Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 76 - PAANO NIYA PAPATUNAYAN NA INOSENTE SIYA?

Chapter 76 - PAANO NIYA PAPATUNAYAN NA INOSENTE SIYA?

"Tigil," sabi ng isang magaspang na boses ng lumapit na ang dalawang pulis kay Xinghe.

Ang kahanga-hangang si Mubai ay malumanay na lumapit, ang kanyang ekspresyon ay seryoso. Nang makita siya, natigilan ang mga pulis.

Magalang na nagtanong ang leading officer, "Mr. Xi, ano po ang maitutulong namin sa inyo?"

Mabilis na binistahan ni Mubai si Xinghe. Kalmado at kaluwagan lamang ng loo bang nakita niya sa mga mata nito. Sinabi niya, "Narinig kong sinabi ni Xia Xinghe na idinidiin ninyo siya. Bakit hindi natin siya bigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang kanyang sarili?"

"Hindi ko pinagdiinan si Ate…" agad na itinanggi ni Wushuang bago tinapik ng bahagya ang braso ng asawa, "Honey, dapat siguro ay palampasin na lang natin ito? Sigurado naman akong hindi ito sinadya ni Ate. Isa pa, pamilya tayo; huwag na natin pa siyang bigyan ng problema."

"No way!" Masungit na sagot ni Chui Ming, "Sinaktan ka niya ng pisikal, hindi ko ito mapapalampas! CEO Xi, kahit na makiusap ka pa para sa kanya, kailangan mong maintindihan na sinadyang saktan ng babaeng iyan ang asawa ko at anak."

"Such an Oscar-worthy performance," komento ni Xinghe habang mabagal na pumapalakpak.

Ang buong good cop bad cop na pagganap, habang hindi maayos ang pagganap kapag indibidwal, ay naging perpekto ng dalawa ang gumanap.

Isang perpektong pares ng bulok na mansanas, talagang itinakda sila sa isa't isa.

"Xia Xinghe, ano ang sinabi mo?!" Pinandilatan siya ni Chui Ming, "Ang lakas pa ng loob mo na kutyain kami ngayon!"

Hindi na nakakayanan pang sikmurain ni Xinghe na panoorin pa ang pagganap nilang dalawa, nasa kanya na ang lahat ng kailangan niya.

"Pinupuri ko kayong dalawa sa inyong pagganap at kinonsidera mo iyong pagtuya? Siguro masakit talaga ang katotohanan."

"Ate, hindi naman talaga kita idinidiin, paano mo ako nagawang akusahan ng hindi ko naman ginagawa, binigo mo talaga ako!" Walang magawa na sinabi ni Wushuang, at dumagsa ang pagkaawa sa kanya ng mga tao.

Ramdam ni Xinghe ang galit ng madla na parang alon na sumusugod sa kanya.

Sinubukan na siyang patawarin ni Wushuang para sa nagawa niyang kasalanan at para hindi na siya malagay sa alanganing sitwasyon ngunit hindi man lamang nagpasalamat si Xinghe bagkus ay binabaliktad pa niya ang kawawang si Wushuang! Walang puso ang babaeng ito!

"Inakusahan kita?" Binigyan ni Xinghe si Wushuang ng matigas na titig, "Xia Wushuang, may karma ang mundong ito. Alam mo kung ano ang totoong nangyari, kaya sinasabi ko na sa iyo na aminin mo ang katotohanan bago lumala ang lahat."

"Ate, ikaw…" sumungaw ang mga luha ng kabiguan sa mga mata ni Wushuang. Tulad ng isang babaeng nawalan ng pag-asa, mahina niyang sinabihan si Chui Ming, "Honey, tama ka, hindi ko na dapat kinunsinti pa ang mga aksyon niya noong nakaraan. Kasalanan ko ang lahat."

"Darling, huwag kang mag-alala, hindi pa naman huli ang lahat, at hindi mo ito kasalanan," at binalingan na ni Chui Ming ang mga pulis at inutusan ang mga ito ng may pailalim na pahiwatig, "Binayaran ba kayo para tumunganga diyan na parang mga bato? Malalaman natin ang katotohanan kapag nadala na siya sa presinto!"

"Ms. Xia, sumunod na ho kayo sa amin agad-agad!" Nakuha agad ng mga pulis ang pahiwatig at masungit siyang sinawata.

Hindi natinag si Xinghe, at bumukas para magsalita ang kanyang bibig, "Kung gusto mo akong sumunod, fine, pero sagutin mo muna ang dalawang katanungan ko."

"Ano pa ba ang gusto mong sabihin?" Naiinip na ang mga pulis pero ang batas na din ang nagsasabi na inosente si Xinghe hanggang napatunayang nagkasala kaya kailangang bigyan siya ng pagkakataon na masabi ang mga saloobin nito.

Isa pa, ang mga tao sa loob ng silid ay gusto ding malaman ang kanyang sasabihin.

Nanonood at nakatayo sa tabi niya si Mubai, sa hindi maipaliwanag na dahilan, nararamdaman ng kanyang puso na kayang malusutan ito ni Xinghe ng walang tulong niya.

Ngunit hindi niya maiwasang magtaka, paano niya mapapatunayan na inosente siya sa lahat ng ito?

Nagtanong si Xinghe sa tono na tila normal na araw lamang ito, "Ang una kong tanong ay kung gaano kaseryoso ang criminal charge kung na-convict ako na intensiyon kong sinaktan si Xia Wushuang?"

"Ang krimen mo ay crime of willful and malicious injury kaya one week to three years na pagkakakulong depende sa hatol," sagot ng leading officer sa mapang-uyam na tono.

Sa madaling salita, kahit anong gawin niya, makukulong si Xinghe.

Sa oras na tumuntong siya sa kulungan, susundan na siya ng paghatol na iyon sa buong buhay niya.

At hindi naman ganoon kawalang-malay si Xinghe na isipin na isang linggo lamang siya makukulong. Gagawin ni Chui Ming at Wushuang ang lahat para makulong siya ng tatlong taon!

Related Books

Popular novel hashtag