Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 766 - Ang Katapusan Ni He Lan Chang

Chapter 766 - Ang Katapusan Ni He Lan Chang

Nang sumunod na segundo, sinakal ni He Bin si He Lan Chang, ang mga mata ni He Bin ay naglalaman ng masamang intensiyon.

"Anong ginagawa mo?" sinusubukan ni He Lan Chang na pakawalan ang kanyang mga braso, pero wala siyang laban sa isang nakababatang lalaki na nasa kanyang kalakasan. Itinapon ni He Bin palayo ang kanyang baril at inilabas ang isang bote ng gamot mula sa kanyang bulsa. Pagkaraan ay ibinuhos niya ito sa lalamunan ni He Lan Chang.

Ang likido na gamot ay agad na bumuhos sa lalamunan ni He Lan Chang. Bagaman wala siyang ideya kung ano iyon, alam niya ang katotohanan na hindi ito isang bagay na may benepisyo sa kanya. Pilit na kumawala si He Lan Chang; sinubukan niyang isuka ang gamot, pero pinilit ni He Bin na itikom ang kanyang bibig at pinuwersa siyang lunukin ang gamot.

Nang makasiguro si He Bin na nalunok na ni He Lan Chang ang gamot hanggang sa kanyang tiyan, itinulak na niya ang kanyang ama at umupo ng malumanay sa sopa.

Sinubukan ni He Lan Chang na sumuka, pero huli na ang lahat, naririnig na niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Ano'ng… ano ang ipinainom mo sa akin?" may awtoridad na pagtatanong ni He Lan Chang.

Tiningnan siya pababa ni He Bin at sumagot ito na walang ekspresyon na ipinapakita, "Isang uri ng gamot na maaari kang gawing inutil sa natitirang bahagi ng iyong buhay."

"Ano?" nabigla si He Lan Chang.

Tumawa ng walang tigil si He Bin. "Sa huli, nagpasya ako na panatilihin kang buhay, hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin."

"Ikaw, walang hiya ka, papatayin kita!" nagmadaling nagtungo si He Lan Chang kay He Bin. Habang ang kanyang daliri ay nakahawak sa paligid ng lalamunan ni He Bin, nagsimula na siyang makaramdam ng hirap sa paghinga at ang mundo ay nagsimula nang umikot…

Malamig siyang tiningnan ni He Bin; halos walang makitang emosyon sa kanyang mga mata. Walang kaligayahan mula sa paghihiganti niya, o kahit na kalungkutan mula sa pagkawala ng kanyang ama. Kung mayroon mang emosyon na makakapaglarawan sa kung anumang nararamdaman niya sa panahon na iyon, ito ay kaginhawaan, kaginhawaan na ang lahat ay tapos na sa wakas. Hindi na siya nakakaramdam na kaugnay pa din siya ng He family at ang anino ng kanyang ama ay hindi na umaali-aligid sa kanya. Sa wakas ay pwede na din siyang magsariling muli, na hindi na kailangang sagutin ang sinuman kundi ang sarili lamang niya.

Gayunpaman, hindi pa handa si He Lan Chang sa ganitong katapusan!

Napakaraming taon na siyang nagtrabaho para suportahan ang He Lan family at nakakuha na siya ng kahanga-hangang balita tungkol sa kanyang proyekto, pero ito ay sinira lamang ng kanyang sariling anak kung kailan makakamtam na niya iyon, paano niya matatanggap ang kapalarang ito?

Ayaw niyang maging ulyanin, ayaw niyang mawala ang kanyang alaala at ang tagumpay na halos abot kamay na niya!

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa lalamunan ni He Bin at ginamit ang huling mga lakas niya para subukang baliin ang leeg nito. Mayroong mga luha na dumadaloy pababa sa mga mata ni He Lan Chang; ito marahil ang tanging totoong luha ng pagsisisi na mayroon siya sa kanyang buhay…

Gayunpaman, kahit gaano pa man siya tumanggi o gaano pa man kalalim ang kanyang pagsisisi, nararamdaman na niya na ang kanyang malay tao ay unti-unti nang nawawala at ang kanyang lakas ay hindi na niya maramdaman. Ang kanyang mga binti ay nagsimula nang bumigay, at alam niya na malapit na siyang bumagsak anumang oras.

Hindi namamalayang hinawakan ni He Lan Chang ang damit ni He Bin, sinusubukang patatagin ang sarili. Bago siya bumagsak, sinabi niya ang bawat huling bagay na nasa isipan niya, "Hindi, hindi pa pwede…"

Habang tinitingnan ang 'namamatay' na si He Lan Chang na nasa sahig, tumawa si He Bin. "Iniisip mo ba na masyadong maaga ito para sa katapusan mo? Perpekto, dahil ito ang parusa na nararapat para sa iyo!"

"Magaling," mahinang sinabi ni Xinghe kay He Bin. Ikinubli niya ang kanyang sarili habang nagpapalitan ng mga salita ang mag-ama pero hindi siya sumasang-ayon sa huling desisyon na ginawa ni He Bin.

Tinanong ni He Bin si Xinghe, "Hindi ka ba nagagalit na hindi ko siya pinatay?"

Iniling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Hindi naman talaga ako palaging sumasang-ayon sa pagpatay. Kung titingnan natin, ito ay mas malaking kaparusahan sa kanya kaysa kamatayan."

Ang habang buhay na pagiging inutil, ang buhay na kung saan kailangan niyang dumipende sa iba para sa paggawa ng kahit na pangunahing ginagawa ng tao. Ang buhay na walang dangal. Ang ganitong buhay ay mas nababagay na kaparusahan para kay He Lan Chang.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa din si He Bin sa pang-unawa nito. "Nagpapasalamat pa din ako sa inyo na hinayaan ninyo siyang mabuhay. Ipagpaumanhin mo dahil sa hindi ko kayang patayin siya gamit ang dalawa kong mga kamay."

"Nauunawaan ko, pero maganda ang ginawa mo. Ikaw na ang bahala sa iba, dahil mula sa araw na ito hanggang sa mga susunod, ikaw na ang mamumuno sa He Lan family," sinabi sa kanya ni Xinghe.