Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 698 - Lisanin ang Country R

Chapter 698 - Lisanin ang Country R

Ang katotohanan na napakawalang puso nila para sunugin ng buhay ang isang maliit na bata ay nagpapatindig ng balahibo ng lahat. Kung hindi dahil sa anonymous tip, ang katapusan ng bata ay siguradong napakahirap. Ang isipin ito ay nagpaigting ng pagnanais ng grupo ni Ali na baliin ang lahat ng leeg ng He Lan family!

Nakikibahagi si Xinghe sa kanilang galit pero naiintindihan niya ang importansiya ng pananatili ng kalmadong ulo.

"Walang paraan para wasakin sila sa ngayon," malamig na tugon ni Xinghe. "Maaaring magdala ito sa kanila ng ilang problema, pero marami silang paraan para ayusin ito. Hindi ito sapat para wasakin sila."

"Kung ganoon ay ano ang magagawa natin? Hayaan silang ituloy ang mga karumal-dumal na bagay na ito? Sino pa ang makakapagsabi kung ilan kadaming inosenteng bata ang patuloy nilang papatayin? Ang totoo, marahil ang mga katawan ng mga bata na na-cremate nila ay hindi katawan kundi buhay na mga bata!" Sabi ni Ali sa tono na punung-puno ng pagkasuklam. Sinilaban nito ang pagkasuklam sa puso ng lahat.

Isang kislap ng inis ang lumitaw sa mga mata ni Xinghe. "Siyempre, kailangan silang parusahan. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ito! Pero sa ngayon, ang kailangan nating gawin ay maghintay."

"Maghintay para saan?" Nagtataka si Ee Chen.

"Naghihintay para sa isang pagkakataon," mahinang tugon ni Xinghe.

"Isang pagkakataon na mas mainam pa kaysa dito?" Ang grupo ni Ali ay nalilito; hindi nila maintindihan ang ibig niyang sabihin.

Tumango si Xinghe. "Tama iyon. Naghihintay tayo ng pagkakataon kung paano sila tutugon at ito ang magbibigay sa atin ng tsansa na sukatin ang laki ng impluwensiya ng He Lan family. Sa kaparehong oras, malalaman natin kung gaano karami ang mga tao na naroon na nais silang pabagsakin. Kaya naman, kailangan nating maghintay ng perpektong oras para kumilos."

"Paano kung wala nang pagkakataon tulad nito?" Nag-aalala si Ee Chen.

Ngumisi si Xinghe. "Ang pagkakataon ay nakakalat kahit saan, isa lamang tanong kung makikita natin at kukuhanin ito. Kapag ipinakita ng pagkakataon ang sarili nito, kikilos tayo ng husto at ang paraan para wasakin sila makikita natin."

"Xinghe, naniniwala kami sa iyo!" Buong tiwalang sambit ni Cairn. Ang lahat ay nagtitiwala din sa kanya, dahil siya ay walang iba kundi si Xia Xinghe.

Hindi niya hahayaan na lumampas ang anumang oportunidad at magsasagawa siya ng malaking dagok kapag tama na ang panahon. Nasa likuran niya ang maraming tagumpay at buo ang tiwala nila na hindi ito maiiba sa dati. Naniniwala sila sa kakayahan at talento nito.

…

Ang He Lan family ay naipit sa mainit na gulo, ang problema ay madalas na hinahabol sila kaya naman wala na silang oras para kay Xinghe. Wala nang panahon pa na guluhin ni He Lan Qi si Xinghe dahil mas kinakailangan niyang iligtas muna ang kanyang sarili.

Ginamit ni Xinghe ang pagkakataong ito para umalis sa Country R. Gumugol siya ng sampung araw sa Country R, pero marami na siyang nakita at nalaman. Isa pa ding sorpresa para sa kanya na ang kanyang ina ang ikalawang Shen Miss. Maliban dito, nagawa pa niyang kumpirmahin ang kanyang duda tungkol sa He Lan family.

Para sa personal at makataong dahilan, sisirain na niya ang pamilya na ito at ang pagbubunyag sa ampunan ang unang hakbang dito. Sa susunod na bumalik siya sa bansang ito, pupunta siya ng handa para wasakin ang mga ito!

Hahayaan muna niya na maipit sila sa gulo ng ilang panahon dahil ito ang mga panahon kung saan makakakolekta siya ng mga impormasyong kinakailangan niya!

Related Books

Popular novel hashtag