Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 70 - ANG NAG-IISANG LALAKI SA AKING PANINGIN

Chapter 70 - ANG NAG-IISANG LALAKI SA AKING PANINGIN

Hindi naglihis ng tingin si Wushuang, sa halip ay tinitigan pa siya nito. Nakikini-kinita ni Xinghe kung ano ang iniisip ng babaeng ito, nag-iisip ng mga plano na makakapinsala sa kanya.

Binigyan siya ni Xinghe ng isang sulyap na nang-uuyam.

Naramdaman ni Wushuang na kumulo agad ang dugo niya!

Xia Xinghe, ano ang ipinagmamalaki mo ngayon? Kaya kong iutos ang pagkamatay mo sa oras na ito kung gugustuhin ko!

Kahit na nabibihisan si Xinghe ng magandang kasuotan, hindi natinag si Wushuang dahil naniniwala siya na isang talunan ang nasa loob ng magandang baluti na iyon.

Kampante siya na kaya niyang durugin si Xinghe sa isang pitik lang ng kanyang daliri.

Tulad ni Wu Rong, nasanay na si Wushuang sa marangyang buhay kung saan lahat ay sinusunod siya at hindi siya nahihirapan sa buhay.

Kaya siya ay nainis sa ipinakitang nang-uuyam na tingin ni Xinghe.

Kaya lohikal lamang na humanap siya ng paraan para maibsan ang kanyang inis!

Hinihintay lamang ni Xinghe na gumawa ng unang hakbang ang babaeng ito.

Kung tutuusin, titigil na sana siya kung walang gagawing masama si Wushuang. Kaya Wushuang, sana ay hindi mo ako biguin…

Matapos na maapula ang mga kandila at nahati na ni Lin Lin ang cake, opisyal nang nagsimula ang selebrasyon.

Nagbigay ng maiksing talumpati si Mubai bago nito hilingin ang mga panauhin na bumalik sa kani-kanilang mga upuan at sana ay masiyahan ang lahat sa pagkain.

Sa wakas ay hindi na sila ang sentro ng atensiyon.

Bigla ay napawi ang ngiti ni Ginang Xi at agad itong napalitan ng pangungunot ng noo habang tinititigan si Xinghe.

Hindi niya gustong gumawa ng eksena dahil makakasama ito sa imahe ng Xi Family, pero ngayong wala na ang pokus ng lahat sa host, pwede na niyang sabihin ang mga saloobin niya.

"Xia Xinghe, hindi sa kinokontra ko ang pagdalo mo sa birthday party ng aking apo pero ano ang iyong intensyon sa magarbo mong entrada?" Masungit na akusa ni Ginang Xi. Lahat ng nasa mesa, kasama na si Mubai, ay nagulat sa sinabi nito.

Lahat ay nagulat, maliban kay Tianxin, dahil alam niyang agad na kakastiguhin ni Ginang Xi si Xinghe.

Hindi din nagulat si Xinghe. Tiningnan niya si Ginang Xi ng mahinahon, ang mukha niya ay payapa.

Ganito siya noon noong kasal pa sila ni Mubai. Ignorante at walang sigla, ito ang kilos niya na nagpapagalit kay Ginang Xi.

Nagbibigay ito ng impresyon kay Ginang Xi na kailanman ay hindi siya nararapat sa pangalan ng Xi Family. Lahat ng ginagawa ni Xinghe ay kulang sa pagsisikap, pakiramdam niya ay wala ng iuunlad pa si Xinghe kaya hindi na niya ito nagustuhan mula noon at hindi ito nagbago ngayon.

Kahit na ngayong nagpunta siya sa kaarawan ng anak, hindi siya nakipag-usap kahit kanino, hinayaan lamang niya na siya ay pag-usapan at duruin ng lahat.

Mahinang tumugon si Xinghe, "Hindi ko maintindihan ang ibig ipahiwatig ni Ginang Xi."

Palaging may hindi nasasabing tensiyon sa pagitan ng mga kababaihan.

Kahit na wala namang sinabi na nakakainis si Xinghe, kahit na sa katotohanan ay magalang siya, ang blood pressure ni Ginang Xi ay umakyat sag alit.

"Hindi mo maintindihan?" Patuya niyang tanong, "Sa tingin mo ay hindi ko alam ang ginagawa mo, naririto ka para hadlangan ang nalalapit na kasal ni Mubai. Didiretsahin na kita, si Mubai at Tianxin ay ikakasal na kaya huwag ka na magkaroon pa ng ideya diyan. Hindi ka na parte ng Xi Family at kailanman ay hindi na magiging parte pa, kaya kumilos ka ng maayos. Itigil mo na ang pang-aakit mo sa iba!"

Akala ni Ginang Xi na ang buong kaayusan ni Xinghe ay para akitin si Mubai.

Muntik ng sumagot ng pakutya si Xinghe.

Wala siyang interes na habulin pa ang nakaraan.

Binigyan ni Xinghe ng isang hindi interesadong tingin si Mubai na para bang nagsasabing, "pakiusap lang huwag kang magkakagusto sa akin, wala akong oras at panahon sa mga taong tulad mo.'

Sinalubong ni Mubai ang kanyang tingin at binigyan din ito ng galit na titig.

Minamaliit ba siya ng babaeng ito?!

Akala ba niya ay hindi ako karapat-dapat sa kanya?

Pakiramdam ni Mubai ay nainsulto siya ng bahagya.

Ang sumunod na sinabi ni Xinghe ang kumontra sa akusasyon ni Ginang Xi.

"Ginang Xi, nagkakamali ka. Sa totoo lang, iisang lalaki lamang sa lugar na itoa ng nakahuli ng aking pagtingin, at siya ay walang iba… kung hindi ang anak ko."