangako ko po…"
Malamig na tumikhim si Deqing at galit na tinitigan ang bata. "Nakalimutan mo na ba ang patakaran ng ampunan? Kailangan mong sabihin sa amin kung nagkasakit ka, ang totoo na itinago mo ito ay nangangahulugang lumabag ka sa patakaran!"
"Patawad po, akala ko, inisip ko na gagaling ako agad… Manager, patawarin po ninyo ako, hindi na ako mangangahas na ulitin pa ito…" Ang wala pang 5-taong-gulang na batang lalaki ay may luha sa kanyang mga mata sa sobrang takot. Gayunpaman, hindi siya nangahas na umiyak ng hayagan, imbes ay mga tila perlas na luha ang tahimik na nalaglag mula sa kanyang mga maiitim na mata.
Kaharap ang isang maganda at nakakaawang bata, hindi man lamang lumambot ang puso ni Deqing, imbes ay lalo lamang dumilim ang mukha nito.
"Sinabi ko na nang maraming beses, walang mas nakakaangat sa patakaran! Sa tingin mo ba ay may susunod pang pagkakataon para sa iyo? Kung hindi ko paparusahan ang mga lumalabag na katulad mo, paano ko papatakbuhin ang ampunan na ito?!" Hiyaw ni Deqing sa mukha ng bata bago niya ito sinampal ng malakas. Ang pwersa ng sampal nito ay nagpabuwal sa bata.
Nagulat sina Xinghe at He Bin dito, hindi nila inaasahan na biglang gagawin ni Deqing ang kalupitang ito.
Nang itinaas ng bata ang kanyang ulo at nakita nila ang namumulang bakas na agad na nakita sa payat nitong mukha, makikita ang natatagong galit sa kanilang mga mata.