Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 647 - Alam Mo Nga ang Katotohanan

Chapter 647 - Alam Mo Nga ang Katotohanan

"Paalis na ang lalaking iyon," biglang sabi ni Ali. Bumaling sina Xinghe at Mubai para tumingin, at iyon nga, patungo ito sa likurang hardin. Ang piging ng Lin family ay ginaganap sa sarili nitong tahanan, kaya ang lugar ay malaki, kasama na ang kanilang likurang hardin.

Nag-atubili si Xinghe bago sinabi, "Tara nang magpakilala sa kanya."

"Bakit hindi?" Nagpasya si Mubai na sumunod dito. Dahil nandoon naman sila para pakiramdaman ang kanilang mga kaaway, bakit hindi nila simulan kay Lin Qin?

Ang tatlo ay tahimik na pumuslit patungo sa likurang hardin.

Gustong makawala ni Lin Qin sa selebrasyon dahil wala naman itong kinalaman sa kanya. Hindi niya gustong makita sila dahil lalo lamang nitong pinatitindi ang kamiserablehan niya. Kaya naman, mas pinili niyang pumuslit sa likurang hardin para magkaroon ng oras sa sarili niya. Hindi niya inaasahan na may mga taong sumusunod sa kanya.

"Mr. Lin Qin, tama ba?" Ang maliwanag na boses ni Xinghe ay pumailanlang mula sa kanyang likuran.

Nagtatakang lumingon si Lin Qin at nagbago ang mukha nito nang makita sila. "Kayo!"

Alam niya kung ano ang hitsura nina Xinghe at Mubai. Gayunpaman, maliban sa malungkot na mukha, hindi sila pinakikitaan ng pagkamuhi ni Lin Qin. Napansin na ito kanina pa ni Xinghe. Dahil sa loob ng piging, nakita na sila ni Lin Qin, pero mas pinili nitong huwag silang pansinin; hindi ito nagpapakita ng kahit anong galit o pagkamuhi sa kanila.

Isa itong lubos na kabaliktaran sa unang pagkikita ni Xinghe kay Lin Qian; ang babae ay gusto talagang patayin siya dahil ang inisip nito ay pinatay nina Xinghe at Mubai si Lin Yun.

Kung kinamumuhian sila ng husto ni Lin Qian, kung teorya ang pag-uusapan, ang ama niya ay dapat din silang ituring na kaaway. Gayunpaman, hindi kinakitaan ni Xinghe ng anumang malisya ang mga mata nito. Ang pagdududa niya ay biglang nakumpirma…

Maingat silang tinanong ni Lin Qin, "Bakit ninyo ako sinusundan? Ano ang pinaplano ninyong gawin?"

Mabait na ngumiti si Xinghe. "Gusto lang naman naming sabihin sa iyo ang isang bagay, huwag kang mag-alala."

"Ano iyon? Sabihin na ninyo sa akin at pagkatapos ay lubayan na ninyo ako!" Walang pasensiyang reklamo ni Lin Qin.

Matalim na tinitigan siya ni Xinghe at inanunsiyo bigla, "HIndi kami ang pumatay kay Lin Yun—"

Nagulat si Lin Qin. Gayunpaman, hindi ito nagpakita ng kahit anong senyales ng galit o kagustuhang magtanong, ang mga mata nito ay lumikot ng may kumplikadong emosyon.

"Ah, alam mo na pala ang katotohanan," bulong ni Xinghe at pinag-aaralan nito ang bawat emosyong makikita sa mukha nito. "Mr. Lin, alam mo na si Lin Xuan ang pumatay sa kanya, tama?"

"Wala akong alam sa kung ano ang sinasabi ninyo!" Kinakabahang sagot ni Lin Qin. "Kayong dalawa ang pumatay sa anak ko, kaya paano kayo nangangahas na magsinungaling sa akin! Dahil ngayon ang maswerteng petsa ng Lin family, hindi ko na palalawigin ito, kaya pakiusap ay iwanan na ninyo ako."

Sinabi na ito ni Lin Qin na tila kinabisa niya ito at mabilis na umalis, natatakot na baka mahabol nila ito.

Nagkatinginan sina Mubai at Xinghe sa isa't isa at nakapagpalitan sila ng balita ng tahimik. Alam nga ni Lin Qin ang katotohanan.

Alam niyang si Lin Xuan ang pumatay sa kanyang anak, pero pinili niyang walang gawin tungkol dito. Mayroon lamang isang paliwanag tungkol dito, ang kamatayan niya ay iniutos ni Elder Lin!

O kaya ay inaprubahan ni Elder Lin ang desisyon ni Lin Xuan na patayin si Lin Yun!

Dahil nabigyan na ng pagpayag ni Elder Lin, ano pa nga ba ang magagawa ni Lin Qin? Ang totoo, marahil ay kahit si Lin Kang ay pumayag na ipapatay si Lin Yun.

Ang galit ni Lin Qin ay napipigilan dahil wala siyang karapatang magsalita sa pamilyang ito.

Ang Lin family na ito ay malupit hindi lamang sa mga tagalabas…

Pati na din sa kanilang pamilya.