Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 772 - Palitan ang Pamumuno sa Ampunan

Chapter 772 - Palitan ang Pamumuno sa Ampunan

Ang responsibilidad ni Xinghe ay ang mas marami pang malaman tungkol sa Project Galaxy. Ang lahat ay kumilos para makumpleto ang kanilang misyon. Ang publiko ay walang ideya sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang likuran. Sino ang makapag-aakala na ang epekto ng misyong ito ay magkakaroon ng pagbabago sa hinaharap ng Country R at pati na sa buong mundo!

Matapos ang ilang araw ng mga imbestigasyon, ang partido ni Xinghe ay nakumpirma na ang ampunan at launching base ay parehong kaduda-duda. Ito ay dahil matapos na lumabas ang balita tungkol sa stroke ni He Lan Chang ay agad na kinontak ng namamahala ng ampunan at namamahala ng launching base si He Bin.

Matapos nilang makumpirma ang karamdaman ni He Lan Chang sa kanya, tinanong nila kung magagawa nitong palitan ang kanyang ama. Ginampanan ni He Bin ang kanyang papel ng maayos at sumagot na makakapalit siya anumang oras. 

Una, kailangang magdesisyon ni He Bin kung paano ang gagawin sa ampunan.

Binago ni Xinghe ang kanyang pananamit, estilo ng buhok, at humanap ng isang pares ng malalaking salamin para magkunwari bilang sekretarya ni He Bin. Susundan niya ito patungo sa ampunan. Ang grupo naman ni Sam, sa kabilang banda, ay magkukunwari bilang mga bodyguard ni He Bin.

Dahil sa espesyal na katauhan ni Mubai, marami sa mga mamamayan ng Country R ang nakakakilala sa kanya kaya hindi na ito sumama. Imbes ay siya ang naging responsable sa pagmo-monitor ng video feed na nakakonekta sa nakatagong camera na nakakabit sa lapel ng jacket ni Xinghe.

Nang dumating sila sa ampunan, ang manager na si Huang Deqing, ay personal na lumabas para salubungin sila. Si Deqing ay nasa sisenta na pero maliksi pa din at napanatili niyang malusog ang kanyang pisikal na pangangatawan. Nakadamit ito ng isang straight suit at ang mga mata nito na tumingin sa kanila ay maingat at madilim.

Gayunpaman, agad itong nagbigay ng isang magiliw na ngiti nang makita si He Bin. Ipinapakita nito kung gaano nito pinagkakatiwalaan si He Lan Qi. Siyempre, ang katotohanan na si He Lan Qi na ang namumuno sa He Lan family ay may malaki ding tulong.

"Young Master, bakit biglang inatake si Old Master?" Matapos ang ilang magiliw na pagbati kay He Bin, nakakunot-noong ibinato ni Deqing ang katanungang ito.

Nabaliktad ang bibig ni He Bin mula sa pagsisi sa sarili at kalungkutan. "Kasalanan ko ito! Ito ay dahil sa masyado siyang nag-aalala sa akin kaya hindi siya nakapagpahinga ng maayos noong mga panahong iyon. Tulad ng iyong pagkakaalam, ang kalusugan niya ay bumabagsak na habang lumilipas ang taon, at natatakot ako na ang sobrang kapaguran ang naging dahilan kung kaya inatake siya."

Nakakapaniwala naman ang palusot na ito. Dahil marami ngang kamalasang nangyari sa He Lan family sa mga nakaraang panahon na ito. Nakulong si He Lan Qi at si He Lan Chang ay naghahanap ng mga paraan para iligtas ito sa bawat araw, alam naman ito ng lahat. Hindi mahirap na maisip na magkakasakit ito sa sobrang pagod. Isa pa, hindi naman na kalakasan si He Lan Chang, inaasahan na magiging sakitin ito sa kanyang edad.

Napabuntung-hininga si Deqing at sinabi, "Si Old Master ang haligi na sumusuporta sa ating He Lan family. Ang biglaan niyang pagkakasakit ang nagpapaalala sa aming lahat."

Ginaya ni He Bin si He Lan Qi at magalang na sinabi, "Nag-aalala din ako sa aking Ama, pero hindi ibig sabihin nito ay hahayaan kong mawala ang lahat ng pagpupunyagi niya para sa He Lan family. Ipagpapatuloy ko ang kanyang mga layunin. Uncle Huang, aasahan ko ang tulong mo sa hinaharap."

Napangiti ng husto si Deqing nang marinig niya ito. "Young Master, huwag kang mag-alala. Aalalayan ka namin sa lahat ng aming makakaya. Hindi namin bibiguin si Old Master at kukumpletuhin namin ang mga mahahalagang misyon na ibinigay niya sa amin! Ito ay para sa kapakanan ng ating relihiyon, ng ating paniniwala!"

Makikita ang panatikong kislap sa mga mata ni Deqing nang mabanggit nito ang relihiyon at paniniwala. Nakita ni Xinghe ang reaksiyon ito at tinandaan ang pinagtatakahan niyang ito. Kailangang malaman niya mamaya kung ano ang paniniwalang sinasabi nito.

Sinakyan ni He Bin ang tono nito at buong sabik na sinabi, "Tama iyon, ito ang paniniwala natin! Gayunpaman, natatakot ako na baka hindi ko mapunan ang pwesto ng aking ama. Uncle Huang, bakit hindi mo sabihin sa akin ang lahat ng detalye ngayon, at gabayan mo ako sa aking landas? Ano ang kailangan kong gawin para makasigurado na lahat ay abot sa pamantayan ng aking ama?!"

"Walang problema, sumunod ka sa akin!" Sunud-sunod ang naging pagtango ni Deqing.