Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 693 - Ang Pangit na Parte ng He Lan Family

Chapter 693 - Ang Pangit na Parte ng He Lan Family

Kahit na ano pa ang panganib, handa silang kampihan ito. Si Xinghe, sa kanyang parte naman, ay tatandaan at pahahalagahan ang pagkakaibigan nila ng habambuhay.

Matapos na makumpirma na ang kanyang ina ay ang ikalawang anak na babae ng Shen family, hindi mahahalatang sabik si XInghe. Sa halip ay, isinama niya si Ali at ang iba pa para makita si Ee Chen. Wala siyang alam kung bakit kailangan siya ni Ee Chen, pero sigurado siya na may kinalaman dito ang He Lan family.

Hindi nagtagal at dumating sila sa napagkasunduang lugar kung saan nakatayo na at naghihintay si Ee Chen. Matapos niyang bumaba sa kotse, nagmamadaling lumapit si Ee Chen at natural na binati siya.

Nagtanong si Xinghe, "Bakit tayo naririto?"

"Shush, sumunod ka muna sa akin!" Misteryosong utos ni Ee Chen habang iginigiya niya ang mga ito tungo sa isang mataas na gusali. Nagtataka din ang grupo ni Xinghe pero masunurin silang sumunod dito. Pumunta sila sa napakataas na palapag. Ang grupo ni Ali ay palaging maingat kay Ee Chen at sa mga misteryoso nitong paraan, pero buong tiwala na sumunod si Xinghe sa likuran nito, hindi natatakot na baka isa itong patibong.

Sa wakas, tumigil si Ee Chen sa harapan ng isang pintuan at mahinang nagtanong si Xinghe, "Ano ang lugar na ito?"

"Pumasok ka na at hindi magtatagal ay malalaman mo din." Itinulak ni Ee Chen pabukas ang pintuan at naunang pumasok. Ang lahat sa kanila ay sumunod, at napagtanto nilang normal ang silid, wala namang kakaiba tungkol dito.

Matapos na isara ang pintuan, nagpaliwanag si Ee Chen, "Ito ang hideout ko. Ang dahilan kung bakit hiniling ko na magpunta kayong lahat dito ay dahil sa kailangan ko kayo na may makita mamaya."

"Ano ba iyon?" Kulit ni Xinghe.

Malamig na sinabi ni Ee Chen ng may ngisi, "Ang pangit na parte ng He Lan family."

Napataas ang kilay ni Xinghe.

Walang pasensiya na tanong ni Sam, "Ano'ng pangit na parte?"

"Sumunod kayo sa akin." Iginiya sila ni Ee Chen sa isang silid, na mukhang silid-tulugan niya. Matapos pumasok, napansin nila ang isang teleskopyo sa may bintana.

Bahagyang iginilid ni ee Chen ang kurtina at isinaayos ang teleskopyo habang sinasabi niya na, "Mula dito, makikita mo ang Angel Orphanage na pinangangasiwaan ng He Lan family. Sa mga nakalipas na taon, inoobserbahan ko ang lugar na ito at marami na akong nakitang hindi magandang ginagawa nila. Ngayon, ipinatawag ko kayong lahat para kayo na mismo ang makakita nito."

Lumapit si Xinghe at natural lamang na binakante ni Ee Chen ang lugar. Ibinaba ni Xinghe ang kanyang ulo para sumilip sa teleskopyo na nakatutok sa malaking ampunan na may ilang daang metro ang layo ng bahagya sa kaliwa.

Ang ampunan ay malaki at maganda. Ang damuhan ay may maraming bata na naglalaro doon. Ang mga manggagawa sa ampunan ay abala sa kanilang mga gawain, nakikita pa ni Xinghe kahit ang mga batang nag-aaral sa silid-aralan. Tiningnan niya ng husto ang lugar pero wala siyang makitang kaduda-duda.

Kung mayroong bagay na wala sa lugar, ito ay ang pasukan sa gilid ng ampunan na may malaking carrier van. Ang likuran ng van ay nakabukas at napakaraming bagay na nasa loob nito kahit na kalahati pa lamang ang laman nito.

Gayunpaman, walang nagbibigay ng pansin sa mga natitirang bagay sa loob ng van. Kahit na may mga manggagawa doon, nakatayo lamang ang mga ito at nagkukwentuhan kaysa iaba pa ang ibang gamit. Ito ang nagpataas ng pagdududa ni Xinghe.

Napatayo siya ng tuwid at nagtanong kay Ee Chen, "May kakaiba sa van na iyon, tama?"

Napatingin si Ee Chen sa kanya ng may pagkagulat at napasinghap ito. "Paano… paano mo nalaman na may kakaiba sa van na iyon?!"