Ang kanyang tinig ay malamig at hindi kakikitaan ng anumang init. Ang utak ni He Lan Chang ay nawala na naman ng marinig niya ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat at hindi makapaniwalang nagtanong, "Ikaw ang may gawa niyon? He Lan Qi, ano ang ginagawa mo?! Ako ang iyong ama, nababaliw ka na ba? Ano ang pinaplano mong gawin dito?!"
"Siyempre, nagpaplano siyang patayin ka, hindi mo pa din ba ito naiintindihan?" Tumayo na si Xinghe at malamig na tumugon.
Lumingon si He Lan Chang para titigan ito. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Napabuntung-hininga si Xinghe at tumingin dito na tila isa itong batang makulit. "Ang ibig kong sabihin, ngayon na ang huling araw mo."
Sumeryoso ang mukha ni He Lan Chang. Lumapit sa kanya si He Lan Qi at nagtapon ng isang tingin na walang ngiti. Ang nalilitong mga mata ni He Lan Chang ay sinalubong ang tingin nito. Bakit ako tititigan ng pinakamamahal kong anak ng ganito, at higit pa doon, ay planuhing patayin ako? Ano na ba ang nangyayari sa mundong ito?
"Bakit?" Tumingin si He Lan Chang kay He Lan Qi at nagtanong. Nandoon ang hinanakit sa boses nito. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit ang anak niyang ito ay gagawa ng isang bagay na kasing sama tulad ng pagpatay sa ama nito!
Ninamnam ni He Lan Qi ang hindi makapaniwalang hitsura ng kanyang ama at ang mukha niya ay kinakitaan ng ngiting nasisiyahan. "Dahil ito ang kabayaran sa hindi mo pagtrato sa akin bilang tunay mong anak at sa pagpaplano mong ipapatay ako!"
"Kailan ba kita hindi itrinato na tunay kong anak? At kailan ko ba plinano na ipapatay ka?!" Galit na tanong ni He Lan Chang.
Hindi sumagot si He Lan Qi. Imbes ay itinutok niya ang baril kay He Lan Chang at inutusan ang bodyguard, "Bantayan mo ang pintuan, siguraduhin mo na walang makakalapit."
"Opo, Young Master." Tumango ang bodyguard at kumilos na para sumunod. Naiwanan na silang tatlo sa malawak na sala.
Mahigpit na hinawakan ni He Lan Chang ang patungan ng kanyang upuan habang maingat na nakatingin kay He Lan Qi. Humahanap siya ng paraan para iligtas ang kanyang sarili. Gayunpaman, ang mga mata ni He Lan Qi ay palaging nakatutok sa kanya, at hindi ito nagbibigay ng pagkakataon na mailigtas niya ang kanyang sarili.
Galit na muling nagtanong si He Lan Chang, "Little Qi, ano ba ang problema mo? Paano mong natrato ng ganito ang sarili mong ama, kailan ba kita trinato ng masama sa buong buhay mo?!"
"Oo, masama ang naging pagtrato mo sa akin sa buong buhay ko," puno ng pagkasuklam na sagot ni He Lan Qi. "Mula noon ay trinato na kitang ama, pero ngayon ay nalaman ko na hindi pala hihigit sa isang aso ang tingin mo sa akin! He Lan Chang, sigurado kong hindi mo naisip ang sitwasyon na ito noong iniutos mo na ipapatay ako, tama?"
Naguguluhan si He Lan Chang. Sumigaw siya, "Ano ba ang pinagsasasabi mo?! Kailan ko iniutos na ipapatay ka, wala akong ginawang masama sa iyo, hindi ba?! He Lan Qi, naiintindihan mo ba ang ginagawa mo?!
"Huwag mo akong tawaging He Lan Qi, ako ay hindi siya!" Balik-sigaw ni He Lan Qi, ang mga mata nito ay kakikitaan ng galit. "He Lan Chang, hindi ako ang pinakakamahal mong anak na si He Lan Qi. Ako si He Bin, ang inabandona mong anak na sinusubukan mong makita ng husto at patayin."
"Ano?" Ang emosyon ni He Lan Chang ay hindi na mailalarawan pa na nagulat. Napapatanga siyang napatitig kay He Lan Qi. Ang taong nakatayo sa kanyang harapan ay si He Lan Qi nga, pero bakit niya sinabi na siya si He Bin?
Sinuri ni He Lan Chang ang buong katawan ni He Lan Qi ng mabagal at buong ingat pero walang paraan na makukumbinsi niya ang sarili na ito nga ay si He Bin.
Lumakad si Xinghe para tumayo sa tabi ni He Lan Qi at mahinang nagpaliwanag kay He Lan Chang, "Huwag ka nang masorpresa, ito ay si He Bin, iyon lamang ang katawan ay kay He Lan Qi."
"Ano, ano ba ang pinagsasasabi ninyong dalawa…" nagtanong si He Lan Chang na tila isa siyang matandang makakalimutin. Ano ang ibig niyang ito ay si He Bin pero ang katawan ay kay Little Qi. Bakit hindi ko maintindihan ang salitang sinasabi niya?
Tiningnan ni Xinghe ang kanyang reaksiyon at malakas na nanuya, "Paano mo nasasabi na ikaw ang may pasimuno sa likuran ng Project Galaxy at hindi alam kung ano ang memory cell?"
"Memory cells?!" Nagulantang na naman si He Lan Chang. Paano nila nalaman ang tungkol sa memory cells?