"Dahil sa leksiyon na ito, mas lalo kaming naging maingat sa aming seguridad. Tulad ng iyong nakikita, ang aming security system ay pinaka maganda. Halimbawa na lamang ang basement na ito na naglalaman ng lahat ng sikreto ng ampunang ito, kung may sinumang pumasok dito, ang internal electronic sensor ay mabubuhay para sirain ang lahat ng data na naririto! Tanging ako lamang ang nakakaalam ng password sa silid na ito at kung anuman ang mangyari sa akin, masisira ang silid na ito, at ang filing process ay magsisimulang muli," may pagmamalaking sabi ni Deqing.
Sumakay sa kanya si He Bin at nagmamalaki ding nagsalita, "Tama, ang He Lan family natin ay mahusay sa lahat, lalo na sa seguridad."
"Tama iyon, pero mula sa sandaling ito, ang mga sikretong ito ay bukas na sa iyo. Young Master, kahit na hindi maganda ang biglaang pagkakasakit ni Old Master, gusto pa din kitang batiin sa pamumuno sa buong He Lan family!"
Ang Deqing na ito ay may malansang pag-uugali. Si He Lan Chang ay naghihingalo pa at nagsisimula na siyang sumipsip kay He Lan Qi. Gayunpaman, naging benepisyo ito ni He Bin dahil mas mapapadali nito ang kanyang misyon.
"Uncle Huang, maaari ko bang tingnan ang mga file dito kung kailan ko gusto?" Magalang na tanong ni He Bin.
Tumango si Deqing. "Siyempre pwede sa iyo! Sa lahat ng mga He Lan, tanging ikaw at ako lamang ang may karapatan nito."
Tumango bilang ganti si He Bin at humila ng isang file para basahin. Hindi lumapit si Xinghe, nakatayo lamang siya, at ginagampanan ang kanyang papel ng maigi. Patuloy na binabalasa ni He Bin ang ilang file, pero hindi niya ito sinusuri ng maigi. Gayunpaman, ang camera sa kanyang kurbata ay nai-record itong lahat.
Matapos na makita pa ang ilang file, nagmungkahi si He Bin na dalawin nila ang mga ulila. Dahil ang mga ulila naman talaga ang pokus ng kanilang pagbisita. Walang isyu doon si Deqing at pinangunahan sila nito palabas ng basement. Sumunod sa kanila si Xinghe at nabigyan sila ng tour sa compound ng ampunan.
Kung hindi niya alam ito dati pa, aakalain ni Xinghe na hindi isang ampunan ang lugar na ito, dahil mas mukha itong lugar kung saan nag-aalaga ng mga hayop!
Habang daan, nagmamalaking ipinapaliwanag ni Deqing sa kanila kung paano nila pinalalaki ang mga ulilang ito. Mayroong maayos na proseso sa paraan kung paano nila pinalalaki ang mga ulilang ito.
Para sa mga bagong tanggap na mga sanggol, bibigyan nila ito ng mga protein pack na inirerekomenda ng mga nutrisyonista at ang mga sanggol ay binibigyan ng araw-araw na inspeksiyong pisikal. Matapos ang kalahating taon, ang mga may mahusay na resultang pisikal ay mapipili na pumasok sa marubdob na pagsasanay. Ang mga magaganda ang tala sa kanilang pisikal at mental na pagsusulit ay pipiliin para sumali sa one-on-one training…
Pinipili nila ang mga bata para makuha ang pinakamahuhusay sa lahat. Ang paggamit ng iba't ibang sistema ng pagmamarka, ang mga ulila ay maihihiwalay sa napakaraming mga kategorya. Ang pinakamataas ang marka ay naglalaman ng mga ulila na matatalino at nagpapakita ng katapatan sa He Lan family.
Siyempre, mayroong oportunidad para sa mga mababang klase ng ulila para tumaas ang kanilang klase hanggang ipapakita nila ang malaking pagbabago o magpakita sila ng mahusay na talento sa isang partikular na larangan.
Ang mga high-grade na ulila ay nakakatanggap ng pinakamainam na paggamot, pinakamagandang tinitirahan, pinakamasasarap na pagkain, at pinakamagandang edukasyon. Ang pagtrato ay lumalala habang bumababa ang grado. Ang pinakamababang klase ng mga ulila ay aalisin, pero isa itong tagong sikreto sa kung ano ang mangyayari sa mga ito.
Kaya naman, ang mga batang ito ay kailangang makipaglaban para mabuhay mula sa murang edad. Sa ilalim ng malupit at marahas na sistemang ito, lahat sila ay ginagawa ang lahat sa araw-araw. Ginagamit nila ang bawat segundo sa pag-iisip kung paano gagaling, para mag-aral, para maging mahusay sa lahat ng magagawa nila.