Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 66 - KAPANSIN-PANSIN

Chapter 66 - KAPANSIN-PANSIN

Gusto niyang iligtas siya sa isang masamang sorpresa.

Pero nahuli na siya, narating na ni Xinghe ang pintuan papasok sa ballroom. Maraming tao na rin ang nakapansin sa kanya.

Biglang may pumasok na ideya kay Xi Lin. Nagmamadali siyang lumapit at hinablot ang palad ni Xinghe.

Nagulat si Xinghe nang may biglang humawak sa kanya, at isang pares ng mga matang parehas ng hugis ang bumungad sa kanya!

Ito ang unang pagkakataon na muli silang nagkita matapos ang hiwalayan tatlong taon na ang nakakaraan.

Ito ri nang unang pagkakataon sa memorya ni Xi Lin, ang unang beses na nakita niya ang kanyang ina.

Ang unang beses na siya at si Xia Xinghe ay nagkita ngayong malaki na siya…

Ngunit mayroong nag-uugnay sa isang ina sa kanyang anak kaya agad na nakilala ni Xinghe kung sino siya sa isang tingin lamang.

Tinitigan niya ang kanyang anak na nakahawak sa kanyang palad ng may pagkamangha at nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Ang kanyang kahinahunan ay nayanig.

Hindi niya naisip at hindi din niya inaasahan na mangyayari ito. May isang bata na tatakbo para hawakan ang kanyang kamay at ito pala ay walang iba kung hindi si Lin Lin.

Ang kanyang pinakamamahal na anak, si Lin Lin!

"Master Xi, hindi pa din po namin mahanap ang young master!" Pabulong na sabi ng bodyguard kay Mubai. Sinuyod na nila ang buong hotel pero hindi pa din matagpuan si Xi Lin.

Naningkit ang mga mata ni Mubai, mababanaag ang galit sa boses nito ng magsalita, "Tingnan ninyong maigi ang security footage, hanapin siya kahit na anong mangyari!"

"Opo…" at kumilos na ang bodyguard para sumunod.

Nag-aalala na si Ginang Xi. "Saan na kaya napunta si Lin Lin? May nangyari na kayang masama sa apo ko?"

"Auntie, huwag ka pong mag-alala, sigurado akong ayos lang si Lin Lin. Baka napunta lang siya sa kung saan, nagtataguan pero lalabas din siya agad," konsola ni Tianxin pero mahihimigan na may ibang pakahulugan sa kanyang mga salita.

Lahat ay nag-aalala na kay Xi Lin.

Kung ang pangyayaring ito ay dahil sa kanyang paglalaro, siguradong pagsasabihan siya ng matindi pagkatapos ng piging na ito.

Dahil sa sinabi niya, nagalit si Ginang Xi, "Kung ito ang ideya niya ng kalokohan matuturuan siya ng seryosong leksiyon kapag nakita na siya mamaya!"

"Hanapin na lamang natin muna siya," nag-aalala na ding sabi ni Ginoong Xi na pinapayapa ang lahat.

Ang pinakanag-aalala sa lahat ay, walang iba, kung hindi si Mubai.

Nag-iisang anak niya si Lin Lin, hindi siya makapapayag na may mangyaring masama rito!

Napuno ng pangamba ang puso niya. Nang siya ay tumayo na para muling hanapin si Lin Lin, narinig niya ang tuwang sigaw ng bodyguard.

"Nakita na namin siya! Nakita na namin ang young master!"

Agad na lumingon si Mubai sa direksiyon ng boses. Sa kanyang pagkabigla, hindi lamang si Lin Lin ang kanyang nakita, ngunit pati na rin si Xia Xinghe!

Isang naiibang Xia Xinghe na nakasuot ng isang mgandang maroon gown.

Isang Xia Xinghe na nabihag ang tingin ng lahat…

Gulat na gulat at nabibighani ang mga matang nakatingin sa kanya.

Na aakalain mong nahipnotismo silang lahat gawa ng kagandahan at kayumihan niya.

Bawat isa sa kanila ay natigilan sa kanyang nakakahangang aura. Bawat galaw niya ay parang nagsusumigaw na ang reyna ay dumating na.

Hindi pinansin ni Xinghe ang mga matang nakatitig sa kanya tulad ng tubig na dumadausdos sa likuran ng isang bibe.

Tinatrato niyang mga bagay na hindi buhay at gumagalaw ang mga tao na naroroon.

Habang ang lahat ay nasisilaw sa kanyang presensiya, ang nag-iisang tao na halos mabulag sa lahat ng iyon ay si Chu Tianxin.

Hindi siya makapagsalita at nakatitig lamang kay Xia Xinghe, at inakalang siya ay namamalik-mata lamang.

Ito si Xia Xinghe? May problema na ata ako sa aking mga mata…

Hindi maaari. Hindi ito posible dahil si Xia Xinghe ay matanda na at pangit.

Nagkamali siguro ako, hindi ito si Xia Xinghe!

Related Books

Popular novel hashtag