Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 777 - Nararapat na Kasamaan

Chapter 777 - Nararapat na Kasamaan

Sumosobra na si Deqing!

Ang maliit na batang lalaki ay halatang nahihilo pa mula sa pisikal na pananakit. Ang mukha nito ay nalukot mula sa sakit at sama ng pakiramdam.

"Tumayo ka!" Marahas na utos ni Deqing, ang utos nito ay tila nagmula sa kailaliman ng impyerno.

Halatang nanginginig ang bata. Sinubukan niyang tumayo, pero ang biglaang paggalaw niya ang naging dahilan ng pagsusuka nito. Habang nakikita ito ni Deqing, napapasimangot ito sa pandidiri. Gayunpaman, agad siyang humarap para magalang na sabihin kay He Bin, "Young Master, hindi na nagiging hygenic dito, kaya bakit hindi ka na lamang maghintay sa opisina? Pupuntahan na lamang kita doon matapos kong harapin ang walang kwentang binhi na ito."

"Ano ang plano mong gawin sa kanya?" Malamig na tanong ni He Bin. Inisip ni Deqing na hindi nasisiyahan sa bata si He Lan Qi. Mabilis itong sumagot, "Natural lamang na magsasagawa kami ng pisikal na inspeksiyon sa kanyang katawan, walang mangyayari kung ang resulta ay bumalik sa amin ng maayos, pero kung ito ay isang malubhang sakit, wala na kaming pagpipilian kundi ang isuko siya."

Ang bata na lubhang nasa trauma ay makikitaan ng sobrang takot sa kanyang mga mata nang marinig niya ang mga salitang 'isuko'.

"Hindi, hindi, manager, ayos lang talaga ako…" ginamit na siguro ng bata ang bawat hibla ng kanyang enerhiya na makokolekta niya sa kanyang katawan para tumayo at kinakabahang umiiyak, "Manager, hindi po, pakiusap, ayos lang talaga ako. Tingnan mo ako, ako ay…"

Bago pa siya makatapos, natumba ang bata at bumagsak sa sahig, wala na itong malay pagkatapos noon.

Marahas na nagmura si Deqing, "Ano ba ang ginagawa ng mga tao dito? Paanong hindi nila nadiskubre ang sakit na ganito kalala?! Paano pa ako makakaharap kung ganitong klase ng binhi ang naipadala sa lugar na iyon?"

Agad na nakuha ni He Bin ang mga salita sa pangungusap nito. Normal siyang nagtanong, "Ilan sa kanila ang maipapadala sa pagkakataong ito?"

Nagpaliwanag si Deqing, "Lima lamang ang nakita mo pero mukhang mababawasan ng isa!"

"Siguro ay pupwede pa siyang isalba. Uncle Huang, hindi tayo dapat na mag-aksaya ng mga mapapakinabangang binhi, hindi sila madaling makuha," mahinang paalala sa kanya ni He Bin.

Ngumiti si Deqing. "Natural, kung ayos siya ay hindi namin siya susukuan, pero kung masyadong malubha na ang kanyang sakit, ay wala na kaming magagawa pa."

Sa sandaling natapos si Deqing, dalawang doktor ang nagmamadaling lumapit. Nang makita niya ang mga ito, nag-utos si Deqing, "Dahil siya sa inspection room at tandaan ninyong suriin ng maigi."

"Yes, sir!"

Ang maliit na batang lalaki ay agad na kinarga paalis at iginiya naman ni Deqing si He Bin sa panibagong lugar.

Ma-awtoridad na sinabi ni He Bin, "Uncle Huang, ito ang unang araw na namumuno ako sa mga bagay na ito kaya matapos mong makuha ang resulta ng sakit ng bata, tandaan mong sabihan din ako. Hindi ko nais na mangyari ang ganitong mga bagay sa sandaling ako na ang papalit sa negosyo natin."

"Siyempre." Naiintindihan ni Deqing ito dahil ang bagong walis ay malinis ang pagwawalis. Si He Lan Qi ay walang ipinapakitang interes sa mga ginagawa ng ampunan dati, hinahayaan lamang sila nito dati, kaya naman ito ang tanging paliwanag na naiisip ni Deqing na makakapagpaliwanag ng utos ni He Bin.

Hindi naman nais na masobrahan ito ni He Bin at baka magduda si Deqing, kaya naman nakangiti siyang humabol, "At dahil tapos na iyon, maaari na ba akong dalhin ni Uncle Huang sa iba pang lugar? Nais ko pang matuto ng marami mula kay Uncle Huang, pakiramdam ko ay marami pang maituturo sa akin si Uncle Huang."

"Swerte ng He Lan family na ang Young Master ay pumapayag na matuto," kinuha ni Deqing ang pagkakataong iyon para makalapit kay He Bin.

Tumawa si He Bin at mapagkumbabang sinabi, "Ito ay dahil bihasa na si Uncle Huang kaya naman marami na akong natututunan. Kaya naman, Uncle Huang, dapat ay ituro mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo."

"Young Master, pinapupurihan mo naman ako. Siyempre, ibubunyag ko ang mga sikreto ko kay Young Master para sa kapakanan ng He Lan family at sa ating ipinaglalaban…" Matapos na mapuri, nagsimula nang maging mayabang si Deqing at ibinaba na ang kanyang depensa. Isa pa, dahil si He Lan Qi ang magiging pinuno nila sa hinaharap, wala na siyang itinago pa.

Kaya naman, sina Xinghe at He Bin ay na-expose sa mas 'kinakailangan' na kasamaang ginawa ng ampunan…

Para sa kapakanan ng paglikha ng pinakamahusay at pinakamatapat na mga binhi, ang ampunan ay gagawin ang lahat ng kanilang kakayahan para sanayin sila. Hindi na kailangan pang sabihin na, halos lahat ng pagsasanay ay napakalupit at hindi makatao...

Related Books

Popular novel hashtag