Siyempre, natatakot siya na maibubunyag siya ng He Lan family bago ito mangyari at siya ang gagawin nitong sakripisyo. Kung kaya may mga tala ng engagement sa pagitan ni He Lan Qi at Chui Ying sa kanyang mga file. Kailangan niyang ipakita ang ugnayan sa pagitan ng Chui family at He Lan family. Handa siyang mamatay kasama ang mga ito. Kung masusunog man siya, sisiguraduhin niyang isasama niya ang He Lan family na masunog sa impiyerno kasama niya.
Gayunpaman, dahil nagbigay ng ultimatum si He Lan Chang sa kanya, ang mga ebidensiyang nakalap niya ay hindi pa din sapat para madiin ang He Lan family. Kung hindi tila isang anghel na bumaba sa langit si Xinghe para sagipin siya, siya at ang Chui family ay nauwi na namang panibagong sakripisyo sa masasamang balakin ng He Lan family.
Nakahinga na naman siya ng maluwag, dahil sa wakas, ang lahat ay tapos na…
Wala nang hesitasyon pa si Chui Qian na ibunyag ang mga kriminal na gawain na ginawa niya para sa He Lan family dahil naniniwala siya na dapat ay nakalap na ng mga ito ang ebidensiya sa kanya sa ngayon. Isa pa, nasa panig na ni Xinghe si He Lan Qi kaya naman masasabi na nito ang lahat dito tungkol sa kanya. Kaya naman, wala nang dahilan pa para itago niya ang maruming nakaraan niya at sabihin sa mga ito ang lahat ng nalalaman niya.
Buong pasensiya na nakinig sa kanya ang partido ni Xinghe. Hindi sila nagpakita ng kahit na anong emosyon at mukhang hindi naman siya hinuhusgahan ng mga ito sa anumang paraan.
"Nabanggit mo na ang He Lan family ang nangangasiwa sa unang satellite launching center ng Country R, tama?" Tanong ni Xinghe.
Tumango si Chui Qian. "Tama iyon, ang lugar na iyon ay punung-puno ng mga tauhan nila. Gayunpaman, dahil hindi naman nakapokus sa paglalakbay sa kalawakan ang bansa, sa pagkakaalam ko, ang lugar na iyon ay halos abandonado na."
"Pero nandoon pa din ang mga tauhan ni He Lan Chang." Direktang tukoy ni Xinghe sa kakaibang pangyayari.
Nagtaka si Chui Qian. "Tama iyon, pero mayroon pang ilang dahilan. Ang totoo, maski ako ay nagtataka din doon. Bakit sila mananatili sa halos abandonadong kuta? Kahit na ang base ay nagpapakawala pa din ng ilang satellite kada taon, wala naman silang silbi sa He Lan family. Maaaring noong ilang dekada mayroon, pero sa ngayon, isa na itong sira-sirang lugar, nakalimutan na halos ng lahat."
"Maaari ba nating bisitahin ang launching center na iyon?" Tanong ni Xinghe.
Umiling si Chui Qian. "Hindi dahil kakailanganin mo ang permiso ni He Lan Chang para makalapit man lamang doon. Maraming klase ng security measure na kailangan mong daanan at ang lugar na ito ay pinangangasiwaan ng mga miyembro ng He Lan family, kaya hindi madaling makapasok doon."
Nagkatinginan sina Xinghe at Mubai at ang mensahe ay naiparating ng hindi man lamang nagsasalita ang dalawa. May akaiba sa satellite-launching center na iyon!
Kahit si Chui Qian ay nakita kung gaano kaduda-duda ang lugar na iyon matapos ang ilang pag-aanalisa.
Matiim nitong sinabi, "Ang base ay siguradong may mga sikreto tulad ng kanilang ampunan. Ang balita tulad ng sa batang inabandona na paralisado, pinag-imbestiga ko din ang mga tauhan ko at nalaman nila na ang mga bata sa ampunan ay kakaibang lahat. Gayunpaman, hindi nila matukoy kung ano ang kakaiba sa mga ito. Nais ko pa sanang magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon pero nakahanap ng ilang minamalas na kaluluwa para akuin ang sisi, at dahil nasa ilalim ako ng kanyang kontrol, wala akong pagpipilian kung hindi ang palampasin ito ng tahimik."
"Hindi abandonado pero sinira," biglang sinabi ni Xinghe.
Nagulat si Chui Qian. "Sinira, ano ang ibig mong sabihin doon?"
Mapait na ngumiti si Xinghe. "Dadalhin nila ang bata sa crematorium para sunugin."
Hindi makapagsalita si Chui Qian sa sobrang pagkagulat!
Ang malupit na katotohanan ay nagpakilabot sa kanya at hindi sinasadyang nanginig siya.