Sumagot si Xinghe sa mababang tinig, "Hindi ko alam, kaya naman dapat na makasigurado muna ako."
Si Xinghe at Elder Shen ay hindi maaaring magsagawa ng pagsusuri ng DNA bilang mag-ama dahil para lamang ito sa mga magulang at anak nito.
Gayunpaman, maaari niyang isagawa ang bloodline test. Kung ang resulta ay talagang positibo, ang kanyang ina ay sigurado na ngang ang ikalawang anak na babae ng Shen family. Nasa kanya naman ang sample ng DNA ni Elder Shen, kaya makukuha na niya agad ang resulta kinabukasan.
Pumayag si Mubai sa kanyang desisyon. "Kailangan nga nitong makumpirma, kung iisang tao nga lang talaga sila, nangangahulugan nito na ang He Lan family na ito ay mas mapanganib kaysa sa iniisip natin."
Kung magkatugma ang katauhan ng mga ito, malinaw na senyales na may kakaiba sa He Lan family at may kaugnayan sila sa Project Galaxy. Ang totoo pa nito, maaaring ang He Lan family pa ang magbigay daan sa kanila para malaman ang katotohanan at marahil ay makatulong pa na makapagturo ng lokasyon ng kanyang ina. Siyempre, ito ay ang pag-isip na ang ina ni Xinghe ay ang ikalawang anak na babae ng Shen family.
Hindi masyadong iniisip ni Xinghe ang tungkol dito, pero kapag lalo niya itong iniisip, mas lalo siyang kinakabahan.
"Kapag nakumpirma na ito, babalik ako sa Hwa Xia," pangako ni Xinghe sa mariing boses.
Ganoon din ang naisip ni Mubai. "Matapos ang kumpirmasyon, wala nang dahilan pa para manatili diyan, kailangan mo nang bumalik, at hahanap tayo ng solusyon para harapin ang He Lan family."
"Okay," walang alinlangang sagot ni Xinghe.
Gayunpaman, pinayuhan pa din siya ni Mubai, sa isang tonong puno ng pag-aalala, "Kailangan mo nang mag-ingat kapag nasa paligid ka lamang ng He Lan family matapos mong kumpirmahin ang kanilang mga pagdududa. Huwag kang mag-alinlangan na lumapit sa akin, huwag mong sarilinin ang lahat, mas lalo mo lamang akong pag-aalalahanin sa iyo kapag ginawa mo iyon."
"Naiintindihan ko," mahinang sagot ni Xinghe.
Inisip ni Mubai ang tungkol dito at idinagdag pa na, "Bakit hindi ka na bumalik matapos mong maisagawa ang DNA test? Dahil nga, gaya ng nasabi mo, wala namang progreso sa paghahanap."
"Hindi na kinakailangan pa, gagawin ko na ang pagsusuri sa DNA dito. Huwag kang mag-alala, aalagaan ko ang sarili ko," pangako ni Xinghe, at matapos naman ay nagtanong ito tungkol dito, "Kumusta ka naman? Ano na ang lagay ng iyong pagpapagaling?"
May bahid ng kaligayahan sa sagot ni Mubai. "Maayos naman ako. Ang plano ay bisitahin ka matapos ang dalawang araw, pero dahil sa malapit ka na namang umuwi, sa tingin ko ay maghihintay na lamang ako dito sa Hwa Xia."
Hindi maiwasan ni Xinghe na mapangiti sa kabilang linya. "Kumusta naman si Lin Lin? Ano naman na ang lagay niya?"
"Ayos lamang siya, pero sinabi nga niya na nami-miss ka niya, na hinahanap ka niya sa bawat segundo ng bente kwatro oras sa bawat araw ang eksaktong mga salita niya," mabagal na sagot ni Mubai sa nakakaakit nitong tinig.
Ang nais niya ay magdala ng init ang mga salita niya para kay Xinghe, pero ang tanging nararamdaman nito ay kalungkutan. Hinihiling din niya na nasa tabi niya si Lin Lin dahil nami-miss na din niya ito ng husto…
"Babalik din ako sa lalong madaling panahon," pangako ni Xinghe.
"Okay," mahinang sagot ni Mubai at nagpatuloy sa nakakaakit na tinig, "Sinabi din niya, na sa pagbalik mo gusto niyang magpunta sa mga date na kasama ka, na magkaroon siya ng mga panahong kasama ka nang mag-isa, sa anumang kaso, iniisip ka niya sa bawat araw at napakarami niyang plano at gawaing gusto niyang gawinsa iyo, kaya kailangan mo nang bumalik para hindi mo siya mabigo…"
"Sandali, sigurado ka ba na si Lin Lin ang nagsabi ng mga bagay na iyan?" Napakunut-noo si Xinghe sa kalituhan.
Si Mubai, sa kabilang linya, ay hindi nahihiyang sinabi na, "Siyempre hindi, mga selfish na kaisipan ko iyon."
Hindi na nakapagsalita si Xinghe.
"Xinghe, namimiss na talaga kita," biglang pag-amin ni Mubai. "Kung ang isang araw ay may 36 oras, gagamitin ko ang lahat ng 36 oras para isipin ka."