Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 654 - Kailangan nang Mamatay ng Lin Family Ngayon

Chapter 654 - Kailangan nang Mamatay ng Lin Family Ngayon

"Ang kahilingan mo ay aking susundin kaya makinig kang maigi. Ang masamang balak ng Lin family ay nabunyag na!" Inanunsiyo ni Xinghe sa pinakamalakas na boses niya habang direkta siyang nakaturo sa bungkos ng mga traydor na iyo. Ang lahat ng puso ng Lin family ay tumibok ng mabilis! Hindi makontrol ang panginginig ng mukha ni Elder Lin habang hinaharap ang tagusang tingin ni Xinghe.

Ang iba pang tao na mula sa Lin family ay hindi rin nagkaroon ng presentableng hitsura.

Ang Shen family at Tong family ay nagulat. Ang masamang balak ng Lin family… Ano'ng masamang balakin?

"Kalokohan!" Nasuntok ni Elder Lin ang mesa at pinandilatan si Xinghe na tila kakainin niya ito ng buhay. "Isa kang bastos na bata, kilala mo ba kung sino ang kinakausap mo?! Kapag nangahas kang magsalita ng mga mapanirang puring salita ulit, gagawin kong impiyerno ang buhay mo. Kahit na nasa likuran mo pa ang Xi family, hindi kita palalampasin ng basta-basta! Binabalaan kita, pati ang Xi family, kung kahit sino sa inyo ay mangangahas na kalabanin kami, ang aking Lin family ay lalaban sa inyo hanggang sa katapusan!"

Inisip ni Elder Lin na matatakot nila ang mga ito gamit ang pagbabanta pero si Xinghe at ang Xi family ay hindi takot sa kanya. Ipinapaalam sa kanila ni Xinghe, na kapag kaharap ang kanilang mga kaaway, hindi sila susuko at mas lalo silang magiging malupit kaysa sa mga ito!

"Hindi na kinakailangan pang makipaglaban hanggang sa huling sandali dahil ang iyong Lin family ay kinakailangan nang mamatay ngayon," ipinagdiinan ni Xinghe ang bawat salita. "Naniniwala ako na, hindi lamang ang aming Xi family ang gugustuhing mamatay kayo, maski ang Shen family ay gugustuhin din iyon!"

Naguluhan si Elder Shen. "Ano ang kinalaman nito sa aming Shen family? Xinghe, tungkol saan ang sinasabi mo?"

Lumingon si Xinghe para tingnan siya at sinabi ito ng direkta, "Elder Shen, maaaring hindi mo ito alam, pero ang iyong ikalawang anak na babae ay hindi mo anak kundi anak siya ng Lin family. Para sa layunin ng kanilang mga balakin, ang Lin family ay ipinagpalit ang inyong mga anak maraming taon na ang nakakaraan. Kaya naman, ang anak na pinalaki mo ng maraming taon ay ang totoong ikaapat na anak na babae ng Lin family."

"Nagsisinungaling ka—"

"Ano ang sinabi mo?!"

Sabay na napabulalas sina Shen Ru at Elder Shen. Si Old Madam Shen at ang Tong family ay hindi makapagsalita sa sobrang pagkabigla.

Napahiya ng husto ang Lin family. Paano nalaman ni Xia Xinghe ang tungkol dito?

Nangilabot si Tong Yan. Ano ba ang sinasabi ng p*tang ito?

"Xia Xinghe, kalokohan ang sinasabi mo! Kung hindi ako mula sa Shen family kung ganoon ay ano ako? Xia Xinghe, sumosobra ka na, paano mo nagawang sirain ang pangalan ko ng ganito? Security, dakpin siya agad! Sis, dali tawagin mo ang mga tauhan mo para dakpin siya!" Hiyaw ni Shen Ru na tila isang nababaliw na babae. Wala ni isa man ay nakikinig sa kanya.

Pinandilatan siya ni Xinghe at sinabi, "Shen Ru, alam mo na ang tungkol sa katauhan mo ng ilang panahon na, kaya ito ang dahilan kung bakit pumapayag kang tulungan na lamang bigla ang Lin family. Pero, kailangan kong sabihin na, hindi ko inaasahang ibebenta mo ang sarili mong anak para iligtas ang sitwasyong ito. Ang magpinsan na ikakasal, kung hindi incest ang tawag dito, wala na akong ideya kung ano pa."

"Nagsisinungaling ka! Paninirang-puri ito!" Nanginginig sa parehong galit at takot si Shen Ru. "P*ta ka, pangahas kang magsalita ng ganyan sa akin? Papatayin kita!"

Bayolenteng sumugod si Shen Ru kay Xinghe. Agad siyang nailagan ni Xinghe, na siyang dahilan para matisod si Shen Ru at madapa sa sahig.

"Mommy—" nagmamadaling tinulungan ni Tong Yan ang kanyang ina. Tinitigan niya ng masama na puno ng pagkasuklam si Xinghe. "P*ta ka, pagbabayaran mo ang pagtrato mo ng ganito sa nanay ko!"

Tulad ng kanyang ina, si Tong Yan, na nagkikimkim ng kaparehong galit at takot sa kanyang puso, ay sumugod din kay Xinghe...