Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 74 - SIRAIN SI XIA XINGHE GAMIT ANG ISANG GALAW

Chapter 74 - SIRAIN SI XIA XINGHE GAMIT ANG ISANG GALAW

Kahit na hindi naman nila alam ang buong katotohanan, kaya na nilang puna nang mga patlang gamit ang kanilang imahinasyon.

Sa kanilang pag-iisip, si Xia Xinghe ay mas mababa sa isang mabuting babae.

Dahil kung hindi, bakit tatlong taon lamang ang itinagal ng kanyang kasal kay Mubai?

Si Mubai ay isang perpekto at mala-santong lalaki, kung hindi niya matagalan ito, ipinapakita lamang nito kung gaano kasuklam-suklam ang kanyang dating asawa.

Ngayong nakita nila kung paano niya saktan ang kanyang kapatid gamit ang kanilang mga mata at nasa ganoong mapagmataas na asal pa din, mahirap para sa kanilang paniwalaan na isa siyang mabuting tao.

Ngunit hindi nila alam, na kaya mapangmata si Xinghe, ay dahil iyon sa pagganap ng mag-asawa.

Siya ang nakakaramdam ng pagkapahiya kay Wushuang at Chui Ming para sa kanilang walang kalatuy-latoy na pagganap. Hindi niya gustong umistima pa ang nakakatawang pagganap ng dalawa.

Ngunit sa mata ng mga tao, ang kanyang hindi pagkibo at kawalan ng emosyon ay pinakahulugan nila na pagiging palalo.

Ang mga tao ay may mga isyu sa mga kababaihan na masyadong mataas ang tingin sa sarili.

Ang kondisyon ni Xinghe ay lalong sumama dahil lamang sa isa siyang diborsyada.

Ang cultural ideals ng mga Chinese sa isang babae ay ang pagiging matapat at pagiging sunud-sunuran ang nagpahina sa kainosentehan ni Xinghe…

At saka hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Xinghe na magpaliwanag, hinayaan na lamang niya ang madla na magkaroon ng kanilang kaisipan kahit na hindi pabor sa kanya ang mga konklusyon nila.

Siyempre, hindi naman papayag sina Wushuang at Chui Ming na malinis niya ang kanyang pangalan.

Determinado sila na sirain si Xia Xinghe gamit ang isang galaw, para ilugmok siya sa pinakaibaba ng pamumuhay.

Dahil sa oras na mabalik ni Xia Xinghe ang kanyang mga karapatan ay siya namang pagtatapos ng buhay ni Wushuang.

Ang rason kung bakit pinakasalan ni Chui Ming si Wushuang ay dahil may balak siya sa malaking pamana ng Xia Family.

Kaya hindi papayag si Chui Ming na magkaroon siya ng pagkakataon na ilaban ang kanyang karapatan sa distribusyon ng mana.

Sa totoo lang, hindi kinonsidera ni Chui Ming na banta si Xinghe kahit na nabawi na nito ang kanyang memorya. Pero nag-iingat siya kay Xi Mubai.

Si Xinghe ang dating asawa ni Mubai at may anak sila.

Mula sa pananaw ni Wushuang at Chui Ming, tinulungan marahil ni Mubai ang dating asawa dahil kung hindi, paano naman makakaahon ng ganoon kabilis si Xinghe mula sa kinasasadlakan nito?

Ikinatatakot nilang dalawa na muling magkabalikan si Xinghe at Mubai dahil sa oras na maikasal na muli ang dalawa, ay maghuhudyat ng katapusan ni Wushuang at Chui Ming.

Hindi nila kakayanin maging kaaway ang isang makapangyarihang tao na tulad ni Xi Mubai.

Kaya kailangang tapusin na agad nila si Xia Xinghe bago pa ito makabalik sa dati nitong buhay, bago pa niya makuhang muli ang pagmamahal ni Mubai at makabalik sa buhay nito.

Kung hindi ay magiging huli na ang lahat.

Sina Chui Ming at Wushuang ay parehong malupit na tao, hindi sila magdadalawang-isip na durugin ang kanilang kalaban habang ang mga ito ay naghihirap, lalo na kung silang dalawa ang nagdala sa mga ito ng kahirapan.

Mas madaling durugin ang mga kaaway habang maaga pa!

Kaya ang dalawa ay determinado na idiin si Xinghe.

Halatang-halata ang pagkamuhi ni Chui Ming kay Xinghe kaya walang naglakas loob na magsalita.

Hindi nila gustong kalabanin si Chui Ming.

Maliban sa panaka-nakang bulungan, ang mga tao sa silid ay patuloy na nanonood. Naiwan si Xinghe para ipagtanggol ang sarili.

Pero hindi naman nagbago ang kanyang ekspresyon. Hindi siya kinakikitaan ng takot o pagkabalisa, hindi siya kumikilos na tila isang estatwa.

Kahit na 'nakukunan' na si Wushuang sa harap niya, hindi siya apektado. What a cold-blooded b*tch!

"Wushuang, huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na makatakas siya kung may masamang mangyari sa iyo? Pagbabayaran nila ng matindi ang pananakit nila sa iyo!" Bulalas ni Chui Ming habang inaakap si Wushuang, ipinakikita niya sa lahat bilang isang mapagmahal na asawa sa pinakamagaling niyang pagganap.

Lalong napukaw ang damdamin ng madla sa nakikita nilang pagmamahalan ng dalawa. Ang kanilang galit ay kanilang ibinaling kay Xinghe.

Sa wakas, may nagsalita na din sam ga tao, "Rinig ko ay magkapatid sila. Gaano ka ba kasama para saktan ang sarili mong kapatid?!"

"Matindi siguro ang inggit niya kay Wushuang. Alam kong hindi naging mabuti ang mga nakalipas na taon kay Xia Xinghe, siguro ay nababaliw na siya dahil sa kaalamang nakapag-asawa ng mabuti ang nakababata niyang kapatid kaya nagawa niyang gumawa ng kaimoralan tulad nito."