"Grandfather Shen." Bumaling siya kay Elder Shen at sinabi sa nangungumbinsing tono, "Gusto mo pa din bang tanggapin si Xia Xinghe bilang iyong step granddaughter kahit na ipinakita na niya ang tunay niyang sarili?!"
Sumulyap si Elder Shen kay Xinghe at mahinang sumagot, "Ito ang business ng Shen family; hindi ka na dapat na mag-alala pa tungkol dito."
Nagbigay ng isang bigong hitsura si Chui Ying. "Sa madaling salita, hindi ka gagawa ng kahit na ano para parusahan siya? Sige, Grandfather Shen, hindi mo ako dapat na sisihin sa kung ano ang susunod na mangyayari. Ito ay para sa kapakanan nina Auntie Ru at Little Yan, at sa parehong oras na ito, sana ay magising ka na dito. Kaya naman, ngayon ay hinihiling ko na itakwil mo si Xia Xinghe at inuutusan ko ang buong Shen family na putulin ang lahat ng ugnayan mula sa kanya!"
Ang lahat ay nagulat. Sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan na mag-utos ng ganitong bagay?
Nalito si Elder Shen pero mabilis niyang nakita ang plano ni Chui Ying. Tulad ng inaasahan niya, aroganteng itinaas ni Chui Ying ang kanyang baba at mayabang na inanunsiyo sa buong silid, "Siguro ay hindi alam ito ng lahat, pero may utang na malaking pabor ang Shen family sa aming Chui family. Nangako noon si Grandfather Shen na tutuparin niya ang kahilingang ginawa ng aming Chui family hanggang ang kahilingang ito ay hindi lumalabag sa karapatang pantao. Ngayon ay inuutos ko na tuparin mo ang pangako mo at ang kahilingan ko ay itakwil ng iyong Shen family si Xia Xinghe at hindi na dapat magkaroon pa ng anumang interaksiyon sa pagitan ninyong dalawa sa hinaharap!"
May interes na itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay. Ah, ito pala ang kanilang plano… Imbitahan kami sa piging at pagkatapos ay magpalabas ng nakakaawang palabas para kampihan ng mga tao sina Shen Ru at Tong Yan, at makagawa ng impresyon na dahil sa akin kung kaya inabandona sila ng Shen family. Pagkatapos ay lalabas si Chui Ying dahil 'hindi niya matagalan ang kawalan ng hustisya' at pagkatapos ay imungkahi ang utos na ito.
Ang lahat ng ito ay para bigyan ng katwiran ang pagpapalayas nila kay Xinghe mula sa Shen family. Ito ang paraan nila ng paghihiganti sa kanya, ang ipatakwil si Xinghe sa Shen family. Dahil pinaalis sila ni Xinghe, ganito din ang gagawin nila sa kanya. Siyempre, kailangan nilang gawin ito sa harap ng malaking grupo, para mas mapataas pa ang kahihiyang mararamdaman ni Xinghe.
Inakala ni Xinghe na gagawa ang mga ito ng patibong para sa kanya, hindi niya inisip na makakagawa ang mga ito ng nakakasuklam na bagay na ito. Halos natawa siya sa pangungutya, ito ay dahil sa lahat ng plano nila ay mauuwi sa wala!
Hindi alam ni Elder Shen ang tungkol sa impormasyong hawak ni Xinghe. Nagulat talaga siya sa kahilingan ni Chui Ying.
"Gusto mong itakwil ng aming Shen family si Xinghe?" Nagulat na tanong niya.
Tumango si Chui Ying. "Tama iyon, kung hindi mo ito magagawa ay ibig sabihin na isa kang sinungaling. Grandfather Shen, naniniwala ako na isa kang lalaking may isang salita kaya naman walang paraan na hindi mo tutuparin ang pangako mo, tama?"
"Baguhin mo ito para sa iba!" Nahihirapang sambit ni Elder Shen, "Personal kong tinanggap si Xinghe bilang apo ko kaya paano ko siya itatakwil. Masyadong malaki ang hinihingi mo sa akin; ang nais ko ay palitan mo ang hinihiling mo."
Malamig na tumikhim si Chui Ying. "Masyado bang mahirap para sa iyo na itakwil si Xia Xinghe, pero nang si Xia Xinghe ang humiling na putulin ang ugnayan kina Auntie Ru at Little Yan, mabilis kang pumayag! Grandfather Shen, kinikilabutan ako sa kakaibang pagtrato mo sa kanya! Gayunpaman, inuutos ko pa din na itakwil mo na si Xia Xinghe ngayon sa sandaling ito kung hindi ang Shen family ay mapapatunayan na isa silang pamilya ng mga walang utang na loob at mga masasamang tao!"