Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 754 - Arestuhin si He Lan Qi

Chapter 754 - Arestuhin si He Lan Qi

Hindi, para maging eksakto, ang ginawa nito ay nalantad si He Lan Qi sa mata ng publiko. Ang video ay maikli at kinuhanan sa He Lan Villa. Ipinapakita nito si He Lan Qi kasama ang ilan sa mga security, na kinakaladkad ang duguang si He Bin mula sa isang mansiyon patungo sa isa pa. Ito ang video na nakuha ni Xinghe at pinili niyang ipalabas ito online. Nakagawa ito ng mga alon agad-agad.

Ang insidente ng Angel Orphanage ay agad na naitago ng impluwensiya ni He Lan Chang. Nakalimutan na ito unti-unti ng publiko, pero ang pinakabagong video na ito ay nagpabalik dito muli bilang kasunod na reaksiyon. Mas malala ang mga usapan ngayong panahong ito.

Ang mga mamamayan ng Country R ay hindi maiwasan na magsimulang mag-isip tungkol sa kalupitan at kasamaan ng pamilyang ito. Ang sigaw ng publiko ay masyadong marahas na ang mga pulis ay napilitang magsagawa ng isang misyong sagipin si He Bin mula sa He Lan villa. Gayunpaman, hindi na siya makita pa!

Kahit gaano kahirap subukan ng PR team ng He Lan family na ipaliwanag ang sitwasyong ito, ang lahat ay nakasisigurado na si He Bin ay napatay na ni He Lan Qi at ang katawan ay nailigpit na. Iniuutos nila na arestuhin na si He Lan Qi. Ang pangyayaring ito ay isang bagay na hindi inaasahan ni He Lan Chang!

Kahit na si Chui Qian ay kakampi nila, hindi sila matutulungan nito na pagtakpan ang napakalaking pangyayari na ito. Ang buong bansa ay nakita ng sarili nilang mga mata kung ano ang ginawa ni He Lan Qi. Kung hindi aarestuhin ng mga pulis si He Lan Qi, ang buong bansa ay mag-aaklas.

Galit na galit si He Lan Qi, pero wala siyang pagpipilian kundi hayaan ang kanyang sariling madala sa istasyon ng pulis na tila isang kriminal. Ang kanyang ama ay galit na galit din, at ngayon ay sigurado siya na kagagawan ito ni Xia Xinghe. Pinagdududahan na din niya na ang unang paglabas ng balita tungkol sa Angel Orphanage ay kagagawan din nito. Ang katotohanan na nangahas silang hamunin siya ng hayagan ay nagpatangis ng kanyang mga ngipin sa galit. Hiniling niyang mahuli si Xinghe at ang mga kasabwat nito at pahirapan ang mga ito hanggang sa mamatay!

Matapos na madakip si He Lan Qi, ang galit ni He Lan Chang ay nagtagal. Tinawagan niya si Chui Qian at isinigaw ang utos dito, "Hanapin mo ang bastardong anak na iyon at dahil mo siya agad sa akin! Tanging sa pagpapakita na buhay siya sa publiko ay saka lamang maililigtas ang pinakamamahal kong anak! Kapag binigo mo ako, huwag mo akong sisisihin sa kung ano ang gagawin ko sa iyo bilang parusa!"

Dumilim ang mga mata ni Chui Qian habang narinig niya ang pagbabanta ni He Lan Chang. Pinalakas nito ang kanyang desisyon na tumakas mula sa pagkakakontrol ni He Lan Chang. Siya ang presidente ng isang bansa; paano niya mahahayaan ang sarili na mabantaan at utusan ng tulad nito?

Gayunpaman, habang kaharap si He Lan Chang, hindi nangahas na magpakita ng anumang pagkadisgusto si Chui Qian. "Huwag kang mag-alala, hahanapin ko siya sa lalong madaling panahon, siguro ay buhay pa siya. At saka lamang magiging ligtas si He Lan Qi."

"Umaasa ako na matutupad mo ang iyong pangako at hanapin siya sa lalong madaling panahon. At ikaw na ang bahalang umayos sa mga daga ng Shen family! Chui Qian, ito na ang pagkakataon para mapahanga mo ako, kaya huwag mo akong bibiguin. Kapag binigo mo ako, pagdududahan kita na may sikretong ugnayan sa Shen family ng Hwa Xia." Pagtatapos ni He Lan Chang ng may pagbabanta.

Lalong nanlamig ang mga mata ni Chui Qian, pero ang tono nito ay masunurin pa din na parang isang alipin. "Bakit mo naman ako pagdududahan ng bagay na ganyan? Huwag kang mag-alala, susundin ko ng husto ang mga ipinag-uutos mo."

"Mabuti, gawin mo ito agad." Pagkatapos ay binabaan na siya ni He Lan Chang. Palagi itong ganito makipag-usap sa kanya, na tila ang presidente ay mas mababang antas kaysa sa kanya. Inuutusan ni He Lan Chang si Chui Qian na tila isa niyang alipin, hindi man lamang nito ito binibigyan ng kahit na katiting na respeto.

Kahit si Chui Qian ay inaamin na si He Lan Chang ay mahalaga sa pagsisimula niya, hindi ibig sabihin nito ay binibigyan na niya ng karapatan si He Lan Chang ng karapatan na tapak-tapakan siya.

Kahit na sino pa ito, kapag itrinato ka bilang isang kasangkapan na maaaring palitan anumang oras ay magkakaroon ka ng sama ng loob. Isa pa, may intensiyon si Chui Qian na tumakas sa kontrol ni He Lan Chang ng matagal ng panahon. Naisip niya na isa itong kalsadang walang katapusan, hindi na niya gusto pang malugmok sa mas malalim na kadiliman. Nais na niyang kumalas mula sa mga ito sa lalong madaling panahon na makukuha niya ang kalayaang nararapat sa kanya.