Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 694 - Katawan ng mga Bata

Chapter 694 - Katawan ng mga Bata

Direktang sumagot si Xinghe, "Kutob."

Kinilabutan si Ee Chen. Nag-aalala itong tumawa. "Ang kutob ba ng lahat ng babae ay kasing-tama mo o kakaiba lang ang sa iyo?"

"Ang masasabi ko lamang ay kinukuha ng van na iyon ang atensiyon ko. Sabihin mo sa akin, ano ang kakaiba sa van na iyon?" Tanong ni Xinghe.

Matapat na sumagot si Ee Chen habang nalukot ang mukha niya, "Walang kakaiba sa van dahil ang isyu ay may kinalaman sa ampunan! Ang van na iyan ay tumutulong na magdala ng mga suplay sa ampunan, dadating ito minsan kada buwan at ang oras ng pagdating ay magkakaiba, pero titigil ito ng isang buong araw sa ampunan bawat pagkakataon. Sa labas, mukhang madami lamang silang dalang suplay, kaya kakailanganin nila ang isang buong araw para magdiskarga, pero sa nakikita ninyo, hindi iyon ang totoo. Ang van ay mananatili magdamag dahil kailangan nila ang tabing ng dilim para dalhin palayo ang ilang bagay at ang mga bagay na ito ay ang pangit na parte ng He Lan family!"

"Ano ba ang mga bagay na ito na kailangang dalhin palayo mula sa ampunan?" Giit ni Xinghe; ang kanyang mga tanong ay palaging derekta sa punto.

"Mga katawan ng bata!" Mabigat na napabuntung-hininga si Ee Chen. Ang rebelasyon na ito ang ikinabigla ng lahat.

"Ano ang sinabi mo?" Tanong ni Ali, akala niya ay namali siya ng dinig.

Kalmadong nagpatuloy si Ee Chen, "Tama iyon, ang van ay naroroon para dalhin ang mga katawan ng bata, at lahat sila ay mga ulila mula sa ampunang ito. Ang totoo, nakaligtas ito sa atensiyon ko noon at natagalan ako bago ko nalaman na may kaduda-duda sa van na ito. Matapos niyon, ilang beses ko sinubukang sundan ang van, pero matapos lamang ng maraming pagsubok bago ko nagawang makita na umalis sila patungo sa isang crematorium. Ibinaba nila ang katawan ng mga bata mula sa van at dinala ang mga ito sa crematorium, para pagtakpan ang kanilang mga gawain. Ngayon, napansin ko na dumating na naman ang van kaya naman tinawag ko kayo para kayo mismo ang makakita."

Ang pagbubunyag ni Ee Chen ay mabigat ang dagan sa kanyang puso. Mahirap sikmurain ang ganitong balita. Ang grupo ni Ali, na kung saan ang lahat ay mga ulila na, ay nagalit ng husto.

Galit na nagsalita si Ali, "Hindi ka ba nakakuha ng mga larawan o video ng krimen nila?"

Nagpaliwanag si Ee Chen, "Siyempre, sinubukan ko nga iyan, pero kung sa sinuswerte ba o minamalas, depende sa kung paano mo ito makikita, ang mga manggagawa ay napakawalang-ingat, kaya naman nagawa kong makita ang mga katawan ng mga bata. Matapos nito, hindi na sila nagpabaya pa, kaya wala na akong makuhang pruweba. Isa pa, napakahigpit ng kanilang security; walang camera sa paligid ng ampunan at crematorium para ma-hack ko at may patuloy na pagpapatrolya at mga guwardiya doon. Hindi ako makakalap ng ebidensiya ng sarili ko lang, at kahit na magawa kong makaipon ng ebidensiya laban sa kanila, iipitin lamang ito ng He Lan family, kaya wala namang saysay na ibunyag ko ang sarili ko sa kanila. Pero ngayon, sa tulong ninyo, umaasa ako na makakakuha tayo ng ebidensiya at maisiwalat na ang tunay na kapangitan ng He Lan family."

May tiwala siya kay Xinghe at sa mga kaibigan nito.

Buong kumpiyansang nangako si Ali, "Iwanan mo ang pagkolekta ng ebidensiya sa amin! Huhulihin namin sila sa akto ngayong gabi at wawasakin natin ang nakakasuklam na He Lan family na ito!"

"Tama iyon, kukuhanin natin ang pruweba ng mga krimen nila ngayong gabi. Iwanan mo na ito sa amin," dagdag ni Sam na may malamig na ngiti.

Biglang tanong ni Xinghe, "Paano sila namatay?"

Ang tanong niya ay nakadirekta kay Ee Chen at umiling ito. "Sana nga ay alam ko, pero masyadong gwardiyado ang ampunan, hindi ako makapagsagawa ng imbestigasyon."