Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 77 - TINUTULUNGAN NI XI MUBAI SI XIA XINGHE

Chapter 77 - TINUTULUNGAN NI XI MUBAI SI XIA XINGHE

Isa pa, walang makakapagsabi kung ano ang pupwedeng mangyari sa loob ng tatlong taong sentensya ng pagkakakulong.

Madali na lang na patayin siya oras na siya ay makulong. Walang pakialam ang mga tao sa oras na mamatay ang isang bilanggo lalo na sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Hindi papayag ang mag-asawa na makalabas siya ng buhay dahil habang nabubuhay siya, hindi madaling mapapasakamay ng mga ito ang mana ng Xia Family.

Lihim na napangisi si Xinghe.

Ngayong ipinakita nila ang kanilang tunay na kulay, hindi na siya maaawa pa sa gagawin niya sa mga ito sa hinaharap. Mata para sa mata, tama?

"Ang pangalawa kong tanong ay kung si Xia Wushuang ay pini-frame ako, gaano kaseryoso ang kanyang magiging criminal charge?"

Nagulantang ang police officer. "Ang katotohanan ay inatake mo siya, kaya paano mo nasabing ipini-frame up ka ni Ms. Xia Wushuang?"

"Gaano kaseryoso?" Matabang na ulit ni Xinghe.

"Kasing seryoso ng krimen mo ng willful and malicious injury!" Sagot ng officer.

"Som kahit sino sa amin ang nagsasabi ng totoo, isa sa amin ay mananatili sa loob ng kulungan ng isang linggo?" Tanong ni Xinghe para kumpirmahin. Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong ballroom, tinitiyak na maririnig ito ng lahat ng naroroon.

Pakiramdam ni Wushuang ay tumibok ang talukap ng kanyang mga mata, at isang masamang pangitain ang bumabadya sa kanyang puso.

Kahit ang pulisya ay natigilan dahil halatang may pinaplano si Xinghe.

Kung talagang mapapatunayan na si Chui Ming ang nasa mali, paano sila kikilos?

Nahalata ni Xinghe ang agam-agam ng officer at agad na nagtanong, "Bakit, the cat got your tongue? So, nababayaran pala ng Chui Family ang police force."

Inuudyukan ni Xinghe na kumilos ang mga pulis.

Kung hindi sila kikilos ng naaayon, mapapatunayan na nagtatrabaho sila para sa Chui Family.

Alam nilang kailangan na nilang kumilos dahil ang lugar na iyon ay piging ng mga pamilyang mas makapangyarihan pa sa Chui Family. Maaaring maging kalamidad sa politika at administrasyon ang problemang ito kung hindi nila ito maaaksyunan ng maayos.

Sumulyap ang leading officer kay Chui Ming, tila humihingi ng senyales.

Ngumisi si Chui Ming, "Kung mapapatunayan mo na ipine-frame up ka naming dalawa, gagawin ng mga puli sang kanilang trabaho ng naaayon sa batas!"

Hindi natatakot si Chui Ming na lalabas ang katotohanan.

Perpekto ang pagsasagawa ng kanilang plano, at nagawa pa nilang manipula ang security video para sa kanilang panig.

Kaya walang paraan para malusutan ito ni Xia Xinghe!

"Narinig bai yon ng lahat?" Tanong ni Xinghe sa madla, "Ngayon, gusto kong maging saksi ang lahat dahil natatakot ako na baka subukang lumusot ni Mr. and Mrs. Chui at ipagsawalang-bahala nila ang kanilang salita."

"Ako ang magsisilbing saksi mo," mahinang anunsiyo ni Mubai. Higit na sapat na iyon dahil nirerepresenta niya ang buong awtoridad sa City T.

Wala nang makakapagbigay pa ng opinyon kung siya ang saksi.

"Salamat," magalang na sabi ni Xinghe.

Sumagot si Mubai ng may bahagyang ngiti, "Ako ang host ng party na ito. Tungkulin ko na maging patas sa bawat partido at siguruhin na maririnig ang bawat panig."

Para kay Tianxin, aakalain mong kinakampihan ng kanyang fiance si Xia Xinghe!

Ang kanyang sixth sense ang nagsasabi na tinutulungan ni Mubai si Xia Xinghe. Nagtangis ang kanyang bagang sa galit.

Nararapat lamang sa b*tch na ito ang tatlong-taong sentensiya, magahasa at masaksak hanggang sa mamatay sa loob ng kulungan!

Alas, ang masamang hiling ni Tianxin ay hindi matutupad sa pagkakataong ito.

Ngayong saksi niya si Mubai, nagpatuloy si Xinghe.

Pagod na tiningnan niya si Wushuang at Chui Ming. "Tapos na ba kayo sa palabas ninyo? Kasi kung tapos na kayo, ipakikita ko na sa mga tao sa silid na ito ang ebidensiya ko."

Nagbago ng bahagya ang ekspresyon ni Wushuang, nagkaroon siya ng agam-agam.

Mayroon nga kayang ebidensiya ang babaeng ito laban sa kanya?

Imposible!

Sinigurado niyang malayo sila sa lahat noong mag-usap sila, kaya wala ng iba pang makakatestigo para sa kanya!

Ang security feed ay wala ding silbi para sa kanya.

Kaya saan nanggagaling ang kabang nararamdaman niya ngayon?

Si Chui Ming, sa kabilang banda, ay hindi natinag. Hindi siya apektado sa mga sinabi ni Xinghe, at naniniwalang lahat ng ito ay pawang walang katuturan.

"Xia Xinghe, binibigyan kita ng sampung segundo para ilabas ang sinasabi mong ebidensiya, pagkatapos noon ay personal kitang sasamahan sa istasyon ng pulis!"