Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 666 - Hindi Ako Normal

Chapter 666 - Hindi Ako Normal

"Sabihin mo sa akin!" Nagmamadaling tango ni Xiaoxi. "Kahit na ano pa ito, ibibigay ko ang aking buong kooperasyon."

"Bakit ka pinag-eksperimentuhan ni Lin Xuan? Ano ba ang sikreto ng katawan mo?" Direktang tanong ni Xinghe. Nagulat si Xiaoxi; hindi niya inaasahan ang tanong na ito.

Kahit na itinanong na sa kanya ang katanungang ito kahapon, hindi niya inisip na magiging interesado si Xinghe. Hindi siya nagbigay ng kahit anong sagot sa ibang tao, pero si Xinghe ito…

"Bakit, isa ba itong bagay na hindi mo masabi?" Diin ni Xinghe nang makita ang hirap sa mukha ng dalaga.

Umiling si Xiaoxi. "Hindi, dahil sa hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito. Natatakot ako na hindi ka maniniwala sa akin dahil parang hindi ito kapani-paniwala."

"Subukan mo ako," mariing sambit ni Xinghe.

Naramdaman ni Xiaoxi ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Xinghe. Maraming taon na niyang dinadala ang sikretong ito, umaasa siya na may mahahanap siyang tao na mababahaginan nito at mukhang si Xinghe ang pinakamainam na kandidato. Agad na nakapagdesisyon si Xiaoxi.

Tumingin siya sa paligid para masigurado na silang dalawa lamang at mabagal na nagsimula, "Miss Xia, totoo ngang maraming sikreto sa katawan ko dahil hindi ako normal na tao!"

Inisip niyang magugulat si Xinghe sa pagbubunyag niyang ito, pero hindi natinag si Xinghe; ang totoo, mukhang inaasahan pa nga nito ang sagot na ito.

"Sige, ituloy mo," pagbibigay-engganyo pa ni Xinghe. Lumakas ang loob ni Xiaoxi at ang pressure sa kanya ay bumaba.

"Sinabi ko na hindi ako normal dahil sa aking ama. Siya ay… siya ay isang mahusay na biologist na masyadong mahusay sa genetic modification, at ang katawan ko ay pinaigi niya genetically…"

Sumulyap si Xiaoxi kay Xinghe, pero sa kanyang pagkagulat, hindi pa din ito apektado tulad ng dati. Tila ba nakikinig lamang ito sa isang normal na usapan.

"Hindi na bago ang genetic modification," paliwanag ni Xinghe.

Tumango si Xiaoxi. "Naiintindihan ko, pero ang ama ko ay kakaiba; na-master na niya ang teknolohiya maraming taon na ang nakakaraan at ang ginawa niya ay pinahaba niya ang buhay ko. Isa pa, sinabi niya na hindi siya mula sa mundong ito, kahit na wala pa din akong ideya kung ano ang ibig niyang sabihin dito. Gayunpaman, nawala siya sa mundo matapos noon. Ilang taon mula nang mawala siya, kami ng aking ina ay nadiskubre ng Lin family. Bata pa ako noong mga panahong iyon, kaya naibunyag ko ang sikreto ng aking ama at alam mo na ang sumunod na nangyari, hinuli nila ako para pag-eksperimentuhan… para makita kung ang ginawa ng aking ama ay maaaring kopyahin at gamitin sa kanilang mga sarili! Alas, matapos ang napakaraming taon, hindi pa din sila nagtagumpay."

Hindi lamang iyon, ang katawan niya ay napinsala sa prosesong ito. Kung hindi dahil sa ginawa ng kanyang ama sa kanyang genes, matagal na siyang namatay sa pagpapahirap ng mga ito. Muling bumalik ang pagkasuklam sa mga mata ni Xiaoxi habang naaalala ang mga malupit na mga taon ng pag-e-eksperimento na isinagawa sa kanya ng Lin family.

Tinitigan siya ni Xinghe at biglang nagtanong, "Nawala din ang iyong ama mga labindalawa o labintatlong taon na ang nakakalipas, tama?"

Nanlaki ang mga mata ni Xiaoxi sa pagkabigla. "Paano… paano mo nalaman?"

"May iniwanan din siya sa iyo na isang itim na parihaba na metalikong bagay, tama?" Tanong muli ni Xinghe.

Tiningnan siya ni Xiaoxi na tila nahihintakutan. "Paano mo nalaman ang tungkol diyan?! Sinabi ba iyan sa iyo ng Lin family? Tanging ako, ang aking ina, at ang Lin family lamang ang nakakaalam ng tungkol dito…"

Related Books

Popular novel hashtag