Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 72 - IPAPAKITA KO SA KANYA!

Chapter 72 - IPAPAKITA KO SA KANYA!

Paanong nangyari na ibang-iba na siya sa dati…

Tinitigan ng husto ni Mubai si Xinghe, at hindi inalintana si Tianxin na nakaupo sa kanyang tabi.

Halos mabali ni Tianxin ang stem ng wine glass sa sobrang galit.

Ngunit ng mapansin niyang papalapit si Wushuang kay Xinghe, napangiti siya.

Ni hindi na niya kailangang itaas kahit isang daliri niya para pakitunguhan si Xia Xinghe, dahil mayroong mga taong nakapila na gustong patayin ito!

At si Xia Wushuang ang nasa pinakaunahan ng pila.

Nang pakasalan ni Wu Rong si Xia Chengwen, anak na niya si Wushuang. Si Wushuang ay tatlong taon ng mapunta siya sa Xia Family.

Dalawang taon ang tanda ni Xinghe kay Wushuang pero siya ang higit na maganda at matalino sa dalawa.

Umuuwi sa Hwa Xia si Xinghe para makasama ang ama taun-taon. Tuwing umuuwi siya, ibinibigay sa kanya ni Chengwen ang pinakamabuti at magagandang bagay.

At tuwing nandoon si Xinghe, pakiramdam ni Wushuang ay isa siyang estranghero, ang posisyon niya bilang munting prinsesa ng bahay ay napagbabantaan.

Kaya naman ang pagkamuhi ni Wushuang kay Xinghe ay napakalalim. Hindi lamang miminsan niya na nahiling na sana ay mawala na lamang sa ere si Xinghe.

Habang sila ay lumalaki, ang distansya sa pagitan nilang magkapatid ay lalong lumalaki. Mas naging mahusay at maganda si Xinghe. Ang kompetensiya sa pagitan nilang dalawa ay mas naging mahigpit.

Kinaaawaan ni Wushuang ang kanyang sarili, na palaging namumuhay sa ilalim ng anino ni Xinghe, at ang kanyang pagkamuhi ay lalong tumindi.

Matapos ang 20 taon ng pagkakaipon, ang pagkamuhing nararamdaman niya ay naging natural na lamang tulad ng kanyang paghinga.

Ang pagnanais na sirain si Xinghe ay ang palaging sigaw ng kanyang puso basta nagkikita silang magkapatid.

Isa itong pakiramdam na hindi na niya halos mapigilan pa.

Lalo na't ngayong may mga palatandaan na si Xinghe ay nakakaahon na mula sa nakakaawang kalagayan nito. Halos ikabaliw ito ni Wushuang, na kinakain ng sobrang galit at pagkamuhi.

Hindi siya makapapayag na maging maligaya kahit isang sandali si Xinghe.

Paano niya haharapin ang dati niyang sarili na nagdusa sa anino ni Xinghe sa loob ng 20 taon kung hahayaan lamang niya ito?

Kaya naman ng makita niya si Xinghe na naglalakad papunta sa labasan ng mag-isa, sinundan na niya ito, isang plano ang agad na kanyang naisip.

Nilampasan ni Xinghe ang isang waxed column at nakita niya si Wushuang na paparating mula sa repleksyon nito.

Lihim siyang napangiti at agad na umikot, tiningnan ang babae ng harap-harapan.

Nabigla si Wushuang sa biglaang kilos na ito ni Xinghe.

Wala na siyang oras para itago pa ang masamang balakin na nasasalamin sa kanyang mga mata at nakita iyon ni Xinghe.

Ngunit wala naman talagang rason pa si Wushuang na itago pa ang tunay niyang ugali kay Xinghe. Hindi na siya ang mababang kapatid sa kanilang dalawa, siya na ang may mas mataas na katayuan sa kanilang dalawa. Tapos na ang mga araw na pinipilit niya ang sarili na batiin si Xinghe ng may ngiti.

Sa isang malamig na titig, mapang-uyam na sinabi ni Wushuang, "XIa Xinghe, matagal na panahon tayong hindi nagkita. Sino ang mag-aakala na susubukin mo pang mag-aksaya ng panahon na makabalik ka pa sa dati mong estado? Siguradong hindi ako. Sa totoo lang, natutuwa ako para sa iyo. Pinapahanga mo pa nga ako eh. Hindi lahat ng babae ay imoral na katulad mo na makikipagkita sa dating asawa para humingi ng limos lalo na at alam naman niya na engaged na ito sa ibang babae, ang babae na may karapatan ng kustodiya ng anak niya. Paano mo nagagawa iyon?"

Tinapos ni Wushuang ang kanyang salita ng may matagumpay na halakhak.

Malumanay at kalmadong sumagot si Xinghe, "So, kaya ka narito ay para pagtawanan ako?"

"Oo, tama ka!" Pag-amin ni Wushuang, "Pero hindi sapat na tawanan ka lang, sisirain kita! Xia Xinghe, alam mo ba kung gaano kita kinamumuhian?"

Ang Xinghe anim na taon na ang nakalipas marahil ay hindi alam ito.

Pero ang Xinghe ng kasalukuyan ay alam na.

"Alam kong kinamumuhian mo ako. Pero mayroon akong isang tanong, ikaw ay inampon lamang ng Xia Family dahil sa awa kaya sino ka para kamuhian ako?"

Ang salitang, "inampon" ay masakit, at idagdag pa ang mapagmataas na tono ni Xinghe ang lubos na nagpagalit kay Wushuang.