"Xinghe, ito ang kanyang pasaporte, mula siya sa Country R," inilabas ni Ali mula sa kanyang maleta ang pasaporte at ipinasa ito kay Xinghe.
Binasa ito ni Xinghe at ang tiningnan si Ah Bin. "He Bin?"
Madilim na sumagot si He Bin, "Tama iyon, ako ay mula sa Country R, pero ano ang mapapatunayan nito? Sumusunod ako dahil mayaman ka, iyon lang."
Bahagyang ngumiti si Xinghe. Pagkatapos nito, ang ilang mga tauhan nila ay nag-ulat, "Mr. Xi, Miss Xia, ang telepono niya at computer ay may code, hindi namin ito mabuksan."
Pakiramdam in He Bin ay bumalik ang tiwala niya sa sarili. Ang kanyang telepono at computer ay nakasara gamit ang pinakamalakas na code, isa itong lock na kahit ang normal na mga eksperto sa computer ay hindi ito mabubuksan. Hanggang hindi nila mapapatunayan ang koneksyon niya sa He Lan family, aakuin niya ang lahat ng sisi.
Gayunpaman, doon nalaman ni He Bin kung gaano siya kamali.
"Ibigay mo sa akin ang computer." Hindi na siya tinanong ni Xinghe para sa password pero naglakad ito patungo sa sofa at nagsimulang paganahin ang computer nang maipasa ito sa kanya. Hindi maiwasan ni He Bin na mag-alala habang nakikita ang kahusayan nito sa paggamit ng kanyang computer.
Napansin ni Ali ang kanyang pag-aalala at mayabang na ngumisi. "Sa tingin mo ba ay malulutas ng code na iyan ang problema mo? Buksan mo ng maigi ang mga mata mo at manood kang maigi. Ang maliit mong password ay walang sinabi kundi isa lamang itong papel na tigre, ni hindi nito matatagalan ang isang suntok!"
"Done," anunsiyo ni Xinghe kung kailan natapos ni Ali ang pangungusap niya!
Hindi lamang si He Bin ang nagulat, kahit si Ali ay nasorpresa. Tumakbo ito sa tabi niya ng hindi makapaniwala. "Ang bilis mo naman itong natapos!"
"Tama iyon." Tumango si Xinghe at nagsimula na siyang suriin ang nasa computer.
Napasinghap si Ali sa kamanghaan. "Xinghe, para kang halimaw! Napasok mo agad ang code ng wala pang isang minuto, paano ka naging ganoon kabilis?"
Tumingin sa kanila si He Bin ng hindi makapaniwala. Nagpaliwanag si Xinghe, "Ang password na ginamit niya ay pang baguhan lamang."
Hindi makapagsalita si He Bin. Ang password niya ay pang baguhan? Tila ba ito ang hindi normal.
"Layuan mo ang computer ko! Sinasabi ko sa iyo, paglabag ito sa privacy ko. Idedemanda ko kayo!" Kinakabahang banta ni He Bin. Biglang umikot si Ali at sinuntok ang kanyang tiyan. Napaungol siya sa sakit at galit na tumingin dito. Gayunpaman, hindi natinag si Ali at ginantihan din ito ng masamang tingin. Biglang nalaman ni He Bin na pareho pala sila. Kung anuman, ang babae sa kanyang harapan ay tila may mas malalim at mas madilim na awra ng kamatayan sa paligid niya.
Malamig na ngumisi si Ali. "Sinundan mo kami habang may dalang baril at ngayon ay may kapal ka pa ng mukha na bantaang idedemanda kami. Magpasalamat ka pa dahil hindi namin tinaniman ng bala ang ulo mo!"
Alam ni He Bin na wala na siyang tsansa na makatakas, kaya naman nag-isip siya ng panibagong taktika. Nagkunwari siyang walang alam. Ngumiti siya. "Hindi ko naiintindihan kung ano ang sinasabi mo. Huwag mong isipin na may makukuha kang anumang impormasyon mula sa akin, mas nanaisin ko pang mamatay!"
Ngumisi si Mubai ng may panghahamak. "Hindi mo na iyan mapipili. Dahil nahulog ka na sa aming mga kamay, ang lahat ng mga sikreto mo ay mabubunyag."
Napadiretso ng upo si He Bin at tumawa. "Kung gayon ay tingnan natin kung paano mo mapapalabas ang mga impormasyon mula sa aking bibig."
"Ni hindi nga namin gugustuhing maniwala sa mga impormasyong lalabas sa bibig mo." Biglang nagsalita si Xinghe. Dinala niya ang computer nito kasama niya at naglakad patungo dito. Itinuro niya ang screen dito at nagtanong, "Tingnan mo nga ito, tama ba ang lahat ng naririto?"
Sumulyap si He Bin dahil sa gusto niyang usisain ito at ang mukha niya ay dumilim!
Ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya ay makikita doon, ang kaarawan niya, impormasyon tungkol sa kanyang ina, pagkabata, at lahat ng ginawa niya noong lumaki na siya...