Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 689 - Baka Siya ang Nanay Mo

Chapter 689 - Baka Siya ang Nanay Mo

"Ano, ang nanay mo ay nanggaling din sa ampunang ito?" Si Ali at ang iba pa ay nagulat sa balitang ito.

Tumango si Xinghe. "Oo."

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Paano nangyari ang bagay na iyon? Ang nanay mo at ang ikalawang Shen Miss ay nagmula sa parehong ampunan. Sa tingin mo ay magkakilala silang dalawa?" Ang interes ni Ali ay napukaw.

Bahagyang nanginig ang mga mata ni Xinghe. "Hindi ko masabi kung talagang magkakilala sila pero pareho sila ng edad, kaya hindi maaaring malayo iyan sa katotohanan."

"Pareho sila na nagmula sa parehong ampunan, kaya kilala nila ang isa't isa! Napagaling naman nito…"

"Xinghe, posible kaya na ang iyong ina ay ang ikalawang Shen Miss?" Biglang sambit ni Cairn. Napatahimik ang lahat dahil dito.

"Maaaring tama si Cairn!" Bulalas ni Sam.

"Xinghe, tingnan natin, baka siya nga ang nanay mo!" Nadala na si Ali sa interesanteng pangyayari na ito. Umaasang nakatingin sa kanya sina Cairn at Wolf. Sa ibang kadahilanan, ang puso ni Xinghe ay nagsimula na ding tumibok ng mabilis…

Paano nangyari iyon? Ang kanyang ina ang ikalawang anak na babae ng Shen family? Maaaring isa itong nakakalokong pangyayari. Pero, hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ang paraang ito.

Sa bandang huli, nagdesisyon siya na tanggapin ang posiblidad dahil nga naman, ang pagkakataong ito ay maaaring hindi ubusang zero. Sinabi sa kanila ni Xinghe matapos nitong magawa ang desisyon. "Okay, pupunta tayo para tingnan bukas."

"Xinghe, kun ang nanay mo talaga ang ikalawang anak na babae ng Shen family, ibig sabihin ay parte ka talaga ng Shen family. Si Elder Shen ang bayolohikal mong lolo at si Madam Presidente ang iyong bayolohikal na tiyahin, hindi ba't napakaganda nito? Sa tingin ko nagsisimula ko nang hilingin na ang nanay mo nga ang hinahanap natin," sabik na sambit ni Ali.

"Kung totoo nga ito, ang mundo ay isang mapaghimalang lugar," masayang sabi ni Sam pero nakangising idinagdag na, "Tingnan natin kung ano ang sasabihin ni Miss Tong para hamunin ang posisyon mo!"

"Tama iyon, lagi na lamang niyang ginagamit ang kanyang kaugnayan sa dugo bilang panggigipit sa iyo, kaya matapos natin itong kumpirmahin, babalik tayo para isampal sa kanya ang katotohanan, para maintindihan niya kung ano ang ibig sabihin ng karma!" Sulsol din ni Ali, hindi na makapaghintay na dumating ang araw na iyon, dahil gustung-gusto na niyang makita na masampal ng husto ang mukha ni Tong Yang.

Hindi maiwasan ni Xinghe na hindi matawa. "Hindi pa ito kumpirmado kaya huwag muna kayong mag-isip ng malayo. Kung hindi ito totoo, tayo ang magiging katawa-tawa."

"Sana nga ay totoo na ito!" Buong tiwalang sambit ni Ali. "At huwag ninyong pagdudahan ang pakiramdam ng isang babae."

"Mukha ba o pakiramdam mo ay isang Shen ang nanay mo?" Tanong ni Wolf.

Natahimik si Xinghe habang malalim na nag-iisip. Ang totoo, hindi niya masyadong maalala ang tungkol sa kanyang ina, pero masasabi niya na napakatalino at napakayumi nitong babae. Ang presensiya niya ay may pagkakahawig sa Shen family at maski ang kanilang hitsura ay…

Gayunpaman, ang lahat ng iyon ay hindi maaaring magamit bilang pruweba. Nagdesisyon si Xinghe na ialis muna ito sa kanyang isipan. Hanggang may matibay na siyang ebidensiya, walang saysay ang magbuo ng kastilyong buhangin.

Kailangan niyang gawin ang makakaya niya para imbestigahan ang posibilidad na ito, dahil ang lahat ay posible, pero paano nga kung talagang nag-iisa lamang ang mga ito…

...

Gabi-gabi ay tumatawag si Mubai kay Xinghe para makipag-usap, at wala nang naiba maliban sa gabing iyon.

Sinabi sa kanya ni Xinghe ang lahat ng nangyari nang araw na iyon.

Nang marinig ni Mubai ang posibilidad na ito, mayroong surpresa at antisipasyon sa kanyang boses, "Talaga nga kayang iisang tao lamang sila?"