"Ama?" Napaatras si Shen Ru, ano ba ang dapat niyang gawin?
Tatanggihan ba niya ito o aaminin niya?
Hindi, hindi niya ito maaaring aminin, pero ano pa ba ang magagawa niya?
Wala siyang lakas ng loob na aminin ito…
Nanginginig mula ulo hanggang talampakan si Shen Ru pero walang salita ang lumabas mula sa kanyang bibig. Mabilis na lumapit si Tong Yan sa kanya at hinablot ang kanyang braso, habang sumisigaw, "Mom, bakit ka nagdadalawang-isip? Sabihin mo agad kay Grandpa na isa itong peke, na hindi ka anak ng Lin family! Gawin mo na ito, bilis!"
"..." Kahit na gaano pa siya pilitin ni Tong Yan, hindi mahanap ni Shen Ru ang mga salitang sasabihin. Gusto din niyang sabihin na hindi siya, pero ano ang kanyang ebidensiya?
Ang puso ni Tong Yan ay napuno ng takot habang pinagmamasdan ang pagkilos ng kanyang ina. "Mommy, anak ka ba talaga ng Lin family, hindi ikaw ang tunay na anak ni grandpa? Sabihin mo sa aking hindi ito totoo, Mommy, nagsisinungaling siya, hindi ba?"
"..." Alas, hindi sumagot si Shen Ru. Tumingin sa paligid si Tong Yan para humingi ng saklolo at ang kanyang mga mata ay napako sa kanyang fiancé.
Nagmamadali siyang lumapit dito at nagmakaawa, "Brother Xuan, sabihin mo sa lahat na hindi ito totoo! Paanong naging isang Lin ang aking ina? Hindi tayo magpinsan! Brother Xuan, sabihin mo sa akin na ang lahat ng ito ay mali, kailangang mali ito, hindi ba?"
Para sa kanyang panlulumo, ang tanging sagot ni Lin Xuan ay ang kanyang seryosong mukha.
Pinakawalan siya ni Tong Yan at napaatras ng ilang hakbang. Nanginginig ang kanyang katawan habang sinasabi ito sa kanyang sarili, "Hindi, hindi ito totoo, sabihin ninyo sa akin na wala sa mga ito ang totoo…"
Paanong hindi siya ang apo ng Shen family, at mas masahol pa doon, ay maging pinsan ni Lin Xuan?! Siguradong peke ito!
"Ang lahat ng ito ay totoo." Habang pinipilit ni Tong Yan na kumbinsihin ang sarili, ang maliwanag na boses ni Xinghe ay pumailanlang, na siyang nagwasak ng safety bubble na ipinalilibot niya sa kanyang sarili. "Si Shen Ru ay isang Lin. Ang Lin family ay nakikipaglaban para sa kapangyarihan at impluwensiya ng Shen family ng maraming taon na ang nakakaraan, kaya naman ang masama nilang balak ay nagsimula na noon pa. Gusto nilang gamitin ang koneksiyong ito para makuha ang pinakamataas na opisina sa bansang ito. Ang presidente ay may sakit at ang kanilang plano ay malapit ng maisagawa, pero sa huling minuto, lumitaw ako para sirain ang kanilang plano kaya naman ginamit nila si Tong Yan para mawala ako. Alas ang kanilang plano ay pumalya at bumalik sa kanila. Para mabawi ang kanilang karangalan, ginamit nila si Shen Ru, ang gamitin siya para maresolba ang pagkamuhi ng maraming pamilya laban sa kanila. Hinayaan din nilang maging engaged sina Tong Yan at Lin Xuan para palakasin ang pagkakaugnay sa pagitan ng lahat ng pamilya kahit na sila ay magpinsan. Ginawa nila ang lahat ng ito dahil sa gusto nilang makuha ang pagiging presidente! Para sa posisyong ito, handa silang isakripisyo ang lahat, ang kanilang anak ng napakaraming taon na, si Lin Yun nitong nakaraang taon, at ngayon ay si Tong Yan. Hanggang makakarating sila sa ituktok, kahit ang kanilang sariling kadugo ay maisasakripisyo at magagamit! Elder Lin, tama ba ako o mali?"
Naningkit ang mga mata ni Elder Lin, at ang kanyang tingin ay madilim na tulad ng isang gabing walang bituin. Malupit niyang pinakatitigan si Xinghe. Kung posible nga lamang, puputulin na niya ang leeg nito doon pa lamang!
Ang lahat mula sa Lin family na nakakaalam ng katotohanan ay ganoon din ang tingin sa kanya dahil sinira niya ang lahat; sinayang niya ang lahat ng pagsusumikap nila na taon na ang binilang!
Gayunpaman, hindi sila basta-basta susuko, ng hindi lumalaban.
Madilim na tumawa si Elder Lin. "Nasaan ang iyong pruweba? Kung walang pruweba, kung ganoon ang mga ito ay paninira lamang! Ang Lin family namin ay hindi ka mapapatawad, at hindi magtatagal ay malalaman mo ang kahihinatnan mo sa pagkalaban mo sa amin!"
"Kailangan mo pa din ba ng pruweba?" Hinablot ni Xinghe ang DNA report mula sa mga kamay ni Lu Qi at ibinato ito dito. "Ito ang pinakamainam na pruwebang naririto!"