"Isa itong likha ng isa sa mga miyembro ng Project Galaxy. Ang memory cells ay kayang ipagpalit ang memorya ng isang tao, hindi mo ba alam iyon?" Nakatitig sa kanya si Xinghe at nagtanong.
Agad na naunawaan na ito ni He Lan Chang. Nagkahalu-halo na ang mga emosyon sa kanyang mukha, nandoon ang pagkabigla, pagkaunawa, at hindi pagkapaniwala.
"Ipinagpalit mo ang mga alaala ng aking anak?!" Galit nitong tanong.
"Tama iyon. Ang alaala ni He Lan Qi ay napalitan na ng kay He Bin." Bahagyang tumango si Xinghe.
Lalong tumindi ang hindi pagkapaniwala sa mukha ni He Lan Chang. "Imposible ito, ang pananaliksik sa memory cells ay hindi naging matagumpay, imposible ito!"
Kahit na ang pananaliksik ay naging matagumpay, paano ito nauwi sa mga kamay nila?
Kinakabahang nagtanong si He Lan Chang, "Gaano karami ang alam mo?! Anu-ano pa ang alam ninyo tungkol sa Project Galaxy?!"
Sa pagkakataong ito, nabaliktad na ang pangyayari. Siya na ang nagtatanong. Pinag-aralan ni Xinghe ang reaksiyon nito at napagtantong wala itong alam tungkol sa grupo ng kanyang ina. Sumagot siya, "May alam kami ng kaunti, memory cells, DNA modification, alam namin ang tungkol sa lahat ng mga ito. Bakit, hindi mo ba alam ang tungkol sa mga iyon?"
Tama, hindi nga niya ang alam sa mga ito. Pakiramdam ni He Lan Chang ay nananaginip siya. Bakit mas marami silang impormasyon kaysa sa kanya? At paanong eksakto nila nalaman ang tungkol sa mga ito? Isa pa, ang ibig sabihin ba nito ay ang lahat ng pananaliksik sa memory cells at DNA modification ay naging matagumpay lahat? Ang mga bagay na pinapangarap lamang niya noon ay naging totoo lahat?
Sabik na nagsalita si He Lan Chang, "Ang lahat ba ng sinasabi mo sa akin ay totoo? Ang pananaliksik sa memory cells ay matagumpay, kahit ang pananaliksik sa DNA modification technology na makakapagpahaba ng buhay ng tao ay matagumpay din?!"
Bahagyang napasimangot si Xinghe nang mapansin ang reaksiyon nito. Mukhang nakalimutan ni He Lan Chang na may baril na nakatutok sa ulo nito, at iniutos nito kay Xinghe, "Dali, sabihin mo sa akin. Ang lahat ba ng mga pananaliksik na ito ay matagumpay?! Kailan nila nakuha ang tagumpay? Bakit wala akong alam pero ikaw ay mayroon?"
"Dahil hindi nila gustong sabihin ito sa iyo," malamig na tugon ni Xinghe. Ang tinutukoy niya na 'nila' ay ang mga ama nina Xia Meng at Xie Xiaoxi.
"Imposible!" Galit na sabi ni He Lan Chang. "Ang kanilang kalayaan ay makukuha lamang nila kapag naging matagumpay ang kanilang pananaliksik. Lahat sila ay nasa aking mga kamay, kaya naman imposible sa kanila na hindi ito sabihin sa akin! Isa pa, paano nila ito masasabi sa iyo kung hawak ko pa sila? Imposible para sa iyo na malaman ang mga ito!"
Ang mga wala sa kontrol niya ang nagpainis kay He Lan Chang. tumayo ito at sinubukang sugurin si Xinghe pero ang baril ni He Bin ay dumiin sa kanyang ulo. Biglang naalala ni He Lan Chang ang sitwasyong kinasasangkutan niya sa ngayon.
Malupit na tinapunan niya ng masamang tingin si He Bin at nag-utos, "He Bin, ako ang iyong ama, bakit ka nangangahas kang tratuhin ako ng ganito?! Wala kang utang na loob, ibaba mo agad ang baril mo ngayon!"
Hindi mapigilan ni He Bin kung hindi ang tumawa. "He Lan Chong, kahit na sa pagkakataong ito, sa tingin mo ay mauutusan mo pa ako? Sa tingin mo ba talaga ay itatrato pa kitang ama ko?!"
Nagulat si He Lan Chang. Doon lamang niya nalaman na hindi na niya mahahawakan pa si He Bin tulad ng dati. Nakikita niya ang pagkasuklam sa mga mata ni He Bin. Papatayin siya ni He Bin, pero hindi siya maaaring mamatay pa sa ngayon.
Agad na nagbago ng taktika si He Lan Chang at ipinakita ang kanyang kalungkutan. "He Bin, kahit na ano pa ang mangyari, ako pa din ang iyong ama. Pinalaki kita ng mag-isa, kahit na kamuhian mo pa ako, hindi mo ako dapat na tratuhin ng ganito. Isa pa, hindi ko naman intensiyon na patayin ka, ang tanging nais ko lamang ay pisikal na parusahan ka sa pagtatraydor mo sa akin. Ako ang iyong ama, kaya paano maaatim ng puso ko na ipapatay ka? Hindi ka dapat na magpapaniwala sa pang-aakit ng babaeng ito!"